Chapter 5

188 27 0
                                    

Halos mag-iisang Linggo na ring naninirahan si Borj sa bago niyang inuupahang apartment.Ang ipinagtataka ni Roni, madalang niyang makita si Borj.Ang sabi ng mga kapitbahay nito, maaga daw umaalis at kung umuwi ay gabing-gabing na oh di kaya ay madaling araw na .

Binalewala na lang ni Roni ang panahon na hindi niya nakikita si Borj.Ano ba naman kung hindi sila magkita at magkausap.Wala naman silang relasyon.Ilang araw pa nga lang silang magkakilala eh.

Nagliligpit na si Roni nang mga gamit sa tindahan dahil nagsisimula ng dumilim.Maya-maya ay isinarado na na niya ang tindahan at malumbay na tinungo ang gate papasok sa bahay  ng  kanyang Tiya Elena.

Binubuksan niya ang gate nang makarinig siya ng tawag mula sa kanyang likuran.
Hindi agad siya lumingon.Tinitiyak niya kung tunay ba na pangalan niya ang tinatawag ng boses ng isang lalaki.

"Hi Roni" pag-uulit muli nito nang hindi niya pansinin ang unang pagtawag nito.Noon lang siya dahan-dahang lumingon.

Naroon si Borj at maluwang ang pagkakangiti.

"Oh, Borj.Mukhang may pinagkakaabalahan ka ah, ngayon lang yata ulit kita nakita." Kaswal na wika ni Roni, subalit pinipigilan niya ang mapangiti sa muling pagkakita kay Borj.

" Yayayain sana kita eh.Maaga pa naman.Kung ok lang sayo"nakangiting  wika pa rin ni Borj sabay tingin sa relong pambisig nito.

Agad lumipad nang pagkabilis-bilis ang imahinasyon niya.

" OMG, yayayain na ba siya ni Borj mag dinner date?Oh, baka naman, manonood ng sine.Naku, hindi ako ready for this" bulong ng utak niya.

"S-saan ba tayo pupunta?" Halos nauutal na tanong niya dito at sobrang excited siyang malaman kung saan sila pupunta ni Borj.

Naiisip agad ni Roni ang isang romantic dinner date.Tapos may tumutugtog ng violin sa harap nila habang kumakain.Tapos may waiter na mag-aabot ng food, tapos may nakatago palang singsing.Tapos makikita niya.Tapos, kukunin yun ni Borj Tapos luluhod sa harap niya ang lalaki tapos mag po-propose,sabay tanong "will you marry me?"

"Yes..yes..!" Malakas na sagot ni Roni.

" Ha..anong yes?"nagtatakang tanong ni Borj.

Tila napahiya si Roni sa naging reaksiyon niya.Kaya biglang bawi Naman siya.

"Niyayaya mo ako di ba!Eh di sige yes!sasamahan kita.San ba 'yun?" Sabay bawi niya sa kabiglaanan.

" Bukas pa kasi yung ihawan ni Mang Kanor, baka gusto mo ulit kumain nung paa ng manok.Ililibre kita"alok ni Borj sa kanya.

" Toinkz Roni...Assuming ka kasi.Nasaan ang ini-imagine mong romantic dinner  date.Ang movie date.Ang proposal.Ang taas kasing lumipad ng imahinasyon mo, hayan tuloy sa ihawan ng paa ng manok kayo pupunta"Kantiyaw ng utak niya.

Napakamot sa ulo si Roni. Naiinis siya sa sarili. Pero maya-maya ay natawa na din siya dahil sa sariling kapraningan.

" Oh anong tinatawa-tawa mo diyan?"puna ni Borj sa kanya.

" Wala..wala..may naalala lang ako.Sige na,tara na magpapaluto ako ng paa ng manok basta libre mo ha"nakangiting wika niya kay Borj.

" Sige ba tara"at Nakangiting naglakad na silang dalawa patungo sa kanto kung saan naroon ang ihawan ni Mang Kanor.

Habang naglalakad sila.Naiilang siyang makipag-usap kay Borj.Hindi rin naman masyadong nagsasalita si Borj.Parang, naiilang din magkwento ang lalaki, samantalang ang pagkakakilala niya dito, noong una ay makulit at madaldal.

Narating nila ang ihawan ni Mang Kanor.Noon lang muli nagsalita si Borj.

"Oh, Roni, addidas ba ang gusto mo,ilan ba?" Tanong ni Borj.

"Dahil libre mo, siyempre lima" nakangiting tugon naman niya.Parang bigla ulit sila naging masaya at masigla nung may ibang tao silang kaharap,samantalang kanina,wala naman gustong magsalita sa kanilang dalawa.Nakakabingi ang katahalimikan noong naglalakad pa lang sila.

"Oh,mabuti naman pala at naging magkaibigan kayo" natatawang saad ni Mang Kanor habang abala sa pagluluto ng ipinaiihaw nila.

"Eh,alam ninyo po Mang Kanor, Si Roni lang naman 'yung kauna-unahan  kong nakilala sa lugar na ito.Kaya siyempre di ba, natural na siya ang yayain ko.Wala  akong ibang kakilala dito eh"mahabang paliwanag ni Borj sa matanda.

Tahimik lang na nakikinig sa usapan si Roni. Ayaw naman niyang kontrahin ang sinabi ng matanda na magkaibigan sila.Dahil ang totoo,hindi niya pwedeng ituring na kaibigan agad si Borj.

Una, hindi niya kilala si Borj para pagkatiwalaan ng maraming bagay sa buhay niya.Pangalawa,wala siyang kaalam-alam sa pagkatao ng lalaki.Pangatlo,Mapapagkatiwalaaan nga ba ito?

Pero nakakaloka di ba! Ayaw niyang maging kaibigan si Borj pero, mas higit pa naman sa isang kaibigan kung lumipad  ang imahinasyon niya.

Matapos nilang kumain at ma enjoy ang inihaw  ni Mang Kanor,nagpasya na silang umuwi.Muli silang naglakad at sa wakas ay  nakapagkwentuhan na sila.

"Roni, salamat sa pagsama mo sakin." Narinig niyang wika ni Borj.

Napangiti naman siya sa lalaki.

"Ok lang.Pero,siguradong magagalit ang girlfriend mo kapag nalaman niya na may sinasamahan kang ibang babae dito"wika ni Roni habang naglalakad na sila.

" Girlfriend.Sigurado ka bang may girlfriend ako?"natatawang saad pa nito.

" Ano bang malay ko.Hindi naman talaga kita kilala.Saka, 'yun ang sabi mo sakin di ba.Binigyan ka ng girlfriend mo ng black leather jacket."paliwanag niya sa lalaki na hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin.

Hindi tuloy niya napansin ang pagtawa at pag-iling ng lalaki.

"Roni may...may.. gusto sana akong itanong sayo eh" nabubulol na wika ni Borj.

" Ano naman yun?"direktang sagot naman ng dalaga.

" Ahm....Roni, may boyfriend  ka na ba?" Sa wakas ay naitanong ni Borj.

Saglit na natahimik si Roni sa tanong na iyon.Hindi niya inaasahan na itatanong 'yun ni Borj sa kanya.Napalingon siya sa lalaki.

" Boyfriend???Bakit mo naman naitanong?" Halos nangingiti na si Roni dahil unti-unti na siyang hinahaplos ng kilig.

"Wala lang.Masama bang itanong?Gusto ko lang malaman?"nakangiting sagot muli ni Borj.

Nasa tapat na sila nang gate nina Roni subalit hindi pa rin niya sinasagot ang tanong na iyon ng lalaki.

" Salamat sa panlilibre Borj"nakangiting wika niya sa binata.

" Saglit lang naman Roni, hindi mo pa nga sinasagot 'yung tanong ko sayo eh.May boyfriend ka na ba?"muli ay ungkat nito sa dalaga.

Seryoso siyang tiningnan ni Roni.Humugot nang malalim na buntong hininga,humalukipkip ito saka nagpasyang magsalita.

"Sa ngayon, wala akong boyfriend.Pero...pero nagkaboyfriend na ako Borj"seryosong wika ni Roni.

Marahang tumango-tango si Borj saka muling tumingin sa dalaga.

" Asan na siya?"ungkat pang muli ni Borj.

" Hay naku Borj .Huwag na natin siyang pag-usapan pa.Wala ako sa mood pag-usapan ang bagay na yan.Sige ha..papasok na ako.Salamat sa panlilibre." At maya-maya nga ay pumasok nang muli  si Roni sa loob ng gate at matipid na ngumiti sa binata.

"Sige, Goodnight Roni" nakangiting wika ni Borj.Bagama't mahina ang tinig na 'yun.Sapat naman para marinig niya ang sinabi ng binata.

Habang pumapasok si Roni sa loob ng bahay ay tahimik naman siyang inihatid nang tanaw ni Borj.

Nang matiyak niyang nasa loob na ng bahay ang dalaga ay saka lamang siya kumilos para pumasok na rin sa maliit na gate nila.Tumingin-tingin itong muli sa paligid, at tiniyak na walang may-kahina-hinalang kilos na nagmamatyag sa kanya at saka lamang tuluyan na siyang pumasok sa loob.

Haiiiist..Ano kaya ang lihim ng pagkatao ni Borj???..Abangan nga natin..tara sa next chapter tayo.

Don't forget to leave your comments and hit the ⭐button as you vote. Thank you so much!

Proud StefCam fan💖

*A Man With A Black Leather Jacket*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon