Chapter 3

217 24 3
                                    

Kinaumagahan. Abalang-abala si Roni sa pag-aayos ng munti nilang karinderya. May ilan ding sari-saring paninda ang naroroon  na inaabala naman niyang ayusin araw-araw. Siya ang nag-aasikaso sa tindahan habang ang Tiya Elena naman niya ang punong-abala sa pagluluto. Halos, pawisan na nga si Roni nang umagang 'yun dahil sa dami ng ginagawa, sasalubungin pa siya ng isang makulit na lalaki na tunay namang makanakaw pansin ang suot na damit. Hindi siya mahilig tumitig sa katawan ng lalaki, pero nung umagang 'yun. Naramdaman niya na napukaw ng isang lalaking ito ang pansin o atensiyon  niya. Noon niya narealized na babae pala talaga siya dahil noon niya napagtanto na marunong naman pala siyang humanga sa opposite sex.

Pawisan subalit "yummy" kung  tititigan ang maskuladong katawan ni Borj. Naka fit ng sando ito na humahakab sa magandang anyo ng katawan ng lalaki. Naka black short din ito na bumabakat naman sa malalaking hita ng lalaki. Napaangat ang kilay ni Roni.

"In-fairness naman sa Borj na ito ha, may kaguwapuhan" pilyang bulong niya sa sarili. Lihim siyang napangiti habang pasimpleng sumusulyap sa katawan ng lalaki.

Nagja-jogging kasi si Borj nung umagang iyon, at hindi man ito nagsalita para mapansin niya, sa abs pa lang nito, talagang napalingon na siya.

"Hi Roni" Nakangiting bati nito.Hindi niya inaasahan na biglang lilingon sa kanya ang lalaki.

OMG, halos manlaglag na yata ang mga hawak niya sa oras na 'yun dahil sa labis na pagkagulat kay Borj. Kanina lamang ay lihim siyang nagmamasid sa katawan nito, at nag-eenjoy siya sa ginagawa tapos ngayon, bigla-biglang haharap sa kanya ang lalaki. Anong sasabihin niya. Mabilis niyang pinulot ang mga nanlaglag na sandok sa sahig.

Napakagat labi siya. Anong sasabihin niya kay Borj? Naguguluhang tanong niya sa sarili habang pinupulot pa rin ang sandok sa sahig.

"Uy Roni, ano bang ginagawa mo diyan?" Takang tanong ni Borj.

"Ahm... Wala may pinupulot lang ako" naiilang na wika niya sa lalaki nung tumayo na siya.

"Ang sipag mo naman. Andami mong ginagawa ano" wika ni Borj sa kanya.

"Kailangan eh. Sa ganitong paraan lang ako pwedeng makatulong sa tita ko" malumanay na sagot niya.

"Alam mo, 1 time lumabas tayo. Sayang kasi kung mabuburo lang ang ganda mo dito" direktang wika ni Borj.

Napakunot noo siya sa sinabi ng lalaki. Hindi man lang marunong magpakilig si Borj eh. Nung una, nagyayaya itong lumabas, tapos pangalawa, hindi niya maintindihan kung nang-aasar na ang lalaki.

"Alam mo Roni , siguro, kung wala akong girlfriend, baka pagtiyagaan na kita"natatawang wika pa nito.

Napaangat ang isang kilay niya.

" Eh presko naman palang talaga ang Borj na ito eh"nagsusumigaw na wika ng utak niya. Napasimangot na talaga siya at hindi niya maitago ang inis sa lalaki.

" Excuse me no, anong pagtitiyagaan, bakit hindi ba ako maganda? Hindi ba ako sexy? Excuse me nga, lalaki, hoy mister. For your information, maraming lalaki ang nagkukumahog na ligawan ako at sungkitin ang matamis kong oo. Lahat sila, hindi pumasa-pasa sa standards ko. Tapos darating ka dito para lang sabihin na pagtitiyaan mo ako. Manigas ka. Ang kapal ng mukha mo ha. Umalis ka nga dito, nakakabadtrip ka"
mahabang litanya niya sa binata.

Halos mapatid na yata ang ugat niya sa leeg sa sobra niyang galit. Inis na inis talaga siya sa kapreskuhan ng lalaki.

"Feeling gwapo. Feeling macho. Eh, feeling ko tuloy naiin-love ako sayo"wala sa sarili na bigla ay nasambit niya. Huli na matapos niyang mapagtanto ang sinabi. Nabigla siya sa huling tinuran. Pero, buti na lang, walang ibang tao ang nakarinig sa sinabi niya at buti na lang din ay mabilis na umalis si Borj doon.

Halos, magkasalubong ang kilay niya nang lumabas ang kanyang Tiya Elena na may dalang bagong lutong pagkain.

"Oh Roni, kanina ko pa naririnig yang boses mo.Ke aga-aga may nakaaway ka ba ? Naku, Roni ha, masama sa umaga yang ganyang itsura ng mukha. Hindi susuwertihin sa negosyo kapag ganyan. Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa diyan sa hitsura pa lang ng mukha mo"mahabang sermon naman ng kanyang tiya.

Pareho talaga sila sa maraming pagkakataon. Mahilig silang pumuna nang mga bagay-bagay na nakikita. Andami agad nasasabi kapag may nakitang isang bagay na kapuna-puna. Pareho din silang madaldal. Malakas ang boses na animo laging may kalaban.

Naiiling na napaupo na lang si Roni at hindi pa rin maipinta ang mukha.

"Tingnan mo itong batang to, Bakit ba kasi? Ano bang problema at ke aga-aga ay sira na agad ang beauty mo ha., Roni" pangungulit nito sa kanya.

"Naiinis po kasi ako kay Borj. Ang aga-aga, nakakasira ng mood. Masyadong papansin. Feeling gwapo"
Naiiritang kwento niya sa tiyahin.

"Eh gwapo nga ba?" Nahihimigan niya sa boses ng tiya niya na may halo iyong panunudyo.

"Tita naman" tila pagmamaktol niya sa sinasabi nito.

"Alam mo Roni. Tingin ko eh, gwapo naman. Kaya 'yun nagpapapansin, malamang may gusto sayo" sulsol pa ng matandang tiyahin.

" Ay naku, tita, hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng idea na yan. Ampanget.. sobrang panget po talaga"
Halos manggigil si Roni sa labis na pagkairita. Nakahanap pa rin nga si Borj nang kakampi at makakatulong para masira na talaga ang araw niya sa umaga pa lang na iyon.

"Siya sige.. diyan ka na muna at akoy may niluluto sa loob. Kapag lumabas muli si Borj at nagpapansin sayo, tandaan mo Roni. May gusto yun sayo"at natatawa na itong lumabas ng tindahan at muli ay pumasok sa loob ng bahay.

Wala na ang kanyang tiya Elena at mag-isa na lang siyang muli sa tindahan subalit, ang mga sinabi nito ang paulit-ulit na tumatatak sa isip niya. Minsan, tuloy ay natatawa siya dahil hindi naman niya maiikaila na gwapo talaga si Borj.

Bigla tuloy ay naisipan niyang bantayan ang lalaki. Kailangang masubukan nga niya kung magpapapansin muli sa kanya si Borj. Dahil kapag nagpapansin na naman ang lalaki sa kanya, baka maniwala siya sa sinasabi ng kanyang tiyahin na may gusto ito sa kanya.

Lihim na nagdiwang ang kanyang puso. Susmiyo, ke gwapo-gwapong lalaki naman ni Borj para magkagusto sa kanya.

Subalit, nawala agad ang kanyang ngiti sa labi nang maalala nga pala ang sinabi ng lalaki kagabi.

"Yung leather jacket nga pala na suot nito, bigay daw ng girlfriend niya" Agad-ay tuluyan nang nawala ang ngiti niya. Unti-unti na ring lumaylay ang mga balikat niya.

"Imposible pala ang sinasabi ng Tiya Elena niya. Hindi na pala pwedeng magustuhan pa siya ng isang Borj, dahil malamang, may girlfriend na ito. At siguro, natutuwa lang itong makipag-asaran sa kanya. Or baka likas lang talaga dito ang mahusay mang-asar.

Haiiisttt.. Roni.. Ok ka lang ba??? Ano ba kasing iniisip mo.. Napaka advance mo kasi mag-isip, kesyo kinakausap ka lang nung tao, iniisip mo agad may gusto na sayo. Ang haba ng hair mo day ha ... Tudyo ng makukulit na utak niya.

Para maiwasan niya ang lubusang pagkasira ng mood niya sa umagang yun. Inabala na lang niya ang sarili sa paghahanda at pag-aayos ng munti nilang karinderya.

Pero ang hindi niya alam at lubos niyang ipinagtataka sa sarili, bakit maya't-maya ay nais nIyang sumulyap sa maliit na gate nina Borj at inaabangan niya ang paglabas ng lalaki mula rito...

Hala... Si Borj ba ang may gusto kay Roni??? O,baka naman, si Roni ang may gusto kay Baby Borj???

Sige nga mga sis.. Next Chapter tayo😂

Don't forget to leave your comments and hit the ⭐button as you vote. Thank you so much!

Proud StefCam fan💖

*A Man With A Black Leather Jacket*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon