Sabay silang nakatunghay sa puntod ni Jerome.Tahimik pa rin silang dalawa.Maya-maya, ay hindi ni Roni maiwasan ang maiyak.
Agad naman siyang nilapitan ni Borj at inalalayan.
"Mahal na mahal mo talaga ang pinsan ko no.Hindi mo siya magawang kalimutan" narinig niyang bulong ni Borj sa kanya.
" Ang swerte talaga ni pinsan.Hindi man siya sinuwerteng mabuhay sa mundo, at least di ba, may totoo pa ring nagmamahal sa kanya, kahit nandun na siya sa kabilang buhay"--wika muli ni Borj.
Nanatiling tahimik lang si Roni.Ilang sandali pa ay nagdesisyon na silang umuwi at nagkasundong ihahatid na lang ni Borj sa bahay ang dalaga.
Tahimik nilang binabagtas ang daan patungo sa bahay nina Roni.Sakay silang dalawa sa sariling kotse ni Borj.Pero,gaya ng dati, tahimik lang silang dalawa.Parang naging estranghero sila sa isa't-isa dahil sa pangyayari.
Tahimik man si Roni, pero ang daming tumatakbo sa isipan niya.Maya-maya nga ay sumapit na sila sa bahay nina Roni.Mabilis na bumaba ng kotse si Borj at masuyong ipinagbukas ng pintuan ang dalaga.Tahimik lang na bumaba ng sasakyan si Roni.
"S-salamat sa paghahatid mo sakin Borj..Mag-iingat ka" --tila naiilang na wika pa rin niya sa binata.
Napansin niyang humalukipkip si Borj.Napapansin niya na kanina pa tila balais ang lalaki at kanina pang may gumugulo sa isipan nito.May dapat pa bang sabihin ang lalaki sa kanya na nagpapagulo sa utak nito.
Tinangka na niyang buksan ang gate ng bahay nila ng kanyang Tiya Elena nang maramdaman niya ang mga palad ng binata sa kanyang braso.
"Sandali lang Roni." --pigil nito sa kanya .
Tiningnan niya ang mga kamay ng binata na nakahawak sa braso niya.Tila noon lang natauhan si Borj at saka nahihiyang bumitaw sa pagkakahawak sa kanya.
" Sorry Roni..Nabigla lang ako"--despensang muli nito.
" Kasi Roni..may gusto sana akong linawin sayo eh.."tila kinakabahang saad ng binata sa kanya.
" S-sige..ano yun?"pormal din naman niyang tanong sa lalaki.
" Roni..ahm..di ba..May sinabi ka nung gabi..Natatandaan mo pa ba 'yun?"sa pagkakataong iyon ay naging mailap ang mga mata ni Borj at hindi na magawang tumingin sa mga mata niya.
" Sinabi???Alin ba 'yun...Hindi ko na matandaan eh,, tungkol saan ba 'yun?"--maang na tanong niya.
Saglit na namagitan ang katahimikan sa pagitan nila.Natahimik si Borj, at pinili ring manahimik ni Roni.
"Roni...Sinabi mo sakin, na mahal mo ako ..totoo ba iyon?"mahina at tila nahihiyang ungkat ni Borj..
Hindi malaman ni Roni kung dapat ba niyang sagutin ang tanong na 'yun ng binata.
Natahimik siya at nakaramdam ng pagkailang.
"Ok lang naman kung hindi mo gustong sagutin Roni" --at dahan-dahan itong tumungo.
"Ano ka ba naman Borj.Bakit mo naman paniniwalaan yung sinabi ko?Siyempre, nasa binggit ako ng kamatayan noon kaya kahit ano sasabihin ko para lang maawa ka.Pero naawa ka ba?" Napaangat na naman ang kilay niya.
"Pero, di ba.. alam mo naman na ang lahat ng nangyari sa buhay mo ay planado..Maliban sa isang bagay?" --seryoso pa ring wika ni Borj.Nakahalukipkip pa rin ito habang kaswal ang tinig na nakikipag-usap sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin Borj" kunot noong tanong ng dalaga.
Napakagat labi si Borj.Hindi agad nagsalita.Maya-maya pa ay direkta itong tumingin sa mga mata niya at saka hinawakan ang mga kamay niya.
Sa unang pagkakataon, nahawakan ni Borj ang mga kamay niya.Pakiramdam tuloy niya ay nanlalamig siya sa labis na kilig.Subalit, sinikap niyang magpakakaswal at huwag ipahalata sa binata ang nakakabaliw niyang emosyon.
" Roni kasi...Wala naman sa plano pero nangyari eh..Sorry ha..hindi ko napigilan ang sarili ko"--saad ni Borj habang palapit ng palapit ang mukha sa mukha niya.Amoy na amoy ng dalaga ang pabango at init ng hininga ng lalaki.Pakiramdam niya, hahalikan siya nito.Kaya kahit naiilang, hinayaan lang niya si Borj na gawin ang nais nito.
Subalit, ang sumunod na kaganapan ay hindi nakakatuwa para sa dalaga.Dahil hindi naman pala siya hahalikan ng gwapong pulis.Sa halip, tinitigan lang din siya nito.Kahit bahagyang dismiyado ay muli siyang nagtanong."Eh ano ba kasi 'yung gusto mong sabihin sakin na hindi mo masabi-sabi ha..Teniente Borj" --halata na sa himig ni Roni ang pagkainip..
"Ahm Roni..Kasi..M-Mahal kita..Mahal na mahal kita" --sa wakas ay nagawang sabihin ni Borj ang nasa loob nito.Napansin niya na nakahinga ng maluwag si Borj matapos sabihin sa kanya ang mga salitang yun na tila musika naman sa pandinig ni Roni, at tila duyan na nagdadala kay Roni sa walang humpay na kaligayahan.
Bahagyang tumighim si Borj.
"Roni...ngayong nasabi ko na 'yung gusto kong sabihin sayo, pwede ko bang malaman 'yung ..alam mo na.." putol ni Borj sa nais nitong sabihin.
"Aling 'yun?Hindi ko gets eh" nangingiting wika niya sa lalaki.Kunwa'y hindi niya naiintindihan ang nais sabihin ni Borj.
" Yung ano..basta alam mo na nga 'yun"-hindi sinasadya ay napakamot sa ulo si Borj.
Napahagalpak ng tawa si Roni sa reaksiyon na 'yun ng lalaki.
"Ikaw talaga, ang lakas ng loob mo lumaban sa mga sindikato, pero ang laki ng takot mong umamin sa nararamdaman mo" --natatawang tudyo niya sa lalaki.
"Roni .gusto ko sanang malaman kung mahal mo din ba ako?" Sa pagkakataong iyon ay direkta nang naitanong ni Borj ang nais nitong ipahiwatig.
OMG, ang haba ng hair mo Roni..Tingnan mo nga,ang gwapo-gwapo ng Teniente Borj na yan,ang tapang tapang pa..pero pagdating sayo..natotorete ng sobra..tudyo ng mga utak ni Roni..
Sumilay ang makahulugang ngiti sa labi ni Roni saka tumingin sa kausap.
"Pag-iisipan ko pa eh.Pwede bang pakihintay ng sagot ko"
Pagpapakipot pang wika ni Roni sa binata." Roni.Wala na si Jerome.Kahit anong gawin natin, hindi na maiibalik ang buhay niya.Sana mabigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka higit pa sa pagmamahal na ibinigay sayo ng pinsan ko.Nandito lang ako para sayo Roni,Tandaan mo yan"--walang kagatol -gatol na saad ni Borj.
Gusto na yatang maglulundag ni Roni sa sobrang kasiyahan.Yung puso yata niya,tumalbog na sa sobrang kilig.
Siyempre naman. Alam naman niyang wala ng Jerome na babalik pa sa kanya.Ang mahalaga nabigyan na ng katarungan ang pagkamatay ng dating nobyo.
Kailangan lamang niyang pag-isipang mabuti kung karapat-dapat nga ba si Borj para sa kanya.Hindi naman porket pulis nga ito at pinsan pa ni Jerome ay ibibigay na agad niya dito ang buong tiwala niya.Isip-isip din dapat para sa huli hindi siya masasaktan para hindi din siya iiyak.
Don't forget to leave your comments and hit the ⭐button as you vote. Thank you so much!
Proud StefCam fan💖
BINABASA MO ANG
*A Man With A Black Leather Jacket*
FanfictionAng kwentong ito ay tungkol pa rin sa paborito nating "Borj and Roni". Buong puso kong inihahandog ang kwentong ito sa lahat ng aking followers. Thank you so much guys for your support. Naiiba ang kwentong ito guys.. Sana lang magustuhan ninyo.. 🤗