Chapter 4

181 24 0
                                    

Mula sa kinauupuan ni Roni ay tanaw na tanaw niya ang paglabas ni Borj sa maliit na gate.Inayos pa niya nang bahagya ang sariling buhok sa pag-aakalang lalapitan siya ni Borj para kulitin na naman gaya ng sinasabi ng Tita Elena niya.

Subalit, mali pala ang inaasahan niya.Dahil lumabas man si Borj ng gate, hindi ito lumapit sa kanya.Sa halip ay nanatili lang ang lalaki sa may gate at abala na nag dial sa sariling telepono.Maya-maya ay may kausap na nga ito sa kabilang linya.Sa pagmamasid niya kay Borj, halatang seryoso ang usapan ng mga ito.Hindi man lang nito nagawang tumingin sa gawi niya.Bagkus ay nakita pa niyang humakbang ito palayo.Mukhang pupunta na sa kanto ang damuho at malamang na doon maghihintay ng pampasaherong dyip.

Agad humaplos sa puso ni Roni ang labis na inggit sa kausap ng lalaki.Marahil, yun ang sinasabi nitong girlfriend niya, na nagbigay sa kanya ng itim na jacket.

"Saan kaya pupunta sina Borj?"makulit na tanong ng isipan niya.

"Malamang magde-date .Magmomovie-date marahil.Kakain sa labas.Mamasyal kaya.Pwede ding mag shopping together, then pupunta sa hotel."
Napakagat labi si Roni.Masyado nang foul ang iniisip niya.Hindi na tama 'yun.

Bakit ba siya magpapaka apekto kay Borj?Ni hindi nga niya kilala ito o ang pagkatao nito.Saka kahapon lang sila nagkakilala.Pero, bakit nga ba?

Sa ganung kaliit na panahon ay may malaking impact na agad si Borj sa kanya.

Haiiiissst...Biglang-bigla ay nalungkot si Roni.Naalala niya noong magkaroon siya ng boyfriend.Ang saya-saya.Ngayon lang muli niya naramdaman ang ganito kasaya.Mula nang masaktan siya at mabigo sa unang pag-ibig .Ayaw na sana niyang balikan ang maitim na nagdaan sa buhay niya subalit hindi niya maiwasan.Tila isa iyong multo ng malagim na kahapon.Na laging kabuntot ng kanyang kasiyahan.

Naalala na naman niya ang maraming dugo.Ang sakit nang pagkabigo.Ang pakiramdam ng naiwan.At higit sa lahat, ang napagbintangan ka sa isang mabigat na kasalanan na hindi naman ikaw ang may gawa.

Tandang-tanda pa 'yun ni Roni.Buong akala niya, makakatagpo na siya ng panibagong lalaki na pwede niyang mahalin.Hindi pala pwede ang isang Borj, dahil mayroon ng nagmamay-ari ng puso nito.

"Sabagay, napaka presko naman nun.Feeling gwapo,feeling macho..kahit hindi naman"kunway naiinis na wika na lamang niya.Kahit ang totoo, naaalala na naman niya si Borj, habang suot ang black leather jacket nito.

Halos lumipas ang buong maghapon, pero hindi pa rin bumabalik si Borj.Talagang binantayan ni Roni ang pag-uwi ni lalaki.Hanggang sa tuluyan na ngang kumagat ang dilim at oras na para magsara ng tindahan.Nanlulumo si Roni.Wala kasing Borj ang nangulit sa kanya.

Pagkatapos niyang mailocked ang tindahan ay saglit siyang nag-abang sa may gate.Umaasa siya na baka dadating na si Borj.Pero, bakit nga ba niya hinihintay ang lalaki eh, kanina lang naman eh, nanggigigil siya sa kapreskuhan nito.Oh dahil ba naniwala siya at umasa na type siya ni Borj..Haiiist masyado naman nga yata siyang naniwala sa biro ng Tiya Elena niya.

Kasalukuyang lumilipad ang imahinasyon niya habang nakasandal sa may gate, nang walang ano-ano ay nakaramdam siya ng marahang pagtapik sa balikat niya.

"Uy Roni" bati sa kanya ng isang lalaki.

Parang nagising si Roni sa mahimbing na pagkakatulog nang makita ang nakangiting lalaki na nasa harapan niya.

"Ah....Hi..Hi Borj" --tila nagulat na reaksiyon niya.Pinilit niyang ngumiti sa lalaki.

" Anong ginagawa mo diyan?" Takang tanong ni Borj sa kanya.

"Hinihintay mo ako anoh" sabay ngumiti ito nang maluwang na tila nang-aasar na naman.

"Ok ka lang ba Borj,antaas din talaga ng tingin mo sa kaguwapuhan mo no.ikaw,hihintayin ko?hindi ba pwedeng nagpapahinga lang at may iniisip lang ako" mataray pang palusot ni Roni.Pinipigilan talaga niya ang matawa dahil tiyak lalo siyang aasarin ni Borj kapag tumawa siya.Dinaan na lang niya sa pagtataray kesa magpahuli dito ng totoo niyang nararamdaman.

"Eh, malay ko ba kung ako 'yung iniisip mo?" Sarkastiko pang wika muli ng lalaki na bahagya pang inilapit sa kanyang punong tenga ang bibig nito.

Siniko niya ang lalaki.Pero hindi agad siya nakahagilap ng anumang sasabihin.Nanatiling nakatingin lang siya sa makulit na lalaki na nakasuot pa rin ng itim na jacket.

"Roni, foul ka na ha" wika ni Borj subalit nakangiti pa rin sa kanya.

"Sorry Borj" tila nagulat niyang hingi ng paumanhin nang makitang sinapo nito ang bahaging siniko niya.

"Pasensiya ka na Borj.Nabigla lang ako.Ikaw naman kasi, masyadong assuming.Oo,gwapo ka naman talaga.Pero, hindi ikaw ang iniisip ko ok.Sige pumasok ka na sa loob baka mamaya matripan ka pa ng mga bakla dito" depensa na naman niya.Dahil ang totoo komportable siya na makitang nakauwi na si Borj.

"Paano kung ayaw ko pang pumasok sa loob .Kasi,gusto pa kitang makausap.Gusto kitang makausap hanggang umaga" natatawa pa ring wika ni Borj.

Ayaw namang paniwalaan ni Roni ang mga sinasabi ng lalaki.Dahil una, may girlfriend na nga ito kaya hindi niya ito pwedeng pagkatiwalaan ng pagmamahal.Pangalawa, hindi naman niya kilala si Borj.Wala siyang kaalam-alam sa pagkatao nito.Pangatlo, may sugat pa rin ang puso niya.Baka, nakikita lang niya kay Borj ang mga katangiang taglay ng unang boyfriend niya.

"Diyan ka na nga.Matutulog na ako" tila pag-iwas na lang niya sa binata.Kahit ang totoo naman, gusto niya rin makausap si Borj kahit hanggang anong oras.Pero siyempre, kailangan niya talagang umiwas sa lalaki.Lumayo dito habang maaga pa, habang hindi pa nahuhulog ng sobra ang loob niya.Kailangang siya na mismo ang gumawa ng paraan para hindi na siya muling masaktan sa hinaharap.Dahil kung papayagan niyang madevelop siya kay Borj,siya rin tiyak ang magdurusa.

Binuksan na niya ang gate ng kanilang bahay at mabilis na pumasok na .

"Goodnight Roni" nakangiti pang kumaway ang lalaki sa kanya.

Saglit na pinagmasdan niya si Borj.Ngingitian din ba niya ang lalaki, sasabihan din ba niya ito ng goodnight,sabay kaway.

Napahugot na lang siya ng malalim na buntong-hininga at saka mahinang nagsalita.

"Goodnight Borj" at naiiling-iling pa siyang tumalikod sa lalaki at saka tahimik nang humakbang papasok sa loob ng bahay.

Samantala..Naiwan si Borj sa labas ng gate.Minabuti nitong lumingon-lingon sa paligid.Nang nakakatiyak itong walang ibang tao sa paligid na may kahina-hinalang kilos,saka lang nito binuksan ang maliit na gate na katabi ng bahay nina Roni.At saka pumasok na...

Pagdating sa sariling apartment ay humilata agad ito sa sofa.Binuksan ang T.V at may tinutukan agad na balita.Hinubad ang suot na black leather jacket, sapatos at medyas.Kumuha ng isang stick na sigarilyo at saka iyon sinindihan.

Muli na naman siyang nahulog sa malalim na pag-iisip.Nasa level 2 na ang mga plano niya.Umaayon ang kapalaran sa kanya.Konting panahon pa, at malapit nang mabigyan ng solusyon ang lahat ng mga tanong sa isipan niya.Kinuha niya ang wallet.Naroon ang larawan ng isang magandang babae.

Pinagmasdan niyang muli ang mukha ng nasa larawan.Nangingiti siya sa tuwing makikita ang magandang mukhang 'yun ng babae.At natutuwa siyang balikan, ang unang araw na sila'y nagkita at nagkakilala.

Maya-maya ay maingat na itinago na niyang muli ang larawan. Dala marahil ng matinding pagod, mabilis siyang nakatulog at hindi na namalayan na napabayaan niyang bukas ang T.V.

Haiiist...Ano kaya ang mga plano ni Borj???OMG, napakahiwaga naman ng lalaking ito.Pero teka,paano si Roni??Feeling ko kasi type niya si Borj eh..Ikaw,feeling mo din ba 'yun???Pero paano na,kung may girlfriend nga si Borj..Haiiist.. tapos si Roni may sekreto din sa nagdaan.. Nakakaloka. Andaming isipin.. Tara nga mga sis.. Next Chapter na lang tayo😂

Don't forget to leave your comments and hit the ⭐button as you vote. Thank you so much!

Proud StefCam fan💖

*A Man With A Black Leather Jacket*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon