Chapter 2

194 28 2
                                    

Pumasok sila ni Roni sa isang maliit na gate. Bumungad sa kanilang dalawa ang mga nakatira sa loob ng apartment.Halos kalalakihan ang mga naroon.

"Hi Roni Babes" bati nang ilang lalaki na nakakasalubong nila.

"Hello" maikling bati din naman ni Roni sa mga lalaki pero hindi naman nito pinag-uukulan ng pansin ang mga binabati niya. Tuloy-tuloy lamang ito sa paglalakad hanggang makarating sila sa pangatlong apartment na nasa may dulo.Binuksan ni Roni ang ilaw saka maliksing  binuksan ang padlock ng nakapinid na pintuan.

Matapos niyon ay binuksan na nito ang pintuan at hinayaang maipakita kay Borj ang kabuuan ng buong bahay.

"3k monthly yan, kung kaya mo" seryosong wika ni Roni sabay upo sa bakanteng silya na nasa labas ng apartment.

Pumasok si Borj sa loob. Maaliwalas naman ang bahay.Malinis at sapat na para sa isang tulad niya.Maganda ang tiles ng apartment.Pinturado ang mga dingding at kisame.Malinis ang CR at lababo. May maayos namang kuwarto.May ilang mga gamit na nasa loob ng apartment kaya curious na nagtanong ang binata.

" Yung mga gamit sa loob, pagamit ba yun?"tanong ni Borj.

" Oo..ipapagamit ng tita ko yung kama, yung mini-ref saka aircon.Pero, kapag nasira liable ka"paliwanag ni Roni na abala sa paglalaro ng cellphone.

"Hindi pa kasama ang ilaw at tubig ha."Hindi man lang tinitingnan ang gwapong kausap.

"Ok sige.kukunin ko na.Heto ang 3k" sabay kuha sa wallet nito ng pera at walang pag-aalinlangan na iniabot yun kay Roni.

Hindi kumibo si Roni.Pinagmasdan lang niya ang pera ng lalaki.

"Oh, ano na..eto ang 3k." Sabay abot nitong muli ng pera.

Napatindig si Roni at naiiritang kumamot sa ulo niya.

"Alam mo kasi, Borj.hindi tumatanggap si Tita Elena ng advance payment.Mabait kasi ang Tita ko .Sabi niya, hindi naman lahat ng lumilipat ng bahay, may pera agad-agad.So, sa katapusan ka na lang magbayad" gusto na sanang umalis ni Roni at iwan na lang ang binata doon, pero sinikap naman niyang kumalma pa.

" Ok.maganda naman itong place, mukha namang magkakasundo kami ng neighbors, saka mukhang ok din naman ang landlady"natatawang wika pa ni Borj saka makahulugang tumingin sa kanya.

" Hindi ako ang landlady ,ok." Mataray na wika niya sa lalaki.

"Ako lang ang tumutulong mag-assist kay Tita kasi madaming ginagawa 'yun." Matalim na irap muli ang ipinukol niya sa binata.

Natatawa lang si Borj sa nakikitang pagkapikon ng dalaga.Natutuwa siyang asarin si Roni dahil ang totoo, ang cute ng mukha nito kapag napipikon.

"May kailangan ka pa ba?Kung wala na,aalis na ako?" -seryosong wika na naman ni Roni.

" Ihahatid na lang kita sa labas,Madaming boys diyan sa dadaanan mo, baka mapagtripan ka pa" pag-aalala pang wika ni Borj.

" Sus..'tong mga lalaking toh..Haiiist..Takot ang mga yan sakin?" Mayabang na wika ni Roni.

Maya-maya ay namaywang si Roni at naniningkit ang matang muling lumingon sa lalaki.

" Siyangapala ha, mag-iingat ka sa mga bading dito.Ayaw na ayaw ng Tita Elena ko na nagpapapasok ng mga bading sa kuwarto."prangkang wika ni Roni sa lalaki.

Naiiling at natatawa namang tumingin ang binata sa dalaga.

" Bakit naman ako magpapapasok ng bading sa kuwarto ko, kung pwede namang tunay na babae ang papasukin ko" at saka ito malisyosong tumingin kay Roni mula ulo hanggang paa.

Lalong naningkit ang mga mata ni Roni sa narinig.Tila nag-init ang buong mukha at ulo niya dahil sa winikang 'yun ng lalaki.Nararamdaman kasi niya na may ibang nais ipahiwatig ang lalaki sa mga pananalita at tingin nito.Pakiramdam niya nabastos siya.

" Aalis ka na ba,gusto mo ihatid na lang kita"tumindig si Borj para tangkang ihatid ang dalaga sa gate.Subalit, mariing tumanggi si Roni.Pakiramdam niya, mas nababastos siya kapag kasama si Borj.

"Hindi na.Kaya kong umuwi mag-isa.Diyan ka na nga!Hmmmp" at tumalikod na si Roni at hindi na nga lumingon pa sa lalaki.

Dire-diretso siyang naglakad patungo sa may gate Hindi na niya pinansin o tinapunan ng ngiti man lang ang mga lalaking borders na bumabati at ngumingiti sa kanya.

Hindi na nga nagpumilit pa si Borj na ihatid ang dalaga sa labas, subalit hinatid naman niya ng tingin ang dalaga hanggang sa makalabas ito sa may maliit na gate.

Nung mag-isa na lamang si Borj, ay tahimik siyang kumuha at nagsindi ng isang sigarilyo.Nagmuni-muni siya  at nahulog sa malalim na pag-iisip.

Nasa unang hakbang na siya ng kanyang mga plano...Kailangan niya muli ng masusing pagpaplano para maging matagumpay ang susunod na hakbang niya.

Sino si Boj?Ano ang misteryo sa pagkatao niya? Bakit kaya siya pumasok sa mundo ni Roni?Tadhana ba ang gumawa ng paraan upang pagtagpuin ang magkaibang landas nila,o dahil, sadya lamang iginuhit sa palad na sila ay magkita?

Tara mga sis...Sunod na chapter na...

Don't forget to leave your comments and hit the ⭐button as you vote. Thank you so much!

Proud StefCam fan💖

*A Man With A Black Leather Jacket*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon