Chapter 1

317 29 1
                                    

"Manong para nga po sa kanto" halos sigaw ni Roni sabay katok pa niya sa bubungan  para masiguradong hindi siya mailalampas ng tsuper ng pampasaherong dyip na sinasakyan niya.

Agad namang huminto ang dyip sa may kanto.
"Pakiabot po ng bayad" sabay abot ng baryang pitong piso ay bumaba naman agad si Roni ng dyip.Bitbit ang pinamiling gulay na lulutuin ng kanyang Tiya Elena para sa maliit nilang karinderia, may kasama ring ilang kilong karne at isda, ay naglakad siya papasok mula sa kanto.

Hindi kalayuan sa may kanto ay bahay na nila.Nag-aagaw na ang liwanag at dilim at gusto na niyang makauwi agad upang makapagpahinga.Pero, madadaanan niya ang mapanuksong amoy ng usok ng ihawan ni Mang Kanor. Haiiissst..Parang agad namang naglaro sa diwa niya ang masarap na sawsawang suka na tinitimpla ng asawa nito.
Gaya ng malimit niyang makagawain, hindi niya pinigilan ang sarili.Kumuha agad siya ng limang addidas at inilagay sa ihawan ni Mang Kanor.

Tahimik lang siyang naupo at kumuha ng maliit na platito na sinalinan niya ng paboritong suka.Dumampot din siya ng sili at matapang na pinisa ito upang lumabas ang tunay na anghang.
"Mang Kanor, matagal pa ba?" Naiinip niyang tanong sa may edad ng lalaki na nag-iihaw pa rin.

"Malapit na ito,sandali lang at makakakain ka din" pagganyak sa kanya ng matandang lalaki.

"Sige po" naiinip man ay wika na lamang niya.

Abala siya sa panood ng ginagawang pagluluto ng matandang lalaki ng matawag ang pansin niya ng isang bagong dating na lalaki.Amoy na amoy kasi ang pabangong ginamit nito kaya naman napalingon siya dito.

"Uy .mukhang masarap po itong paa ng manok ninyo ah.Magkano ang isa manong" natatawa pang wika ng lalaki sa matanda.

"Sais ang isang piraso, iho" nakangiting sagot naman ng lalaki.

Nag-abot ng dalawang piraso ang lalaki at ipinaluto iyon sa matanda.

Sa totoo lang, hindi pamilyar ang mukha ng lalaki para kay  Roni.Malamang na hindi ito nakatira doon.Kung sabagay, hindi naman niya talaga kilala lahat ng tao sa lugar nila lalo na yung mga  bagong sibol.Hindi na lang niya pinag-ukulan pa ng panahon ang maingay na lalaki dahil iniabot na ni Mang Kanor sa kanya ang paborito niyang inihaw na paa ng manok.At sinimulan na nga niyang upakan ang pagkain nito.At para sa kanya "yummy talaga ang addidas o paa ng manok.Swak na swak sa tinimpla niyang suka na may sili.

Ganado siya sa pagkain nang marinig niyang muli ang makulit na boses ng lalaki.

"Hi miss,mukhang masarap talaga ang paa ng manok ah" nangingiting bati nito sa kanya.

Nilingon lang niya saglit ang lalaki pero hindi siya nagsalita.Abala siya sa pagkain ng paa ng manok at ayaw niya ng may pang-abala.

Narinig lang niya na mahinang tumawa lang ang lalaki sa ginawa niyang di-pagpansin dito.Binilisan na niya ang pagnguya dahil naiirita na siya.Tumabi na kasi ang lalaki sa kanya at nakisabay na rin sa pagkain ng paa ng manok. Matapos uminom ay nagbayad na rin siya ng kanyang kinain.Dinampot ang mga pinamiling gulayin,isda at karne at walang salitang tumayo na.

"Uy miss,aalis ka na ba?Ahm..sandali ako nga pala si Borj" sabay tumindig din ang lalaki at nag-abot na ng bayad kay Mang Kanor.

"Hay naku mister.Kabilin-bilinan ng tatay at nanay ko noong nabubuhay pa sila, huwag daw akong makikipag-usap kahit kanino lalo na sa hindi ko kakilala.Diyan ka na nga"
Akma na itong tatAlikod nang marinig niya ang boses ni Mang Kanor.

" Oh,Roni, makikipag-kilala lang naman sayo 'tong si Borj.Pansinin mo naman" nakatawang wika ni Mang Kanor.

" So, ikaw pala si Roni..Ako naman si Borj" hindi niya pinansin ang pagpapakilala ng lalaki.

"Hay naku Mang Kanor,bakit kilala ninyo ba ang taong 'yan?" Tanong niya sa matanda.

Hindi naman ito sumagot subalit naiiling na tumawa na lang .

Lumakad na nga si Roni pauwi ng bahay subalit nakahabol pa rin sa kanya ang lalaki.Noon niya napansin na may malaking backpack pala itong dala-dala.

"Roni, may alam ka ba na bed spacer o apartment na pwede kong maupahan"
Tanong ni Borj sa nagmamadaling dalaga.

Noon lamang siya nilingon nito at sumilay ang pilyang ngiti sa labi nito.

" Hmmm..teka...May alam akong bakanteng apartment.Gusto mo?" nakangiting tanong niya.

" S-sige.. affordable naman ba?"naiilang namang wika ni Borj.

" Eh di tingnan mo.Irerekomenda ko sayo 'yung sa Tita ko.Para pag ok sayo, eh di magkakaporsiyento ako.Ayos,kikita na naman ako" nakangiting wika ni Roni.

" Sige saan ba 'yun?"tanong muli ni Borj .

"Sumunod ka lang lang sakin"wika ni Roni.Tahimik na silang naglalakad nang muling lumingon sa lalaki ang dalaga.

"Teka pulis ka ba?" Takang tanong ni Roni.

"P-pulis?Hindi... bakit mo naman natanong?" Depensa ni Borj.

" Naka leather jacket ka kasi eh...Eh di ba ang mga pulis na action star sa tv madalas naka leather jacket.Tulad na lang ni Cardo Dalisay, si Bong Revilla, si Lito Lapid, si Jeric Raval saka andami pang iba"natatawang sagot ni Roni.

" So, kapag naka leather jacket ,pulis na agad.Hindi ba pwedeng bigay lang ng girlfriend" sagot naman ni Borj.At inayos-ayos pa nito ang suot na jacket.

Nawala unti-unti ang ngiti sa labi ni Roni.

"Ok Fine.So may girlfriend ka na?" Tanong ni Roni.

Hindi tumugon si Borj bagaman nangingiti ito sa kadaldalan ni Roni.

Ilang hakbang pa ay tumigil na si Roni sa paglalakad.

"Ok, heto 'yung bahay namin.Kasama ko 'yung tita ko dito.Pero 'yung apartment na ipapakita ko sayo, andun sa kabila." At itinuro ni Roni sa binata ang kabilang gate.Nagdoorbell si Roni at ilang sandali pa ay lumabas ang isang babae.

"Oh,Roni mabuti at nakauwi ka na.Di ba sabi ko naman sayo huwag kang magpapagabi sa pamimili" sermon agad ng tiya Elena niya nang makita siya.

"Ginabi po pangangain ng paa ng manok" natatawang sabat ni Borj sa usapan ng mag tiya.

Nagtatakang napatingin ang matandang babae kay Borj saka bumaling kay Roni.

"Sino ba yan ha?" Takang tanong nito.

"Ay Tita, si Borj po .Natisod ko po sa daan.Naghahanap daw po siya ng apartment.Tamang-tama naman Tita kasi di ba, bakante pa 'yung dulo"

" Oo, sige ipakita mo nga Roni, at ako lang ay may ginagawa sa loob.Akina nga yang pinamili mo.Halika kunin mo sa loob yung susi,ikaw na ang sumama sa kanya ha Roni"sunod-sunod na bilin ng kanyang Tiya Elena.Walang reklamo namang sunod lang ng sunod si Roni.

Pansamantalang naiwan si Borj sa labas ng gate.Maya-maya naman ay lumabas ng muli si Roni dala ang susi ng bakanteng apartment na ipapakita niya kay Borj.

Don't forget to leave your comments and hit the ⭐button as you vote. Thank you so much!

Proud StefCam fan💖

*A Man With A Black Leather Jacket*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon