Dahan-dahang nagmulat ng mata si Roni.Nasa loob na siya ng isang pribadong silid ng malaki at mamahaling ospital.Nakita niya ang dalawang unipormadong pulis na matiyagang nagbabantay sa may pintuan ng silid na kinaroroonan niya.Ramdam niya ang matinding panghihina ng katawan.Iginalaw niya ng bahagya ang katawan at nilingon ang nasa may kanyang tabihan. Natagpuan ng kanyang mga mata ang lalaking nakaitim ng jacket. Sa tabi ng lalaki ay naroon ang kanyang
Tiya Elena at nagliwanag ang mukha nito nang makita siyang gumising na mula sa mahabang oras ng pagkakatulog."Roni...Roni..naririnig mo ba ako.Mabuti naman at gising ka na.Gusto mo bang kumain?" Halos naiiyak sa labis na tuwa ang matandang babae.
"Hindi po.Salamat na lang Tiya" mahinang sagot niya dito.
"Ano pong nangyari?" Tanong niya sa tiyahin.Ang huli kasing naalala niya ay sumangga siya kay Borj kaya siya ang tinamaan ng bala.
Lumingon sandali ang kanyang Tiya Elena sa lalaki saka naguguluhang muling humarap kay Roni.
"Roni..iha..natamaan ka ng bala .Mabuti na lang.Naagapan at daplis lang tama mo." Halos naiiyak pang kwentong muli ng kanyang Tiya Elena subalit pinipilit pa rin ang ngumiti.
"Anong ginagawa ng lalaking yan dito" galit na saad ni Roni na kahit nanghihina ay nagpipilit bumangon.
"Roni..mabuti pa ay magpahinga ka na lang muna ha." Sawata ng tiyahin sa kanya.
"Hindi Tita..Siya ang may kagagawan ng lahat..Sisiguraduhin ko sayo na ipapakulong kita at mabubulok ka sa bilangguan" galit na saad ni Roni.
"Mga pulis!Mga Sir!hulihin ninyo ang lalaking ito" --tawag niya sa mga pulis.
"Alam ninyo ba na kasabwat ang lalaking ito sa pagkidnap at planong pagpatay sakin"naghuhurumintadong sumbong niya.
Nakita niyang sinenyasan ng kanyang Tiya Elena na lumabas na lang muna si Borj.At dahil doon mas lalong nagalit si Roni at hindi maiwasan na pagbalingan na din ng galit ang tiyahin.
" Tiya ano ba!?Bakit ninyo pinalabas ang lalaking yun..Bakit hinayaan mong makatakas si Borj!"nagsusumigaw si Roni dahil sa sobrang galit nang makitang lumabas ng silid na yun si Borj.Ang lalaking nakasuot ng itim na jacket.
Maya-maya ay nakita niyang papalapit sa kanya ang dalawang unipormadong pulis.
"Ahm..Ma'am goodmorning po.Pwede na po ba naming makausap si Miss Salcedo para lang po sa ilang katanungan tungkol sa pangyayari."--magalang na tanong ng isa sa dalawang pulis.
" Sir..hindi po ba pwedeng saka na lang tanungin ang pamangkin ko.Baka pwedeng hayaan na muna natin siyang makapagpahinga nang maayos."pakiusap din ng kanyang tiyahin na nag-aalala pa rin sa kanya.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng tiyahin.Nangangahulugan lamang na ok lang siyang tanungin ng mga pulis.
Wala ng nagawa ang matanda kundi ang tumango at pansamantalang lumayo sa nag-uusap.Hinayaan niyang mag-usap ng masinsinan sina Roni at ang mga pulis.
"Miss Salcedo.May alam ka bang motibo kung bakit naganap ang krimen?" Seryosong bungad na tanong ng isang pulis.
"Naiintindihan ninyo ba ang sinabi ko?Malinaw naman di ba!?Kasasabi ko lang na si Borj Jimenez ang kasabwat sa pagkidnap at tangkang pagpatay sakin.Bakit hindi siya ang hinuli at tinanong ninyo?? Bakit ninyo siya hinayaang makatakas. Hulihin ninyo siya Sir..At siguraduhin ninyo lang na mabubulok siya sa bilangguan.
"Si Borj Sir...Si Borj Jimenez..Ikulong ninyo ang Borj na 'yun.." tila naghehesterikal na wika niya.
Agad na lumapit ang kanyang Tiya Elena upang amuin at pakalmahin siya.Hindi niya mapigilan ang mapahagulhol dahil sa sakit na nararamdaman dahil si Borj ang dahilan ng sakit at dusa na nararamdaman niya ngayon.Dahil galit siya,wala siyang ibang nais kundi makaganti sa lalaki.Sapat na siguro na makulong ito sa bilangguan ng ilang taon.Magiging masaya nga ba siya kung sakaling mabulok sa bilangguan ang lalaking lihim na yata niyang minamahal.
BINABASA MO ANG
*A Man With A Black Leather Jacket*
FanfictionAng kwentong ito ay tungkol pa rin sa paborito nating "Borj and Roni". Buong puso kong inihahandog ang kwentong ito sa lahat ng aking followers. Thank you so much guys for your support. Naiiba ang kwentong ito guys.. Sana lang magustuhan ninyo.. 🤗