Lumipas ang mga araw, nakasanayan na rin ni Borj ang gumalaw sa kanyang bagong paligid.Halos ilang buwan na rin siyang nakakalipat sa apartment nina Roni.Naging kaibigan na rin niya ang mga kapitbahay niya at ilang tao na rin ang kanyang nakikilala sa lugar na iyon.
Bagama't nagiging palaisipan sa ilan kung ano ba ang ginagawa ni Borj sa araw-araw.May pera kasi si Borj.Tapos maagang umaalis, tapos gabi na kung umuuwi.Madalas na tanong din ng karamihan, kung bakit nga ba lagi itong nakasuot ng black leather jacket?Sino nga ba talaga si Borj Jimenez?Tulad na lang nang umagang iyon.Nakabihis na naman siya at suot ang paboritong itim na jacket habang matiyagang naghihintay sa paglabas ni Roni. Nakailang sigarilyo pa siya at saka pa bumukas ang gate ng bahay nina Roni.
Mula doon ay lumabas si Roni at umaliwalas ang mukha ng binata nang makita siya."Oh Borj, anong ginagawa mo diyan.Ang aga mo yata??" Takang tanong ni Roni.
Ngumiti lang ang binata dito sa halip na sumagot. Tahimik itong sumunod sa dalaga habang hindi pa rin nagsasalita.
"Bakit ba Borj?Ano bang kailangan mo?" Nagtatakang tanong ni Roni.
Bakas sa mukha nito ang labis na pagtataka sa ikinikilos ni Borj sa umagang 'yun."Wala lang,gusto lang naman kitang makita.May masama ba dun?" Mahina subalit tumpak na tumpak sa pandinig niya ang mga sinabi ni Borj.Parang kinikiliti ang tenga niya sa tamis ng mga salita na naririnig niya sa lalaki.
Pinipigil niya ang mapahagalpak nang tawa hanggang sa maisipan niyang magbalik ng tanong sa binata.
"Bakit mo naman ako gustong makita aber?!" Nakapamewang na tanong niya habang direktang nakatingin sa mga mata ng gwapong si Borj.
Napansin niyang bahagyang sumeryoso ang mukha nito.
"Kasi Roni.Ang totoo niyan.Gusto ko lang siguraduhin na hindi ka na ulit kukulitin nung mayabang na Tommy na yun..Nanliligaw ba 'yun sayo?"
Direktang sagot nito sa kanya." Kelan ka pa naman nagkaroon ng karapatan na usigin ang personal kong buhay ha Borj"-ewan ba naman niya kung bakit napataas ang tono ng boses niya sa harap ng binata.
Huli na para mabawi pa niya ang mga nasabi niya.Alam niyang hindi nagustuhan ni Borj ang ginawa niyang iyon base sa nakita niyang reaksiyon nito.Nagdilim ang mukha ni Borj at halatang napikon ito sa kanya."Sorry Roni ha, kung sa tingin mo naging pakialamero ako.Hindi na mauulit" at mabilis na itong tumalikod sa kanya at walang lingon- likod na humakbang na ito palayo sa kanya.
Napakagat si Roni sa labi at naiinis siya sa sarili kung bakit naman kasi naging over reacted siya kay Borj. Gusto sana niyang habulin ang binata para mag sorry, pero mas pinili na lamang niya ang manatili sa kinatatayuan. Siguro naman ay marami pang pagkakataon para makausap niya ang gwapong binata para humingi ng despensa sa ginawa niya.
Napakamot na lamang sa ulo si Roni sa labis na panghihinayang.Moment na sana nila 'yun ni Borj, kaya lang sinira niya mismo.Kung kelan, kinikiliti na ang puso niya sa kilig saka naman siya nagkamali ng diskarte.Naiwan na lamang siyang naiiling habang humuhugot ng malalim na buntong-hininga habang nakahabol pa rin ang tingin sa papalayong si Borj.
💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Madilim na ang paligid.Kanina pa si Roni nakabantay sa may gate at hinihintay ang pagdating ni Borj.Nais niyang mag sorry sa binata tungkol sa nangyari kanina.Hindi yata niya makakayanang matulog habang alam niyang nagtatampo sa kanya si Borj.Hindi pinansin ng dalaga ang mababangis na kagat ng lamok sa kanya.Kahit umeepekto na sa kanya ang labis na pagkainip , hindi pa rin niya magawang pumasok sa loob ng bahay.Nakailang-tingin siya ng oras sa orasang pambisig.Alas-siyete y media pa lang naman pero inip na inip na siya sa pagdating ni Borj.Maya-maya ay kinuha na niya ang sariling cellphone at nagsimulang libangin ang sarili. Hanggang sa maramdaman niya ang presensiya ng isang papalapit na lalaki.Nakasuot ito ng itim na jacket, at kahit gabi na.at madilim pa, para sa kanyang paningin napakagwapo pa rin ni Borj sa gabing 'yun.Parang lumundag agad ang puso niya ng makita ang binata at awtomatiko siyang napangiti pagkakita sa lalaki.
"Hi Borj" -nakangiting bati niya.
Tumingin sa paligid si Borj saka seryosong bumaling sa dalaga.
"Bakit nandito ka pa sa labas.Gabi na Roni?" -mahina at seryosong tugon nito.
" Ahm..Borj..pwede ka bang makausap.Ahmm..Gusto ko lang sana mag-sorry Borj, dun sa nasabi ko sayo kanina...Hindi"--
Hindi pa siya tapos sa sasabihin pero tila pinigilan na siya mismong magsalita pa ng lalaki.
"Apology Accepted" --mabilis na agap nito sa anupamang sasabihin pa sana niya.
Naramdaman niya ang bahagyang pagkapahiyasa sarili.Sinupalpal kasi siya ni Borj.Hindi niya alam kung bakit ibang-iba ang mood ni Borj sa oras na iyon at tila ba nababalisa at nagmamadali.
Akmang bubuksan na ni Borj, ang gate nang maisipan niyang yakagin muna ang binata sa ihawan para makapag-usap pa sila.
"Borj,tara mag-ihaw muna tayo.Namimiss ko na kasi yung paborito kong paa ng manok eh" --pigil niya kay Borj na patuloy pa rin sa pagbubukas ng gate.
"Sorry Roni ha.Pagod ako eh,kailangan ko ng magpahinga.Next time na lang"--at tumalikod na nga si Borj at tuluyan ng pumasok sa loob ng maliit na gate.
Nalungkot si Roni.Naiwan siyang mag-isa. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam siya ng rejection kay Borj.
Nalulungkot siyang naglakad-lakad,hanggang sa naisipan na nga niyang magtungo sa kanto upang mag-ihaw. Habang naglalakad siyang mag-isa, si Borj ang laman ng isipan niya Ramdam na ramdam niya ang tampo sa kanya ng lalaki.At nalulungkot siya sa isiping 'yun.Baka yun ang simula para hindi na siya pansinin ni Borj kahit kailan.
Nagpatuloy lang si Roni sa paglalakad.Kahit mag-isa siyang naglalakad, hindi naman siya natatakot dahil kabisado niya ang lugar.Bukod doon, may mangilan-ngilan din namang residente na taga doon ang naglalakad at nasasalubong niya.May ilang poste din naman ng kuryente ang may ilaw na tumatanglaw ng liwanag sa kalsada .Kahit lipad ang kanyang isipan ay narating naman niya ang ihawan. Agad siyang nagpaluto ng ilang paa ng manok at humanap ng magandang pwesto.Tiyak mabubusog na naman siya sa kanyang paborito.
Sayang nga lang.Dahil ngayon, mag-isa lang siyang kakain.Napabuntong-hininga na naman siya dahil sa kalungkutan.Kasama sana niya si Borj kung hindi lang ba talaga mabilis ang dila niya sa pagrereact sa mga bagay bagay na naririnig niya sa paligid.
Muli na naman niyang kinuha ang cellphone at muli ay inabala ang sarili habang naghihintay ng kanyang paboritong paa ng manok.
Don't forget to leave your comments and hit the ⭐button as you vote. Thank you so much!
Proud StefCam fan💖
BINABASA MO ANG
*A Man With A Black Leather Jacket*
Hayran KurguAng kwentong ito ay tungkol pa rin sa paborito nating "Borj and Roni". Buong puso kong inihahandog ang kwentong ito sa lahat ng aking followers. Thank you so much guys for your support. Naiiba ang kwentong ito guys.. Sana lang magustuhan ninyo.. 🤗