Tuluyan nang nanlambot ang katawan ni Roni.Nanginginig na siya.Nakatingin lang siya kay Borj at hinihintay niya itong kumilos upang pakawalan siya.
Gayon na lamang ang kanyang pagtataka, na sa halip na kalagan siya ng binata sa pagkakatali ay minabuti nitong magsindi ng sigarilyo.Umupo sa may mesa sa harap niya at walang salitang nagpausok ng sigarilyo."B-Borj, huwag mong sabihin na...May kinalaman ka dito.." halos naiiyak na muling wika niya.
Bakante lang ang ekspresyon sa mukha ni Borj.Wala itong binitiwan man lang na salita o ang lumingon sa kanya ay hindi man lang nito ginawa.
"So...totoo nga pala Borj..Masamang tao ka!Napakasama mo" --mariing wika niya. Talagang pinagdiinan niya ang mga salitang 'yun para maiparamdam niya sa lalaki na namumuhi siya dito.Galit na galit siya sa lalaki.Subalit, kumalma siya.Kailangan niyang makiusap sa lalaki upang makatakas sa lugar na iyon.
"Borj..p-parang awa mo na.Pakawalan mo ako...Borj, nakikiusap ako." Mahinang wika niya.Umaasa pa rin siya na sa sandaling 'yun ay magiging kakampi niya si Borj at kahahabagan siya nito.
Subalit nagtaas lang ng paa si Borj sa mesa at nagpatuloy lamang ito sa pagpapaasbok ng sigarilyo.
Nanggigil lang si Roni sa matinding galit at pagkamuhi sa lalaki .Hindi niya inasahan na si Borj pa ang maglalagay sa kanya sa alanganin o masasabi na niyang naglagay sa kamay ng sinumang misteryosong kalaban.
Maya-maya ay bumukas na muli ang pintuan ng silid na 'yun.Subalit, sa pagkakataong iyon ay hindi lalaki ang pumasok sa silid. Sa halip ay isang magandang babae na may kasamang dalawang lalaki na mukhang hindi rin mapapagkatiwalaan.Agad na lumapit ang babae sa kanya at laking gulat niya nang mariin siya nitong hawakan sa baba.Halatang gigil na gigil sa kanya ang babae.Nagtatagis at nanlilisik ang mga mata nito sa labis na galit.Halatang, mas bata ito kesa sa kanya.
"Kumusta ka babae?" Halata ang galit pa rin nitong tinig at galit na ekspresyon sa mukha ng babae habang nanggigigil na nakahawak pa rin sa may baba niya.
"Sino ka?Anong atraso ko sa iyo" mahinang tanong niya sa babae.Hindi niya alam kung saan pa siya kumukuha ng lakas para magtanong at manatiling may malay sa harap ng mga kalaban.
"Sa akin wala..Pero sa kuya Jerome ko..Meron.." --mataray na wika nito at saka binitiwan siya nito.
Dahan-dahan siyang sumulyap kay Borj.Nakita niyang patuloy lang sa paninigarilyo ang lalaki subalit nakita niyang sumulyap ito sa kanya.Sinusubukan niyang humingi ng tulong dito kahit man lang sa ekspresyon ng kanyang mga mata.
Naalala niya ang nakababatang kapatid ng ex-boyfriend niya na si Jerome.Madalas ikinukuwento nito sa kanya ang kaisa-isa nitong kapatid na si Lyka.At ngayon, hindi siya makapaniwalang, nasa harapan niya ito at sa pakiramdam niya ay magiging dahilan ng kanyang kamatayan.
"I-Ikaw ba si Lyka??" -paglalakas loob na tanong niya dito.
Sarkastikong tumawa ang magandang babae at pumalakpak bago tuluyang naupo sa tabi ni Borj.
"Wow..it's just a wow..Hindi ko inexpect na naipakilala pala ako ng kuya ko sayo..Bago mo siya nagawang patayin" --at nagsindi rin ng sigarilyo ang babae at walang kiming nagpaasbok din ng usok ng sigarilyo.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa lahat ng tao na wala akong ginagawang masama.Lyka..Mahal na mahal ko ang kuya Jerome mo.Hindi ko siya magagawang patayin.Maniwala ka sakin"--umiiyak na wika niya.
Unti-unti..Tinatanggap niya sa sarili na iyon ang huling sandali niya sa mundo.Tiyak, mamatay siya sa kamay ng mga kalaban.Nasasaktan siya sa katotohanang mamamatay siya sa kamay ni Lyka, ang kapatid ng lalaking minahal niya noon.oh di kaya naman ay mamamatay siya ngayong gabi sa kamay ni Borj, ang lalaking lihim na niyang minamahal ngayon.
BINABASA MO ANG
*A Man With A Black Leather Jacket*
FanfictionAng kwentong ito ay tungkol pa rin sa paborito nating "Borj and Roni". Buong puso kong inihahandog ang kwentong ito sa lahat ng aking followers. Thank you so much guys for your support. Naiiba ang kwentong ito guys.. Sana lang magustuhan ninyo.. 🤗