Chapter 17

171 25 0
                                    

Tahimik niyang inilagay ang dalang bulaklak sa ibabaw ng puntod ng dating nobyo. Kasunod noon ay sinindihan ang dalang kandila at tahimik na umusal nang panalangin.Maya-maya ay tahimik niyang pinagmasdan ang puntod ni Jerome.Kahit hindi siya nagsasalita, ginagamit naman niya ang kanyang isipan sa pakikipag-usap sa kasintahan.Sa ganung paraan niya ipinahahayag ang lahat ng gusto niyang sabihin.Ang kanyang saya, lungkot, takot at galit.Pero sa pagkakataong iyon, iba ang paksang ipinahahayag ng kanyang isipan.

Naramdaman ni Roni ang malamig na hangin na humaplos sa kanyang buong katawan.Matapang siyang babae at hindi siya matatakutin pagdating sa mga multo.Pero, iba ang kilabot na naramdaman niya sa sandaling 'yun.Tumingin siya sa kalangitan.Makulimlim at nagbabadya ang malakas na ulan.

Nagdesisyon siyang tumayo at manatili pa ng may ilang minuto sa harap ng puntod ni Jerome.

Nagulat siya ng may magsalita sa kanyang likuran, subalit hindi na niya nagawang lumingon dito dahil tinig pa lang ng babae, ay kilala na niyang si Lyka 'yun.

"Namimiss mo na si Kuya noh" tudyong tanong nito.

Napapikit lamang siya dahil sa labis na pagkagulat sa biglang pagsasalita ni Lyka .Sino ba naman ang hindi magugulat kay Lyka? Buong akala niya mag-isa lamang siya doon sa may sementeryo, tapos may bigla-bigla na lamang magsasalita sa likuran niya.

"Nakakamiss talaga si Kuya Jerome!"sabay paglalagay din nito ng dalang bulaklak sa harap ng puntod ng kapatid.Maya-maya naman ay tahimik itong nagsindi ng kandila at nanatiling tahimik ng may ilang sandali.

Maya-maya ay walang pakundangan itong naupo sa harap ng puntod ng kapatid.

"Alam mo Ate Roni, dati, galit na galit ako sayo.Naaalala ko pa nga nung bagong libing si Kuya, inabot na ako nang malakas na ulan dito.Ipinangako ko sa harap ng bangkay ng kuya ko na magbabayad ka sa ginawa mong pagpatay sa kanya.Nakaplano na sana ang lahat ng paghihiganti ko sayo Ate Roni, pero...." Malungkot na kwento ni Lyka sa kanya.

" Pero..???"ungkat niya rito.

" Pero pinigilan ako ni Kuya Borj.Siya kasi ang humawak ng kaso, tapos, nagkaroon siya ng lead mula sa mga informer kaya hiningi na lamang niya ang tulong ko kesa ang maghiganting mag-isa sayo.Mabuti na lang, nabigyan ni Kuya Borj ng hustisya ang pagkamatay ni Kuya "..maya-maya ay nakita niya na pinunasan ng dalaga ang tumulong luha sa mata nito.

May kung anong lungkot ang biglang kumurot sa puso niya ng makitang nalulungkot si Lyka.Tinapik niya ang balikat ng dalaga.Sila sana ang nakatakdang maging maghipag kung hindi lang sana napatay si Jerome at nakasal sila ayon sa plano nilang dalawa.Subalit, napapag-usapan pa lang nila ang kasal noon, at hindi nga nagtagal ay sumabog ang nakagigimbal na balita na pinaslang ang kanyang dating nobyo na si Jerome Montecillo.

Tahimik lang siyang nakikinig at nakikiramdam kay Lyka, subalit tumahimik na rin ito at kumalma na rin naman.

" Ikaw, Ate Roni??Wala ka na bang balak maghanap ng ibang lalaki na pwede mong mahalin?" Prangkang tanong nito sa kanya.

Siya man ay nagulat sa itinanong na iyon ng dalaga.Hindi niya lubos akalain na itatanong 'yun ni Lyka sa kanya sa ganoong oras at sitwasyon.

Napakataklesa talaga ni Lyka sa isip-isip niya.Nagulat siya nang muli nitong ulitin ang tanong sa kanya.

"Ate Roni, hindi mo sinasagot 'yung tanong ko, ang sabi ko, wala ka bang balak palitan si Kuya?Bata ka pa at napakaganda.For sure, makakahanap ka pa ng isang lalaki na pwede mong mahalin, at magmamahal sayo tulad ng pagmamahal sayo ng kuya ko."

Kahit nagulat siya sa tanong.Pinilit niyang sagutin ang itinatanong nito.

"Kung magkakaroon ba ako ng bagong boyfriend, ok lang ba 'yun sayo?" Biglang naitanong niya.

"Oo naman Ate Roni.." mabilis na sagot nito.

"Walang problema sakin.At sigurado ako na mas magiging masaya si Kuya Jerome kung makakahanap kang muli ng isang lalaki na mag-aalaga at magmamahal sayo." Nakangiting saad pa ni Lyka.

Napangiti siya sa tinuran na iyon ni Lyka.Maya-maya ay narinig nila ang pagring ng telepono mula sa loob ng sling bag ni Lyka.Mabilis naman nitong kinuha ang cellphone at mabilis na sinagot ang tawag ng caller.

"Naku, hindi pa ako makakapunta diyan ngayon.Nandito ako kay Kuya Jerome, nandito din si Ate Roni, may pinag-uusapan pa kami." Wika nito sa kausap sa telepono.

" Ok sige..sige.."maya-maya ay narinig niyang paalam nito at pinatay na ang hawak na cellphone.

Gustong isipin ni Roni kung si Borj ba ang kausap nito.Gusto rin sana niyang kumustahin ang lalaki kung magaling na ba ang sugat nito kaya lang bigla naman siyang kinakapitan ng hiya sa katawan kaya napipipi na lang siya.

Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng ugong ng isang paparating na sasakyan.Bumaba mula sa kotse ang isang lalaki na hindi niya pa nakikilala.Matangkad ito at gwapo.Lumuwang ang ngiti ni Lyka nang makita ang bagong dating.

"Mike!" Nakangiting tawag nito.Lumapit sa kanila ang lalaki.

"Hi Babe, bye the way this is Ate Roni , and Ate, this is Mike, my boyfriend." Nakangiting pakilala nito sa kanya.

Ngumiti ang lalaki at maginoong naglahad ng kanyang kanang kamay.

Ngumiti din siya sa binata at inabot naman ang kamay nito.

"Ate Roni.Uuwi ka na ba?Bakit hindi ka pa sumabay samin ni Babe, ihahatid ka na namin sa bahay"
Paanyaya sa kanya ni Lyka.

" Ah naku..hindi na..Umuna na kayo Lyka, mukhang may lakad pa kayo eh.Ayoko namang makaabala sa inyong dalawa" at nginitian niya ng makahulugan ang dalaga.

" Ate naman..." Halatang namula si Lyka dahil sa biro niya.

"Sige Ate Roni, mauna na kami ni Mike ha" paalam ni Lyka.

"Bye,ingat kayo ha" at nakangiti na siyang nagpaalam sa dalaga.

Bitin man ang usapan nila, alam niya na marami pa namang pagkakataon para makapagkuwentuhan silang muli ni Lyka. Nakangiti niyang tinanaw ang papalayong kotse kung saan lulan sina Mike at Lyka.

Patuloy na nagbabadya ang ulan.Padilim ng padilim ang kalangitan.Subalit, minabuti ni Roni ang manatili pa rin sa harap ng puntod ng dating nobyo.Madami pa kasi siyang gustong sabihin at ilahad sa dito kahit tanging ang isipan lamang niya ang nagsasalita para makipag-usap sa yumao ng nobyo, gusto niyang ipaalam ang lahat ng nangyayari ngayon sa kanya.Tahimik lamang siyang nakamasid sa puntod nang hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang tighim ng isang lalaki.Kinabahan siya dahil mag-isa  lang siya sa sementeryo, mas nakakatakot talaga makasama ang buhay na tao kesa sa mga patay.

Dahan-dahan siyang lumingon mula sa kanyang likuran.Nagulat siya kung sino ang kanyang nakita.Napawi ang lahat ng takot nang makita kung sino ang nasa likuran niya.

"B-Borj.." nagulat na wika niya.

Naroon nga si Borj sa kanyang likuran.Nakasandal ito sa isang puno habang nasa loob ng bulsa ang isang kamay, at ang isang kamay naman ay may hawak ding bulaklak.Wala na ang benda nito sa braso.Muli itong nakasuot ng itim na jacket.At napakagwapo ng binata.Hindi niya kailanman 'yun maiitanggi sa sarili.Napakalakas talaga ng hatak.ng lalaki.

"Haiiissssttt..Roni..Relax ka lang..Si Borj iyan.Sabihin mo na ang gusto mong sabihin..-"sulsol ng nababaliw na yatang utak niya.

Dahan-dahang lumapit sa kanya ang binata habang nakapagkit ang tingin nito sa kanya.

Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin nang makalapit sa kanya ang binata. Kung kanina ay natatakot siya dahil sa pag-aakalang may masamang loob ang nagtatangka sa kanya kanina, ngayon naman ay labis na kaba ang nararamdaman niya dahil nagkasarilinan na sila ni Borj.Tiyak na walang Lyka ang papasok sa eksena at mag-aabala sa usapan nila.Tanging mga patay ang magiging saksi sa anuman ang mapapag-usapan nila.

" Hi Roni" nakangiting bati nito sa kanya nang ilang pulgada na lang ang pagitan nilang dalawa.

Don't forget to leave your comments and hit the ⭐button as you vote. Thank you so much!

Proud StefCam fan💖

*A Man With A Black Leather Jacket*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon