TWENTY-FOUR: Intramural Part 2

1.4K 81 0
                                    


"Hey Axe, who will fight first today?" Shin suddenly asked Axe while we're walking.

"Let's go to the announcement board." komento ni Darl.

"Yeah Yeah, And after that let's go to cafeteria I'm hungry."

"You're always hungry, Tch!" si Darl pero tinarayan lang sya ni Shin.

Naglakad kami papunta doon sa malawak na field kung saan don nakapiskil ang mga announcements, Rankings and Etc.

Madaming studyante na kagaya namin ay papunta din doon.

"Ang gulo!" angil ni Shin dahil totoo sobrang gulo ng nasa board ngayon kung saan nakalagay ang pasunod-sunod na time ng manlalaro. Maraming oras ang nakalagay, pangalan ng mga section at mga games, sinong hindi malilito e ang taas taas din. Hindi ko nga alam kung sino ang una dahil kahit sa una nakakalito.

"Pinagsabay-sabay ang lahat ng games sa isang araw para madali, mamayang 1 to 2 pm ang laban ng archery." biglang salita ni Axe. "...so ikaw ang lalaban mamaya Shin, habang naglalaro ka sa time na yun may mga laro din na magsisimula na sa oras na yun like table tennis, Badminton, Basketball, Chess and etc. Kaya hindi ka makakapanood ng laban ng iba sa oras na iyon dahil may laban ka din."

"At sayang di ko makikita maglaro si Fafa blake ko." nakangusong sabi ni Shin napangiwi naman ko. E?

"Ang landi mo." komento ni Darl kaya sinamaan sya ng tingin ni Shin.

"Pakialam mo ba!? Ngayon lang naman ako lumandi!" napailing-iling nalang ako sa kanila at tumingin kay Axe.

"Bakit ang daming maglalaro, should i say bakit pinagsasabay? Maraming hindi makakapanood sa ibang laban kung ganyan."

"Dahil madami din ang manlalaro, kaya pinagsabay-sabay dahil paniguradong hindi matatapos sa apat na araw kung hindi pagsabay-sabayin." napatango-tango naman ako sa sinabi nya.

"Mamaya namang 2 to 3 mahigit ay ang patigasan ng talino, laban mo Chin."

"Lalim deep, buti hindi naging patigasan ng ulo." komento ko sa sinabi nya at nag-akto pa sa kamay na lalim.

Tiningnan lang nya ako at ngumiti bago ginulo ang magulo kong buhok. Napapansin ko nakasanayan nya iyong gawin.

"Alam ko namang maiintindihan mo parin iyon pero may isang bagay na 'di mo maintindihan." nakangiting sabi nya, may kakaiba sa ngiti nya para bang may gusto syang sabihin na hindi nya masabi?

"Ehem! Respeto naman sa mga walang jowa dito! Ikaw Axe ah, iba na yarn!" panunuksong sabi ni Shin dahilan para maagaw ang attention ng iba dahil sumigaw sya, kaya kanya-kanya nanamang bulungan.

"Anong ibig sabihin ni Shin?"

"Si axe na at si Chinduck?"

"Ew di sila bagay."

"Baka naman hindi, pinaglalaruan lang ganon."

"Ang gwapo ni Axe para sa pangit na yan, di sila bagay duh."

"Ship!"

"Alam mo yang bibig mo, nakakapahamak!" bulyaw ni Darl kay Shin.

"Kasalanan koba kung maganda lang ako?"

"Anong konek? Bibig yung pinag-usapan hindi 'yang pangit mong mukha." pang-iinis ni Darl sa kanya.

"Pake mo ba!? 'Di mo naman 'to bibig! At anong nakakapahamak? Bakit napahamak kaba dahil sa bibig ko? Namatay kaba o nasaktan jan? Huh?" may pagka sarcastic na sabi ni Shin.

"Whatever Shin." mataray na sabi ni Darl.

"Halaka bakla! Bwahahaha!" malakas na tawa ni Shin, sinamaan lamg sya ng tingin ni Darl.

The Nerd And The Campus Heartthrob Bully Ssg President. Where stories live. Discover now