FIFTY:

1.6K 79 6
                                    


"Yes, ma?" paunang salita ko. Tumawag si mama, nasa rooftop parin kami.

"I heard from Em, nasa bahay ka daw nila?"

"Opo."

"Thanks God hindi ka napahamak. Nanjan ba si Esthian? Maayos ba ang kalagayan mo ngayon?" puno ng pag-aalalang ganong nito. Maingay sa side nya pero naririnig ko parin sya.

"Okay lang po ako, at Oo nandito po si Esthian."

"Mabuti kung ganon. Jan kana matulog ah? Baka mapagod kalang kapag bumalik kapa dito, may kwarto ka naman jan, at matulog kana, 'di ka pwedeng magpuyat."

"Opo ma."

"Sige ibababa kona 'to kinakamusta lang kita. Enjoy the night anak, happy birthday again, I love you princess." napangiti ako sa huling sinabi ni mama.

"I love you din po." nakangiting balik ko.

Tinapos na nya ang tawag kaya napatingin ako sa kasama ko na kanina pa nakatingin sa akin.

"Ako, kailan ako makakatanggap ng I love you galing sayo?"

"Itigil muna 'yang kabaliwan mo Elijah."

"Hindi ako baliw pero para sa'yo handa akong maging baliw." nakangiting sabi nya at bigla nalang akong kinindatan.

"Tch, bababa na ako, kailangan ko ng matulog. Bye." mabilis na paalam ko at tinalikuran sya't naglakad.

"Akala ko ba handa kang malaman ang side na mayron ako." doon ako napatigil sa paglalakad. Puno ng lungkot ang boses nya at para din akong nalungkot doon. "Hanggang ngayon ba, hindi mo pa ako kayang patawarin sa lahat ng kasalanang nagawa ko sa'yo."

Lumingon ako sa kanya. "Ilang ulit ko nang sinabi sa'yo, hindi ko kayang magkimkim ng galit at sinabi kona sa'yong pinapatawad na kita, diba?"

"Pero bakit 'di ko ramdam na pinatawad muna ako, at ang tanging naramdaman ko ay galit?" nagtatakang tanong nya, halatang naguguluhan sya.

"Edi mali 'yang nararamdaman mo." hindi ko maiwasang mainis. "Pwede bang 'wag na nating balikan yung dati? Bumaba kana, lumalamig na ang panahon." sabi ko at tipid na nginitian sya at umalis na doon.

Bakit ba kasi pinagpipilit nya na may galit ako sa kanya? Wala nga! Wala! Kainis!

Tiningnan ko ang pinto ng kwarto ko maging kay Shin at kay Elijah na may kalayuan sa amin.

Namiss ko ang kwartong 'to.

Pinuhit ko ang door knob at binuksan. Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa bumungad sa akin.

'Sorry.'

Yan ang una kong nakita na nasa taas ng dingding sa kama ko. Pinalibutan ang malaking salitang sorry ng balon na may nakalagay din na sorry. Pink, Blue at white ang kulay ng mga lobo, maging ang theme ngayon ng kwarto ko. Sa ibabaw ng kama ko nakita ko ang iba't ibang uri ng box na sa palagay ko ay mga regalo. Sa kisame namin ay may mga nakasabit na maliit na larawan ni kupido. Pinalibutan ang lahat ng kanto ng dingding nang mga ballon na may nakalagay din na sorry. Sa kinatatayuan ko ngayon may nakalagay na parang daraanan papunta sa kama ko, mga lobo din ang nasa gilid, at kulay pink, blue, puting carpet na pinaghalo.

Napatingin ako sa gilid ng pinto ng makakita ako ng mga pictures, lumapit ako doon para tingnan iyon ng maige. Don ko napagtantong picture naming dalawa ni Elijah yun, doon sa pinakamataas ng building sa rooftop kung saan pinilit ko syang mag picture kaming dalawa, kitang kita ko ang namamaga kung mata at ang seryusong mukha ni Elijah. Hindi nya pala dinelete 'to? Sa bawat gilid naman ay mga maliliit na picture na larawan ko, naka suot ng uniform, may nakatagilid, nakaupo, sinasaktan at iba pa. Napaisip ako, may kumukuha ba ng picture sa akin noon?

The Nerd And The Campus Heartthrob Bully Ssg President. Where stories live. Discover now