Shin's POV“Ano na! Magtanong kana dahil uuwi na ako gabe na!” kanina pa ako dito, ako lang kanina ang tanong nang tanong sa kanya ngayong sya naman ang papasalitain ko nanatili lang syang tahimik.
May kulang ata 'tong lalakeng 'to e.
“Bakit ba nagmamadali kanh umuwi?” nandito kami sa kwarto nya, okay-okay na s'ya pero kailangan n'ya paring magpahinga.
“Alam mo kung bakit? Tiyak na papagalitan ako ng bantay at lalo na si Tita, hindi ako nakapagpaalam dahil demerecho ako dito.”
“Text mo sila o 'di kaya tawagan.”
“Hays, magtanong kana kasi, 'di yung andami mo pang sinasabi.” sabi ko at tumayo na. “...bahala ka kung ayaw mo basta ako tapos na.”
“Saan ka pupunta?”
“Uuwi na.”
“Bakit ka uuwi e hindi pa ako tapos.” sinamaan ko naman s'ya ng tingun dahil sa sinabi nya, sarap balibangin ng lalakeng 'to may topak talaga.
“Kaya nga magtanong kana diba, this task named getting to know each other, ask now para makauwi na ako.”
“Parang ayaw mo akong makasama ah.”
“Ayaw talaga! Kung 'di mo lang pangalan ang nabunot ko for this task 'di sana ako pupunta dito.”
“Pwede ka ng umalis.” gulat akong napatingin sa kanya.
“Huh?”
“Pwede ka ng umalis.”
“E bakit?”
“Baliw kaba? Kanina gusto mong umuwi na tapos ngayon pinapauwi kana magtatanong kapa.” umiba ang tono ng pananalita nya, biglang lumamig.
“Kasi nakakagulat lang.”
“Napipilitan kalang palang pumunta dito at maging partner ko, ayaw ko ng ganon. Sabihin mo nalang bukas sa guro na hindi ako nag participate.”
“Anong nangyari sayo?” naguguluhang tanong ko.
“Gusto mong malaman kung ano ang nangyayari sa akin?” tumango ako “...dahil 'di mo man lang naramdaman na nasaktan ako sa sinabi mo.”
“Huh?” di ko talaga sya maintindihan.
“Sana 'di nalang ako nagkasakit, ang OA kasi ng katawan ko, ang daling magkasa—”
“Wait.” putol ko dahil biglang tumunog ng cellphone ko.
Tiningnan ko kung sino ang nag message, nagtaka ako dahil kay Insan ito galing.
Umuwi kana at gawin yung plano mo kay Daddy.
Ano bang plano ko kay tito? Ah yung tungkol kay mommy, yung plano, ngayon naba gagawin yun?
“Aalis na ako.” paalam ko kay Darl, 'di sya nagsalita at tumango lang kaya lumabas na ako sa kwarto n'ya.
“Kamusta ang pakikipag-usap mo sa kapatid ko?” napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa nagsalita.
“Okay lang, i think.”
“I think?”
“Uhm, aalis na ako.”
“Wait.”
“Yes.” nakita kung ngumiti ito sa akin.
“Nasabi ba sa'yo ni kuya na?”
“Ang alin?” nakita ko ang paglaki ng mata nito at mabilis na umiling.
YOU ARE READING
The Nerd And The Campus Heartthrob Bully Ssg President.
Teen Fiction"Accept me as who I am, not for what I have." -Chinxiahaileigh Credits to @Aj_art for making a wonderful book cover :)