THIRTY-ONE:

1.4K 71 0
                                    


Chin's POV

Nakahilata ako sa kama ko ngayon at inisip ang nangyari kagabe. Sobrang saya ng ka-section ko dahil kami ang tinanghal bilang Champion, first ang Section Angel. Hakot award si Shin, MVP sya sa volleyball at basketball, sya din ang tinanghal bilang Ms. Intramural 2021, ganon din si Thriveon. They both win at proud na proud ako sa kanila.

Umaga na at mataas na ang araw pero wala padin akong balak na tumayo dahil pagod ang katawan ko, wala namang pasok kaya okay lang.

Nag-iisip ako ng kung ano ng may biglang kumatok ng pinto ng kwarto ko. Tumayo ako para pagbuksan dahil naka-lock ito, nagla-lock na ako ng pinto ngayon.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Shin na nakaporma para bang may pupuntahan s'ya.

"Saan lakad mo?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti s'ya. "I'm going to state—"

"Ano!?" putol ko sa kanya.

"Teka hindi ka naman siguro binge. Babalik ako sa state sasama ako kay Ate Phienmhel pabalik."

"Bakit ka babalik da state?"

"Kasi pinapauwi muna ako nila mommy dahil may importante daw. Kagabe nag text."

"Babalik ka?"

"Oo naman, babalik ako lalo na't may babalikan ako at ikaw 'yun, ayaw ko namang iwan ka dito noh, baka kung ano nanaman ang gagawin ng +4r4n+4do kung pinsan sa'yo." natatawang sabi nya. "..bukas ng gabe ako babalik, hindi ako magtatagal don."

"Sana lahat madaming pera." nasabi ko nalang, hindi gumagana ang utak ko.

"Mag-ingat ka dito, puntahan muna yung lugar na gusto mong puntahab at makakapasok kana." niyakap nya ako. "Ayusin muna ang sarili mo. Bye Chin." humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at ngumiti.

"Mag-ingat ka don, tawagan mo 'ko pag nakarating kana, ha?" paalala ko sa kanya.

"Sige, oo naman. Bye sige, baka malate ako sa flight ko. Mamimiss kita." natawa ako sa sinabi nya, hindi kasi ako sanay na may nagsasabi sa akin na mga sweet words.

Kiniss nya ako sa pisnge na ikinagukat ko, matapos nyang ginawa iyon ay kumaripas sya ng takbo.

"Hoy! Ikaw! Nako." sigaw ko pero wala na s'ya. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Noisy." napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si pres, tingin ko pababa na sya.

"G-good morning pres." nakangiting bati ko sa kanya pero 'di n'ya ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"...by the way, congrats pala pres." pahabol ko pero wala paring s'yang sinabi.

Hays, sobrang labo talagang magkasundo kami.

Pumasok ako sa loob at naligo muna. Naisip ko na ngayon na ako magpakilala sa kuya na sinasabi ni Andrea, wala din naman akong gagawin at mamaya nalang akong gabe pupunta sa Jayuhwa Graden dahil mas maganda ang tanawin don kapag gabe. Sana talaga makapasok na ako.

Bumalik ang dati kung mukha, hindi naman talaga as in dahil hindi na sabog ang kilay ko, maayos-ayos nadin ang buhok ko, at 'di na oily ang mukha ki. Ang diperensya lang ay yung mata ko dahil kailangan ko paring mag eyeglass  at ang mga pimples ko, may mga pimples pa pero hindi na tulad noon na malalaki at malulusog, dahil nakikita ko ngayon na unti-unti syang nawawala. Huh? Ano kayang nilagau ni Ate Phienmhel dito.

Naglakad ako pababa, nakakasalubong ko ang ibang kasambahay na naglilinis kaya todo ang pag greet nila sa akin ganon din ako.

"Tell me who is your mother?" iaapak kona sana ang paa ko sa unang palapag ng mapatigil ako at napatingin sa itaas ng hagdan dahil doon nanggaling ang boses.

The Nerd And The Campus Heartthrob Bully Ssg President. Where stories live. Discover now