Esthian POV"HOW are you?" tanong ko sa kanya, nakaupo ulit sya sa wheel chair nya habang ako ay kumuha ng upuan at umupo sa harapan nya.
Kanina pa sya nakatingin sa akin, at sari-saring emosyon ang nakita ko, isa na don ang pagtataka.
"I'm Okay." parang wala sa wisyong sagot nito dahil 'di man lang ito kumurap habang nakatingin sa akin.
"You sure?" hindi kona gusto pang balikan ang nakaraan, yung mga luhang sinayang ko dahil sa pag-aakala kung namatay na sya, ang mahalaga ngayon ay yung ngayon, Ang ngayon na nandito sya sa tabi ko at kasama ko.
"I miss you." napanganga ako dahil sa sinabi nya.
"H-huh?" totoo ba yung narinig ko miss nya ako?
"I miss you." hindi ako nakaimik sa pag-ulit nya, pinakiramdaman ko ang lakas ng pintig ng puso ko. "Hindi ko alam pero nakaramdam ng saya ang bago kung puso ng makita kita ngayon na hindi ko naramdaman nong nakita ko ang iba ko pang kaibigan."
"Nakita?" gulat kong tanong.
"Oo, narinig kung pumunta sila sa US para tulungan sila mama at papa sa akin. Nakita ko sila sa US at wala ka don, pero walang pinagbago ang naramdaman ko nong nakita ko sila 'di kagaya mo na nagawa kong makapagsalita at maramdaman ang tibok ng puso ko."
"Nagkita kayo sa US?!" gulat na tanong ko. So alam nila na buhay si Chin tapos hindi man lang nila sinabi sa akin?! Wala ba silang paki-alam sa nararamdaman ko!? Kaya ba kung maka akto sila parang hindi nawala si Chin dahil alam nila!?
"Wag kang OA, nong isang araw lang kami nagkita."
"Kahit na nagkita parin kayo, sana sinabi nila sa akin yun para makasunod ako sa kanila. Mga sinungaling sila!" mabilis kung binuksan ang pinto at lumabas. Hinanap ko sila, at napadpad nalang ako sa Third floor sa kwarto ko wala akong nakitang tao. Ang tahimik.
Bumalik ako sa Music room dahil nandon si Chin. Naabutan ko syang nakatingin sa kawalan habang walang emosyon ang mata.
"Ganyan naba talaga ang emosyon ng mata mo?" napatingin naman sya sa gawi ko.
"Hindi ko alam. Hindi ko gusto ang ginagalaw ko pero ito ang gusto ng katawan ko. Simula nong natamaan ako ng palaso at nagising ako ganito na ako at hindi ko alam kung bakit." tumingin sya deretcho sa mata ko. "Pero sa tuwing nakikita kita unti-unting sumasaya ang mukha ko, unti-unting bumabalik ako sa dati kaya nagtataka ako, sobrang nagtataka ako dahil bakit iba ang epekto ng existence mo sa pagkatao ko." napangiti ako sa sinabi nya.
"Kaya tuloy 'di ko maiwasang isipin ngayon na, may gusto ba sayo ang heart donor ko." tiningnan nya ako ng may pagtataka habang ako pinipigilan ko ang asarin sya.
"May gusto nga ba sa akin ang heart donor mo," naglakad ako palapit sa kanya at pinantayan sya ng upo. "O ang bagong may-ari ng pusong 'yan ang may gusto sa akin." ngising patuloy ko, akala ko sisigawan nya ako pero tiningnan nya lang ako at unti-unting nawawala ang emosyon sa mata nya kaya kaagad akong tumayo.
"Hoy joke lang yun." bawi ko, dahil hindi ko alam kung paano sya magalit. Marami na ngang nagbago sa kanya.
"Sa pagkaka-alam ko hindi ako ang may gusto sayo kundi ikaw ang may gusto sa akin." tila nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nya lalo na nong ngumisi sya.
Langya! Di na 'to si Chin na nakilala ko noon.
Tinulak nya ang wheel chair nya palapit sa akin. "Birthday ko ngayon akin na regalo mo." napatingin ako sa dalawang kamay nya na nilahad sa unahan ko.
"H-huh?"
"Birthday ko ngayon kaya hinihingi ko ang regalo ko sayo."
"H-huh, E birthday ko rin ngayon?" patanong ng sabi ko. Nagsalubong ang kilay nya at nagtatakang tumingin sa akin.
YOU ARE READING
The Nerd And The Campus Heartthrob Bully Ssg President.
Teen Fiction"Accept me as who I am, not for what I have." -Chinxiahaileigh Credits to @Aj_art for making a wonderful book cover :)