TWENTY-SEVEN:

1.6K 87 2
                                    

【Grammatical errors, typos and incorrect usage of punctuation marks ahead. Hoping for your kind consideration and understanding. Thank you and God blessed..=)】

CHINXIAHAILIEGH POV

LABAN ni Shin sa volleyball ang pinanood namin ngayon, nakaupo sa lap ko si Ash na masayang nanonood.

Katabi ko si Axe sa right side katabi naman nya si Darl, sa left side naman katabi ko Ethan, katabi naman nya si Chandra, katabi naman ni Chandra si Thrivane. Pansin ko kanina pa tahimik si Axe at si Darl, naiintindihan ko ang pagtahimik ni Axe kasi ganito naman talaga sya pero si Darl, himala e ang ingay ng lalakeng 'toh.

Simula nong natapos ang kanina ay bumalik na sa dati ang mga SSG officers at hindi ko talaga alam kung ano ang ginagawa nila, kami naman nanood pa ng isang laro bago pumunta dito kasi laban na ni Shin.

"Baby Ash, sa akin kanaman upo, paniguradong nangangalay na ate Chin mo." Malumanay na sabi ni Ethan pero umiling-iling si Ash at masayang nanonood habang pinaglalaruan ang kamay ko.

Nasa unahan kami kung saan don umupo sila shin kapag nagpapahinga, actually kunti lang sila. Kanina pa tingin nang tingin sa amin yung ibang nanonood lalo na sa akin at sa dalawang lalakeng katabi ko, pati din si Ash pinanggigilan nila.

"Bakit pala sinama mo si Ash dito?" tanong ko kay Axe na seryusong nakatingin sa unahan pero narinig naman nya siguro ang tanong ko diba?

"Walang mangbabantay sa kanya, may importanteng ginawa ang mga parents ko, si ate naman may klase. Di ko naman sya pwedeng iwan sa bahay dahil wala naman syang ka close na katulong doon." tumango-tango ako at pinunasan ang noo ni Ash gamit ang kamay dahil may kunting pawis ditl, actually kanina pa sya sa akin, hindi na sya umaalis sa tabi ko at laging nagpapabuhat sa akin, hindi siguro sya inform na mabigat sya. Ewan koba sa batang to wala naman akong ginawa dito para maging malapot sa akin, pero okay na din yun, ni hindi ko nga sya narinig na sinabihan akong pangit.

"Hoy! Ba't ba ang tahimik nyong dalawa! Kanina pa kayo ah, nakakapanibago Darl ah." pag-agaw ko ng attention sa dalawa lalo na kay Darl dahil hindi talaga bagay sa kanya ang maging tahimik at seryuso.

"Para sa bagong kinasal!" sabay kaming napatingin sa unahan dahil sa sigaw ni Shin bago pinalo ang bola papuntang kalaban. Ayun nanaman ang sari-saring bulungan na narinig ko.

Pati ba naman si Shin naniwala? Hays fake news.

Magaling ang kalaban nula Chin dahil Grade 12 section demon ito. Matinik at demonyo kung maglaro.

"Demon! Demon! Demon! Demon!"

"Superior! Superior! Superior! Superior!" Napatakip ako sa tainga ko dahil iyon nanaman sila palamangan ng sigawan.

"Hindi mananalo ang section nyo sa section namin!"

"Ei lampa naman 'yang ka section nyo!"

"Atleast MAGAGANDA AT SEXY!"

"HAHAHAHAHAHAHA!"

"Tirahin mo Kryz! Yun! Bwahahah o diba lampa!"

"Panira ka talaga Ellã Sub nga!" sigaw ni Shin habang masamang nakatingin kay Ellã. Paano ba naman imbes na tirahin nya yung bola na papalapit sa kanya ay umiwas sya tumakbo papunta don sa gitan para di sya matamaan. Masyadong maarte ang galaw ni Ellã.

The Nerd And The Campus Heartthrob Bully Ssg President. Where stories live. Discover now