FORTY-FIVE: Axe

1.3K 56 3
                                    


Axe's POV

-At Beoljuda Jail-
Chapter 04

“Patayin mo muna ang ilaw, tapos pailawin mo maya-maya baka lalakas na.” nanghihinang sabi ko kay Darl.

Gustong-gusto ng pumikit ang mata ko pero pinipilit kong 'wag dahil baka 'di na ako magising, sobrang init at nauuhaw na ako.

“Naghirap naba ang Haneul at kahit ilaw man lang 'di na napalitan.” reklamo ni Darl pero sinunod nya ang sinabi ko. May lakas pa sya 'di tulad ko dahil may sakit ako nong pinasok ako dito hindi ko lang sinabi.

“Okay kalang?” tanong nya at lumapit sa akin. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil wala naman syang kasalanan pero sinamahan nya ako sa parusa ko. Sarap hambalusin ng suntok ni Binz!

“May tao po ba dito?” biglang napatayo si Darl ng marinig ang boses na iyon, nag echo.

“Parang may pinasok nanaman sila ah.” nakangising sabi ni Darl.

“Wala bang ilaw? Takot ako sa dilim.” reklamo pa nong boses, napatawa ako ng bahagya don kaya gulat na napatingin sa akin si Darl.

“Nanghihina kana nga nagawa mo pang tumawa.” hindi ko sya makita dahil madilim pero alam kung nakasimangot sya. “Teka, pupuntahan ko lang kawawa naman.” natatawang sabi nya at narinig ko nalang ang yapak nya.

“Whaaaa! Ayaw kuna! Takot ako sa multo 'wag mo akong hawakan!” don ko napansing boses babae yun dahil malapit na sa amin. Napailing nalang ako, Tch! Bakit nagpapasok sila ng babae dito.

Umilaw bigla ang paligid at nakita kung pinindot pala ni Darl ang switch pero ganon padin wala paring pinagbago pakindap-kindap padin.

Naaninag ko ang mukha ni Chinduck kaya kumunot ang noo ko, Paano sya nakapasok dito?

Hindi ko pinahalata yung gulat ko nong lumapit sya sa akin at pinaypayan ako.

Nakatingin lang sya sa akin habang nagsasalita. Nangunot ang noo ko sa mga tanong na nasa isip ko.

‘Bakit nya kami tinulungan e ang sama namin sa kanya? Bakit ang bait nya? Bakit nakakaramdam ako ng pagsisisi sa ginawa namin sa kanya?’

Hindi ko nagpahalata na tinitignan ko sya habang pinapaypayan nya kami ni Darl.

Palihim akong napabuntong hininga. ‘Sa kabila ng mga kasalanang nagawa namin sa kanya mas pinili parin nyang maging mabait sa amin. Hindi ko inakala na mah tao pang ganto, na mabait sa mga taong nanakit sa kanya. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil kung hindi sya dumating baka sa hospital ang bagsak ko.’

Pinagmasdan ko ang babaeng natutulog sa harapan ko, pinaypayan sya ni Dark habang ako nakabawi na ng kunti sa lakas ko.

“Ang bait nya noh?” wala sa sariling tanong ni Darl. “Oo g@g* ako, lagi ko syang sinasaktan physical pero bro tingin ko kailangan ko ng magsisi.” natatawang sabi nya. “Mas pinili nya tayo kaysa sa sarili nya. Wow bago yun bro.” dagdag pa nya habang nakatingin kay Chinduck na mahimbing na natutulog, siguro napagod sya kakapaypay sa amin.

“Gisingin muna.” gulat naman syang napatingin sa akin.

“Ayaw ko nga, ang himbing ng tulog nya.” nakasimangot na sabi nya.

Napatingin ako kay Chinduck nang bigla iting gumalaw.

“Oh ayan nagising tuloy, ang kulit mo kasi.” paninisi nya sa akin at ngumuso pa. Pansin ko naging mas childish sya dahil ba sa init.

Nakita ko ang pagngiti ni Chinduck kaya pinagmasdan ko syang maige. “Sorry, n-nakatulog ako. Boring kasi.” bigla nalang syang tumingin sa akin pero umiwas din siguri dahil nakita nyang nakatingin ako sa kanya.

The Nerd And The Campus Heartthrob Bully Ssg President. Where stories live. Discover now