Esthian POVLumipas ang araw o buwan unti-unti ko ng tinanggap na kahit anong iyak ko, kahit anong tawag ko sa pangalan nya 'di na sya babalik. Tuluyan na nya kaming iniwan at 'di ko man lang sya nakita kahit sa huling pagkakataon.
At sa mga nagdaang Araw-buwan, namalayan ko ang sarili ko na unting bumubabalik sa pagiging cold o walang paki-alam sa paligid, hindi kona gustong maging ganto pero hindi ko napigilan ang sarili ko.
Until now masakit padin, pero alam kong wala akong magagawa para bumalik pa sya.
Wala ng excitement sa buhay ko o wala na akong excitement na naramdaman.
Bakasyon na namin ngayon, natapos na ang graduation at kahit sa pagtanggap ko ng medalya ay hindi ako masaya dahil may kolang, kahit sobrang labo na nadon sya sana kasama namin, isa din sya na kukuha ng parangal pero ginawa ko paron hinanap parin ng mata ko ang presensya nya pero wala akong nakita. Wala ng pangit na nagpaparamdam sa akin at yun ang malungkot at masakit.
Nandito ako sa rooftop ng bahay namin, dito na ako nagtatambay ngayong bakasyon, madalas natutulog ako dito, mas gusto ko pang manatili sa roof top na'to kaysa alin mang lugar.
Ako lang ang naiwan, Oo ako lang mag-isa, hindi ako sumama sa bakasyon nila dahil wala sya don sa pupuntahan nila. Wala ang ala-ala nya don. Nandito ang ala-ala nya sa rooftop kaya bakit pa ako pupunta sa ibang lugar kung dito sa lugar na'to na naging tambayan nya masaya na ako dahil nandito ang ala-ala nya. Kahit ala-ala nalang.
Tumingin ako sa kalangitan, bilog na bilog ang buwan at sa katapat ng buwan ay ang may kalakihang star na nagniningning na lagi kong nakikita o lagi kong pinagmamasdan sa tuwing gabe. Dahil ang star na'yan ay binibigyan ako ng ngiti dahil pinangalan ko 'yang CHIN, para kahit anong mangyari 'di ko sya makakalimutan.
"Hey bro, sumunod ka kaya dito." Sabi ni Darl. Kasalukuyan kaming nag Vedio call ngayon, marami sila don, masaya samantalang ako dito nag-iisa at pinipilit ang sarili na maging masaya.
"Aya—"
"Alam mo kasi, hindi mo makakalimutan si Chin dahil lagi mong binabaon ang sarili mo sa mga walang kwentang ala-ala nyo. Try mong mag relax at wag isipin yung wala na."
"Darl." may pagbabantang tawag ko.
"Oo na! Sorry. Gusto kalang naman namin mapasaya, dahil sa tuwing nakikita ka naming ganyan, nahihirapan din kami."
Napabuntong hininga ako. "Kamusta jan?" pag-iiba ko ng topic.
"Well masaya naman kaso 'di buo ang saya namin dahil wala ka dito. Bro, sumunod kana dito sa amin, sabihin mo lang, nakahanda ang private jet ng mga McKnight para sunduin ka jan."
"Hihintayin ko nalang na bumalik kayo dito."
"Ayaw mo talaga? May malaking party pa naman na gaganapin dito bukas, invited kaming lahat."
Napailing ako. "Wala akong paki-alam sa party na'yan, at hinding-hindi ako pupunta jan."
Sa Thailand sila nagbakasyong lahat, Oo silang lahat at ako lang ang naiwan dito sa pilipinas. Pangarap ko noon na makapunta sa Thailand dahil maganda ang lugar na'yun pero ngayon pangarap ko nalang na manatili dito sa bahay.
YOU ARE READING
The Nerd And The Campus Heartthrob Bully Ssg President.
Teen Fiction"Accept me as who I am, not for what I have." -Chinxiahaileigh Credits to @Aj_art for making a wonderful book cover :)