“Nag review ba kayo ng maayos?” bungad na tanong sa amin ni Head pagkapasok namin sa office n'ya. Nandito kaming lima gaya ng announce kanina.“Opo.”
“Dalawang weeks nalang ang hihintayin nyo, pagkatapos non pupunta tayong Baraem University upang iligtas nyo ang ilan sa studyanteng nag-aaral dito. Make sure na mananalo kayo, naniniwala kami sa inyo.”
“About sa gaganaping Quiz bee.” taas kamay na sabi ni Shin.
“Yes.”
“Ahm, sino po ba ang kalaban namin sa university nila, para naman po malaman namin kung ano ang kaya nila.”
Umiling si head. “Hindi ko alam kung sino ang pambato nila, pero alam nila na kayong lima ang pambato ng Haneul.”
“What?!”
“Ano!?”Gulat na react namin.
“Hindi naman ata patas yun, kilala nila kami tapos sila di naman kilala? Ha!”
“That's why kailangan nyong magsipag. Pinatawag ko kayo dahil gusto kung sabihin sa inyo ang sinabi ng head sa akin na kung sakaling manalo sila. Isa sa inyong lima ang kukunin nila.”
“Sino?”
“At ikaw yun Chinxiahailiegh, nalaman nila ang profile mo dito sa university at humanga sila sa iyo kaya ikaw ang kauna-unahang studyante na kukunin nila kung sakali mang manalo sila.” nagulat ako sa sinabi ni Head. Ako?
“Aba hindi ako papayag na kukunin nila si Chin, Sa hanuel lang sya mag-aaral wala ng iba.” si shin.
“Kaya kung ayaw nyong makuha si Chin ng Baraem pagbutihin n'yo. Wag nyong hahayaan na makuha ng Baraem ang taong pinagmamalaki ng Haneul.”
“Hindi ko po gugustuhing lumipat sa Baraem.”
“We won't let that happen.”
“That's good to hear, ni-remind ko lang sa inyo dahil alam kung hindi kayo updated.” Tumingin s'ya sa akin. “Chin, take care of yourself.”
“P-po? Ah, salamat po.” sabi ko at yumuko.
“That's all, go to your room.” nakangiting sabi nito. Nagpaalam kami sa kanya at sabay naglakad paalis.
“Sarap hambalusin yang Baraem university na'yan, naghahanap yata sila ng away hindi studyante.” may pagkainis na sabi ni Shin.
“Imbes na mainis ka jan gawin mo yang inspirasyon para magsikap ka.” sabi ni Axe sa kanya na halatang may iniisip.
“Syempre hindi talaga ako papayag na manalo sila, sa una palang ang daya na nila. Ang pangit naman ng pagpapatakbo ng head sa university na'yan.”
“Huwag mo silang husgahan, gusto lang din nilang sumikat ang university nila kaya ganon. Malay mo may malalim pang rason.” si Thriveon.
“Ano bang rason? Sumikat? Huh? Sana gumawa sila ng mabuting paraan para sumikat yung university nila hindi yung nangunguha sila ng studyante na nag-aaral sa ibang university. Sorry 'di ko lang talaga maiwasan. Kainins!”
“Ano bang kinakainis mo? Hayan mo nalang sila. Ang gawin mo—natin, magsikap tayo, matatalo natin sila kahit wala tayong nalalaman sa kanila.”
“Tama.” agree ko sa sinabi ni Axe. P
“Nakakainis na nga ang paglipat ni Binz sa section natin dumagdag pa'to! Hay!” bigla ko tuloy naalala si Binz dahil sa sinabi ni Shin.
“Wag mo nalang isipin. Relax.”
YOU ARE READING
The Nerd And The Campus Heartthrob Bully Ssg President.
Teen Fiction"Accept me as who I am, not for what I have." -Chinxiahaileigh Credits to @Aj_art for making a wonderful book cover :)