FORTY-THREE:

1.4K 67 1
                                    


Chin POV

Hindi kami sabay ni pres nong pauwi na, hindi ko kasi sya nakita at may sumundo sa akin, tauhan daw ni mommy ang dami pang bodyguards na nakabantay.

“Paki-stop po muna kuya.” utos ko sa driver. Bigla kasing nakuha ang atensyon ko doon sa malaking flat screen TV na nadito lang sa taas namin.

Nakita ko kasi ang mukha ng pamilya ko doon, at kahit isa wala akong nakitang emosyon sa kanila. Hindi na ito yung nasa mansion sila ni Mommy Em, i think sa kompanya ata.

“Sorry sa pagsisinungaling,” seryusong sabi nya. “But we do that to protect our princess, we know from the beginning  maraming gustong mapabagsak kami, pero dahil sa ang motto namin ay ‘Walang McKnight na bobo’ sorry pero nagkakamali kayo.”

“To those who hurt our princess, don't worry our princess not mad because she will never be mad. And I'm so happy having a daughter like her. Tinago namin sya simula nong bata pa sya, six years old, ipinaalam namin sa lahat na patay na sya and i'm sorry our princess, pero ngayong nakalabas na kami babawi kami. And gusto kong ipakilala sa inyo ang nag-iisa naming anak na babae, ang babaeng pinagkaitan ng pagmamahal ng magulang Lovely Ash McKnight A.K.A Chinxiahaileigh.” nag flash ang picture ko sa camera yung nerd na ako.

“At sa mga nagbabalak jan na saktan ang prinsesa namin, 'wag mo ng ituloy dahil kahit hindi kapa nakalapit sa anak namin, patay kana.” na froze ako sa pagbabanta ni mama lalo na nong nag smirk sya.

Marami pang sinabi si mama sumabay nadin ang pamilya ko, about business na at wala akong maintindihan doon.

Hanggang sa nakita ko ang mukha nong Mr. Wu at may nakalagay na wanted.

Bigla akong kinabahan sa nakita ko, patuloy parin syang pinag-hahanap ng pulis at tumulong sila mama doon. Kinabahan ako dahil baka bigla syang sumulpot.

Kaya ba, ang daming nagbabantay sa akin ngayon?

“Let's go ma'am, kanina pa po naghahanap ang magulang nyo.” salita nong driver, tumango ako at nanahimik.

Hindi ko maiwasamg tanungin ng sarili ko, bakit biglang umabot sa ganto?

Dati kahit hindi normal ang mundo ko dahil sa pambubully sa akin ng mga tao, mas pipiliin ko 'yun kaysa ngayon, ang gulo kasi.

“Ma'am 'wag po kaying mag-isip ng kung ano-ano, nandito lang po kami mag poprotekta sa iyo.” salita ng driver. Napangiti ako dahil don.

Gaano ba kayaman ang pamilya ko? Pwede bang ibalik nalang kami sa normal na buhay gaya dati?

“Hello Princess, how are you?” hindi ko man lang napansin na naglalakad na pala ako papasok sa mansion nila Mommy Em.

“Okay lang naman po.”

“Okay lang? Pero bakit mukha kang malungkot?” tanong nya at giniya ako paupo sa couch.

“Wala po ba kayong trabaho ngayon?” pag-iiba ko. Nakita ko ang pagkunot noo nya pero agad ding ngumiti.

“Nah, wala naman akong trabaho.” napatango nalang ako sa sinabi nya.

“Nasan po si Papa at sila kuya?” di ko mapagilang itanong.

“Si Papa mo sya yung may trabaho, ang mga kuya mo naman nakipagkita sa mga barkada nya, habang ako nandito kasi gusto kong salubungin ka pagdating mo.” nakangiting sabi nya at niyakap ako.

“Anak.” mahinang sabi nya. “Ramdam kong malungkot ka, bakit? Sabihin mo sa akin, baka matulungan kita.” mama ko talaga sya.

“A-ah wala po.” sabi ko at ako na ang lumayo sa kanya. “Siguro pagod lang po ako.” tumayo ako, “Punta lang po ako sa kwarto ko.” paalam ko at hindi na sya pinagsalita pa dahil tumakbo na ako pataas.

The Nerd And The Campus Heartthrob Bully Ssg President. Where stories live. Discover now