17

3.2K 99 2
                                    


Chapter 17

Ang saya sa farm! Nilibot kami ni Kuya Rico sa buong farm habang nakasakay sa kalabaw. Nagpunta kami dun sa part ng farm na puro puno ng mangga at nanguha pa kami ni Nicholas ng mga manggang nahuhulog mula sa puno. Pagkatapos ay dumiretso kami sa factory nila ng gatas at dun nanood kami ni Nicholas kung paano sila gumawa ng mga pastillas de leche. Nakakatawa pa dahil kumukuha si Nicholas ng mga pastillas kapag di nakatingin sina Brenda at Selina na siyang nagbabalot ng mga yun.

"Baby, you ate a lot already. Baka wala ka ng appetite niyan mamayang lunch." sabi ko sa kanya.

"But mommy it's delicious po kasi eh." aniya saka pa ngumuso. Tumawa naman sila Brenda at Selina.

"But you have one box at home diba? Oh. Stop eating na, baby. Baka sumakit yang teeth mo tapos mabubungal ka. Yuck! Di na gwapo si Nicholas!" asar ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya saka binitawan ang dalawang pastillas de leche na nasa kamay niya.

"No mommy! Nicholas is gwapo!" aniya at umiiling-iling pa. Tumawa ako saka pa siya pinanggigilan ulit.

"Kaya nga stop eating muna. And drink your water." sabi ko at inabot ang baon niyang water bottle.

"Sabi na makikita ko kayo dito eh." napalingon ako at nakita si papa na nakatayo sa likuran namin.

"Pa..."

"Grandpa, Nicholas is gwapo diba po?"

"Of course, little man! Mana ka kaya kay grandpa." aniya saka pa humalakhak.

"Sabi ko po kasi sa kanya kapag nabungal siya kakakain ng matamis di na siya gwapo. Hahahaha." sabi ko.

"Ganun ba?" ani papa. "Your mommy's right, apo. Tsaka we're going to have lunch soon. Your grandma cooked your favorite."

"Adobo?!" ani Nicholas. Tumango naman si papa at nagtatalon siya habang paulit-ulit na sinasabi ang ulam. "Mommy, let's go back na sa bahay! I'm hungry na po!" sabi niya.

"Hahaha. Osige. Ikaw talaga basta pagkain ha?" asar ko pa sa kanya. Tumawa lang naman siya saka na ko hinila. "Don't run, baby! Let's wait for grandpa first." sabi ko.

"Grandpa let's go! I'm hungry na!" halata sa boses niya ang excitement. Natatawa namang naglakad si papa palapit sa amin.

Hinayaan kong maunang maglakad si Nicholas. May nadampot kasi siyang mahabang stick at nilalaro-laro niya ito habang naglalakad kami pabalik sa bahay. Sinabayan ko naman si papa na maglakad.

"What did your parents say about him? I'm sorry if your whole family is being dragged into this." aniya.

"Nung una medyo di po sana sila suporta. Pero nadaan sila ni Nicholas sa lambing. Alam mo, pa? Kahit sino talagang makakita at makasalamuha ni Nicholas, napapaamo niya. Ang pinagtataka ko lang po eh bakit parang si Elmo na mismong daddy niya, ilap sa kanya."

Suminghap si papa saka siya umakbay sa akin.

"Elmo has issues that only he can answer. Ayokong pakielaman ang buhay niya. Sapat na sa akin na hindi niya ginugutom ang apo ko at nakahanap siya ng kagaya mo na kahit pa di ikaw ang tunay na mommy ni Nicholas eh nagagawa mong iparamdam sa apo ko na mahal mo siya."

"Hindi naman po mahirap mahalin si Nicholas eh." sagot ko. "Napakaswerte ni Elmo sa anak niya sa totoo lang po. Nicholas has everything he could ask for in a child. But it's as if he doesn't love him enough as a father. Hinahanap-hanap siya ng bata."

"I know that. Kaya nga mabuti na lang at kahit paano andito tayo para punan lahat ng pagkukulang ni Elmo diba? My son will wake up soon. Let's just give him the time he needs." aniya.

Pretend LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon