43

4.7K 148 11
                                    

Chapter 43

"Oh. Akala ko bukas pa ang balik niyo?" gulat na tanong ni mama.

"Julie had a bad dream po. Kaya nagpadala agad saken dito." sabi ni Elmo. "Kamusta po?"

"Ayos naman. Kanina lang medyo sumakit ang balakang ng papa niyo. Alam niyo na. Ganun talaga kapag may sakit na sa bato." sagot ni mama. "Anak, sana di na lang kayo sumugod dito. Mukhang wala pa kayong pahingang dalawa."

"Nag-alala lang naman ako kay papa, ma. Ang sama kasi talaga ng panaginip ko eh. Parang... Parang totoo kasi..." naiiyak na sabi ko. Agad naman akong niyakap patagilid ni Elmo at inalo.

"Shhhh... I told you your dad's fine. See? Tulog na siya oh. And wala ng bakas ng pain from his face."

"Tinurukan na kasi siya ng pampatulog at ng gamot na rin. Wag kang mag-alala anak, hindi tayo iiwan ng papa niyo. Ha?" ani mama saka pa ko pinalapit sa kanya at niyakap. "Hay ang prinsesa namin. Masyadong nag-iisip ng kung anu-ano."

"Mama..." hagulgol ko.

"Magiging maayos din ang lahat. Ha? Wag mo masyadong isipin yun. Hindi tayo iiwan ni papa." aniya. Tumango na lang ako saka hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"We'll stay here po muna. Ayoko rin masyadong mag-isip si Julie about what's happening here kung magsstay kami sa Bataan." sabi ni Elmo. Tumango naman si mama at narinig ko pa ang pasasalamat niya rito.

Nakaupo kami ni mama ngayon sa may labas ng kwarto. Si Elmo ang naiwan sa loob ng kwarto para bantayan si papa.

"Yang papa mo, ilang beses na siyang umiiwas sa pagpapa check-up. Kaya tignan mo. Andito siya ngayon." kwento ni mama. "Nahihiya na kami sayo anak. Ikaw na ang umaako sa lahat. Pati si Elmo nadadamay pa..."

"Ayos lang yun ma. Anak niyo ko. Gagawin ko lahat para sa inyo. Tsaka babayaran ko si Elmo kapag nakaluwag-luwag na tayo. Mabait naman siya eh." sabi ko.

"Hindi mo naman kami responsibilidad anak. Magulang kami, anak ka. Magulang ang nagbibigay suporta sa anak. Hindi ang kabaligtaran."

"Pero ma, iba ang sitwasyon natin. Matanda na rin kayo ni papa. Isa pa, bayad ko na rin to sa pagiging mabuting magulang niyo. Ano ba naman yung magbigay ako ng konting tulong diba? Ginagawa ko to kasi gusto ko. At ginagawa ko to ma, dahil mahal ko kayo. Kaya nga tinanggap ko yung trabaho kay Elmo diba? Kasi para sa inyo yung kikitain ko. Di bale ng wala akong mabili para sa sarili ko. Ang mahalaga, mabigay ko yung mga pangangailangan niyo." sabi ko. Umiiyak akong niyakap ni mama at hinalikan niya pa ko sa noo.

"Mahal na mahal ka namin ng papa, anak."

"Mahal ko rin kayo, ma." sagot ko.

Nagulat kami ni mama nang may biglang tumikhim mula sa likuran ko. Lumingon kami at nakita si Elmo na nakadungaw mula sa loob ng kwarto.

"Uhm... Gising na po siya. Hinahanap ka, Julie." aniya. Tumango kami ni mama saka na sumunod sa kanya papasok ng kwarto.

"Pa..." utas ko nang makita ang gising na si papa. Agad akong lumapit sa kanya at saka yumakap.

"Bakit andito kayo ulit? Akala ko ba bukas pa ang balik niyo ni Elmo?"

"Wala... Namiss kita agad." palusot ko. Ayoko na ikwento kay papa ang nangyari sa panaginip ko. Ang mahalaga naman ay maayos na ang kalagayan niya.

"Aysus. Eh hindi naman ako mawawala dito anak. Nakaswero si papa. Paano kaya ako makakaalis? Tsaka... Di pa tayo bayad sa hospital. Kaya di talaga ako makakatakas dito." natatawang sabi niya.

"Papa naman eh. Nakuha pang magbiro." sabi ko saka muling yumakap sa kanya.

"Ikaw naman. Pinapatawa lang naman kita." aniya.

Pretend LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon