62

4.3K 133 7
                                    

Chapter 62

"Gisingin niyo na ang ate niyo. Maya-maya lang andito na yung make-up artist niya pati si Julianne. Tsaka alas diyes ang dating ng mga magvvideo." narinig kong sambit ni mama.

Bumangon na ako saka umupo sa kama at sumulyap kay Maqui na nakadapang natutulog.

"Tuts..." utas ko sabay tapik sa hita niya.

"Hmm..." ingit niya saka pa nagpalit ng pwesto.

"Hoy, Tuts. Bangon na umaga na."

"Wala akong paki kung umaga na. Di ko kasal ngayon. Please lang, Tuts wag kang KJ." sabi niya.

"Gago ka. Gumising ka nga diyan!" sabi ko saka siya kinurot sa hita. Agad naman siyang napabangon habang naghihihiyaw sa sakit ng kurot ko.

"Kinginaaaaa! Gusto mo bang sapakin kita?!" iritang sabi niya. Natawa ako sa itsura niya dahil mukhang pugad ng manok ang buhok niya at nakakunot pa ang noo niya.

"Good morning, Tuts." masiglang bati ko.

"Walang good sa morning ko lintek ka. Pasalamat ka talaga kasi kasal mo eh. Kinginang to." singhal niya saken.

"Ay suuuus. Tampong tae ka nanaman. Nako, Tuts. Bawal bad vibes ngayon. Papanget ka baka di ka pakasalan ni Singkit."

"Hayaan mong pumanget ako. Wala namang mata yung bwiset na Intsik na yun." sabi niya saka nagdiretso sa bathroom. "Alam mo, Tuts yung inuupo at pagmamaganda mo diyan sa kama niyo eh naghilamos ka na baka sakaling natutuwa pa ko sayo. Kilos na!"

Umiling na lang ako saka na sumunod sa kanga. Nagsabay kaming magtoothbrush pati maghilamos. Buti naman at nawala pagtataray niya. Hilamos lang pala katapat. Pagkatapos nun ay lumabas na kaming dalawa sa kwarto at naabutan sila mama na nag-aalmusal na.

"Sabi sayo ma gising na sila eh. Wala kang bilib saken." ani Joseph sabay subo ng kanin at ulam.

"Oo na Joseph. Hala tumayo na kayo ni Jam diyan at kakain na ang mga ate niyo."

"May favoritism talaga dito eh..." pabulong na sabi ni Joseph saka pa kinalabit si Jam at lumipat sila sa counter para kumain. Ang mga kuya ko naman ay nakapwesto sa sala at nanonood ng basketball habang nag-aalmusal. Sina Mama Mel, Mama at Papa na lang ang naiwan sa hapag.

"Oh kumain na kayong dalawa. Parating na maya-maya yung make-up artist pati yung gumawa ng gown niyo." ani Mama Mel saka na kami nilagyan ng plato sa dalawang bakanteng pwesto.

Umupo na kami ni Maqui at nagsimula na ring kumain. Nagkkwentuhan ang mga kapatid ko tungkol sa laro nila kagabi at kung paano natalo nila Elmo sila kuya.

"Grabe talaga yang si bayaw! Halimaw pala sa court yan." ani Kuya Jesse.

"De tol. Aminin mo na kasi." sabi ni Kuya Jiro.

"Na ano?"

"Na gurang ka na kuya! Hahahahahahahahahahaha." sabay na halakhak nina Jam at Joseph.

"Mga gunggong!"

"Hahahaha. Okay lang yan tol. Naiintindihan naming nirarayuma ka. Effort na talaga gung pagsali mo kagabi." gatong ni Kuya Justin.

"Mga bwiset!"

Nagpatuloy sila sa pag-aasaran at natatawa na lang naman kaming nakikinig sa kanila. Maya-maya pa'y may narinig na kaming nagdoorbell kaya agad na binuksan ni Joseph ang main door at pinapasok ang mga bisita. Si Julianne yun kasama ang mga make-up artists at assistant niya pati na rin ang ilang pinsan ni Elmo na babae. Nakilala ko na sila noon nung bumisita kami sa bahay ng tita ni Elmo na galing America na si Tita Ganda. At naging kasundo ko agad ang mga pinsan niyang sina Boom, Elaine at Claudia.

Pretend LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon