45

5K 162 15
                                    

Chapter 45

"Darla, Tuts is smiling. Eat her na. Love love love!" narinig kong bulalas ni Maqui sa tabi ko. Tinignan ko siya ng masama saka pa kinurot sa hita. "Aray!"

"Anong pinagsasasabi mo diyan ha?!" tanong ko.

"Tangina ikaw pa galit ikaw na nga tong di nakikinig sa kwento." aniya.

"Ano ba kasi yung kwento mo?"

"Eh sino muna yang katext mo?" tanong miya at ngumisi pa ng nakakaloko sa akin. "Alam mo, Tuts minsan iniisip ko yang iwas effect mo sa tatay ng anak mo, inarte lang yan eh. Ano? Umamin ka!" biro niya.

"Ingay mo marinig ka ni papa." sabi ko saka pa sumilip sa natutulog na si papa.

"So true nga? Na inarte lang?"

"Gaga hindi. Seryoso ako dun no."

"Eh bakit kulang na lang mapunit yang mukha mo sa sobrang ngiti ha? Sino ba yan?" tanong nanaman niya saka pa hinablot ang phone ko. "Ay shit. Ang landi. Baby talaga? Edi tangina niyo. Hahahahahaha."

"Gago ka talaga. Amin na nga yan!" utas ko sabay kuha ng phone. "Siya lang naman tumatawag ng ganun saken. Bahala siya sa buhay niya."

"Pero kinikilig ka naman. Nako Tuts. Lokohin mo na magulang mo wag lang ako. Eh kabog ko pa si Mama Anneth sa sobrang pagkakakilala ko sayo eh. Minsan napapaisip na lang ako. Di kaya galing ka sa sinapupunan ko at konting kibo mo lang alam ko na agad yung mangyayari? Diba?"

"Hahahaha. Gaga! So 2 years old ka pa lang, pinanganak mo na ko ganun?"

"Medyo. Hahahaha. Pero seryoso na tayo. Ano na? Anong drama niyo kanina?" tanong niya saka pa sumandal sa sofa. Sumiksik naman ako lalo sa kanya saka pa sinandig ang ulo ko sa balikat niya.

"Sabi niya mahal niya daw ako, Tuts." simula ko.

"Ay kingina. Seryoso pala talaga yun?"

"Ewan. Sabi ko nga ang bilis naman masyado."

"Tuts, walang timeline sa pag-ibig. So what kung mabilis? Ang mahalaga eh kung seryoso ba talaga siya." aniya.

"Ts. Bestfriends kayo? Ganyan din sinabi niya saken eh."

"May chance. Hahaha." halakhak niya. "Ano pang sabi niya?"

"Na makikipagbreak na daw siya kay Ida para maayos na ang lahat."

"Uy good yun. Lalo na kung totoong di na niya mahal si Ida. Mas mabuti pang tapusin na kaysa naman paasahin niya yung isa na mahal niya pa yun diba?" tumango naman ako saka pa umangkla sa braso niya.

"Tuts?"

"Hm?"

"Tingin mo ba masyadong maaga kung sabihin kong unti-unti na kong bumibigay?"

"Ay alam mo, Tuts medyo late ka na nga eh." aniya. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya saka siya tinignan ng nagtataka. Umupo kami ng maayos saka niya ko tinitigan. "Kayo pa lang ni Adam, nahahalata ko na sayo na iba na yung nararamdaman mo kay Elmo. Nung sinabi mong nagseselos ka para sa anak mo, naisip ko, di kaya nagseselos din tong gagang to dahil may girlfriend si Elmo? Pero hindi ko muna inanalyze masyado kasi alam ko kung gaano mo kamahal si Adam nung mga panahong yun. Pero nung nagsisimula ka ng magkwento na natatakot ka pag pinapagalitan ka niya o kaya naman nung time na umiyak ka sa nangyari? Dun ko na naconfirm. Tuts, na-fall ka na sa kanya bago mo pa narealize."

Natahimik lang ako saka napasinghap. Minsan naiisip ko rin kung ano nga kayang powers meron tong pinsan ko at sobrang kilala niya ko. To the point na alam na niya bago ko pa malaman. Ganung level ng pagkakakilala na.

Pretend LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon