67

5.2K 147 8
                                    

Chapter 67

"Ang dami namang giveaways niyan." puna ni Maqui sa mga nakakalat na candies. "Di kaya malagas lahat ng ngipin ng mga bata sa dami nito, Tuts?"

"Hay nako sisihin mo yung asawa ko. Sabi ko nga sa kanya konting candies lang tapos yung maliliit na toys na lang eh ayaw. Nagpunta pa sa Duty Free si Elmo kagabi dahil kulang pa daw yung candies." sagot ko.

"Paano naging kulang eh nauumapaw na nga tong bucket oh!" aniya. "At bakit sa Duty Free? May grocery naman ah."

"Wag mo na tanungin. Nakakasakit lang sa ulo kapag inalam mo yung rason niya." sabi ko. Tumawa naman siya saka na lang kami nagpatuloy sa pag-aayos ng chocolates at candies sa mga Star Wars inspired buckets para sa birthday ni Nicholas bukas.

"Ate, pinapatanong pala ni Kuya Elmo kung may kulang pa daw aa giveaways?" tanong ni Joseph na hawak ang phone ko.

"Sabihin mo matatabunan na kami ng giveaways dito kung bibili pa siya. Tantanan niya kakagastos di siya nakakatuwa." sabi ko.

"Oh kuya, narinig mo si ate? Hahahaha... Opo... Ewan ko dito... Baka meron nanaman kaya nagtataray... Hahaha... Sige po... Ingat kayo, kuya!" sabi niya saka na tinapos ang tawag. "Ate pauwi na daw sila ni Nicholas. Nakabili na sila ng costume."

"Osige. Joseph, pakikuha naman ako ng tubig. Tsaka may meryenda diyan. Magmeryenda na kayo nila kuya." sabi ko. Tumango na lang siya saka na lumabas ng theater room.

"Joseph ako din!" habol ni Maqui.

"Ge teka!" sigaw naman ni Joseph.

"What's up bestfriend's wife and bestfriend's wife's cousin whom I call girlfriend?" bungad ni Jonas. Pawisan siya at magulo pa ang buhok dahil kagagaling lang niya makipaglaro ng basketball sa mga kapatid ko. "Do you need help with those? Halloween ba at ang daming candy naman ata niyan?" tanong niya pa sabay halik kay Maqui.

"Shit ka naman, Singkit! Pawis mo oh!" reklamo nito.

"Sus ngayon ka pa nagreklamo eh mahal na mahal mo nga tong pawisang sexy body ko. Inaamoy mo pa nga kili-kili ko eh." sagot naman ni Jonas sabay upo sa tabi ni Maqui.

"Eww. Imbento ka please." ani Maqui.

"Tuts okay lang kahit ilantad mo na. Tayong tatlo lang naman dito oh." sabi ko naman. Tinignan naman ako ng masama ni Maqui at si Jonas naman ay nakangiting tagumpay sa akin.

"Eh kung sinasapak ko kayong dalawa? Kapag talaga nagkasama kayo sa isang lugar di pwedeng di niyo ko pinagtutulungan eno?" tumawa naman kami ni Jonas saka pa siya inakbayan nito. "I said you're sweaty! Maligo ka nga dun! Amoy araw ka nanaman. Daig mo pa bata na nakawala sa crib eh."

"Hahaha. Hon, sanay ka sa amoy ko okay? And I don't smell bad. Coming from you na din yun no. Tsaka bawal maligo agad kapag pawisan pa. Right, partner? Mapapasma ako. Diba?"

"Partner walang pasma." sabi ko saka pa tumawa.

"Hah! Kala mo ha? Kakampi ko si Tuts banda dito. Hala sige ligo!" ani Maqui.

"Hon, wag ka na pakipot. I know you like my smell talaga." sabi naman ni Jonas at muling umakbay kay Maqui.

"Singkit namaaaan." angal ni Maq. "Ligo na dun dali na. Tamo natuyuan ka na ng pawis. Uubuhin ka niyan! Tila ka pa naman bulldog pag inuubo. Bilis na kasi."

Natatawa ko na lang silang pinapanood habang nagpapatuloy kami sa paglalagay ng candies sa buckets.

"Sige na nga. I'll be right back ha? Tutulong ako." aniya saka na nagmadaling lumabas ng theater room.

Pretend LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon