53

5K 161 7
                                    

Chapter 53

"Mommy wakey wakey!" narinig kong sabi ni Nicholas. Dumilat ako at nakita ko siyang nakasuot na ng rashguard niya at halatang ready na magswimming.

"Nicholas, I told you to let mommy sleep." sabi naman ni Elmo na nag-aayos ng gamit niya.

"But daddy, mommy said we're gonna swim today."

"Yes, I know. But mommy's tired from yesterday pa."

"No. Okay na ko." sabi ko saka na bumangon.

"See daddy? Mommy's okay naman na." sabi pa ni Nicholas. "Good morning, mommy!" bati niya at yumakap na sa akin.

"Good morning." bati ko saka niya ko hinalikan sa pisngi.

"Mommy, change clothes na." aniya saka na ko hinila papunta sa bathroom.

Madali na kong nagsuot ng rashguard pati na rin ang board shorts na dala ni Elmo para sa akin. Pagkatapos ay tinali ko na ang buhok ko saka na nagtoothbrush at lumabas ng bathroom.

"Hey there. Good morning, baby." bati ni Elmo saka na ko hinalikan.

"Morning. Asan si Nicholas?" tanong ko.

"I'm here mommy! Let's go!" sagot niya. Lumingon ako sa kanya at natawa dahil nakasuot na rin ang goggles sa ulo niya at bitbit pa niya ang kickboard niya.

"Excited?" tanong ko. Tumango naman siya saka na ako nilapitan at hinatak.

"Let's go! Let's go!" aniya. "Come on, daddy!" anyaya niya pa kay Elmo.

"Alright. Daddy's coming." sabi naman ni Elmo saka na sumunod sa amin palabas ng unit.

"Oh. Ang aga niyo naman atang magswimming." sabi ni papa nang makita namin siya papunta sa elevator.

"Nicholas is too excited, pa. San ka?" tanong ni Elmo.

"Golf, anak." sagot naman ni papa.

"Grandpa, aren't you gonna swim with us?" tanong ni Nicholas habang hinahawakan ang kamay ng lolo niya.

"Maybe next time, apo. Grandpa's friends are waiting for me eh. But we'll eat lunch later ha? Elmo, sa Harbor Point tayo magllunch mamaya."

"Okay." tango ni Elmo.

"Enjoy kayo, Julie ha?" ngiti ni papa sa akin. Tumango naman ako saka na nagbeso sa kanya nang magbukas ang elevator sa ground floor.

Naglakad na kami papunta sa pool area ng condo. Wala pang tao dun at mukhang bagong linis lang ng pool.

"Yeheeeey!!!" tili ni Nicholas saka na tumakbo.

"Baby, take a shower first." sabi ko habang nilalagay sa cabana ang mga towel na bitbit namin. Huminto naman siya sa pagtakbo saka pumihit at nagpunta sa bathroom.

"Susundan ko na." ani Elmo. "I'm coming, son!" bulalas niya. Narinig ko ang tili at hagikgik ni Nicholas na umalingawngaw sa loob ng bathroom. Natawa na lang ako saka na lang nagtungo sa female bathroom para magshower.

Paglabas ko ay naabutan ko na silang naglalaro sa pool. Karga ni Elmo si Nicholas at nagkakakawag naman si Nicholas dahil kinikiliti siya ni Elmo gamit ang baba niya.

"Hahahahahaha. Stop daddy!" hiyaw niya. Nang makita niya ako ay lalong nagliwanag ang mukha niya. "Mommy come here!!!"

"Yeah, mommy. Come here!" sabi naman ni Elmo. Lumusong na ako sa tubig at lumangoy palapit sa kanila. Agad naman akong niyakap ni Nicholas at pinagmasdan naming tatlo ang magandang tanawin.

"I'll teach you how to swim, anak." sabi ni Elmo kay Nicholas.

"Okay, daddy!" sang-ayon naman niya. Tinuruan siya ni Elmo ng basic strokes sa paglangoy at hindi naman nahirapang sumunod ni Nicholas. Sabagay. Napag-aralan naman namin na ang mga baby mas madali talagang matutong lumangoy yan. May iba nga na isang taon pa lang ang bata ay pinapalangoy na mag-isa sa pool. Kaya naman kasi nila bilang 9 months silang nasa sinapupunan ng isang ina. Napapangiti na lang ako kapag nagagawa ni Nicholas ang mga tinuturo ni Elmo. Makakatulong din kasi to sa pagbuti ng kalagayan niya. Nakakawala ng asthma ang paglangoy.

Pretend LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon