55

5.7K 166 16
                                    

Chapter 55

Maganda ang gising ko ngayon. Napasarap ata ako ng tulog kagabi. Paano kasi pinagod ako nila Elmo at Nicholas. Naghaharutan kasi sila kagabi at pati ako sinasali nila sa harutan nila.

"Good morning, world! Julie Anne tumanda ka nanaman ng isang taon. Thank you, Lord!" sabi ko saka na bumangon at nagdiretso sa bathroom. Kasalukuyan akong nagtutoothbrush nang marinig ko ang tunog ng phone ko. Tinignan ko kung sino yun at napangisi nang makita ang pangalan ni Maqui.

Tuts:

Good morning, Tuts! 😊

Me:

Good morning, Tuts! Musta?

Tuts:

Maganda pa rin naman. Biyahe na ko papasok sa trabaho eh. Anong gagawin mo today?

"Birthday ko, Tuts. Uso bati." sabi ko habang nagttype ng reply sa kanya.

Me:

Wala naman. Mommy duties. Tuts, wala ka bang naaalala?

Tuts:

Naaalala? Wala naman, Tuts. Nabalikan ko naman yung ID ko kanina sa bahay bago ako makarating sa sakayan ng jeep papuntang bus terminal. Hm. Meron bang dapat maalala?

"Wow ha. Pinsan ko ba to? Di man lang maalala na birthday ko ngayon?" Bulong ko sa sarili. Hindi ko na lang siya nireplyan saka na lang naghilamos. Nagulat ako nang magring ang phone ko at si Maqui ang tumatawag. "Ayun. Nakaalala din! Hello?"

"Kingina. Naalala ko na! May nakalimutan nga ako. Shit talaga, Tuts. Ulyanin nanaman ako." bungad niya. Tumawa lang naman ako saka nagpunas ng mukha at nilipat ang phone ko sa kabilang tenga.

"Okay lang yan, Tuts. Naiintindihan kita." sabi ko.

"Importante pa naman ngayong araw. Buti pinaalala mo talaga! May meeting pala kami dun sa isang investor. Eh team ko yung magppresent sa kanya ng concept ngayon! Nako, Tuts. Savior talaga kita eh. What will I do without you?" natigilan ako sa sinabi niya. Meeting? Naalala niya yung meeting pero birthday ko hindi?! Wow! "Sige na, Tuts. Tumawag lang talaga ako para purihin ka. Hahaha. I love you! Thank you sa pagpapaalala saken." aniya saka ko na narinig ang pagtapos ng call.

"Tsk. Langya naman oh." inis na sambit ko saka na lang lumabas ng kwarto.

Pagdating ko sa dining area ay naabutan ko sina Elmo at Nicholas na nag-aalmusal na. Nagtaka pa ko dahil nakasuot si Elmo ng formal na damit at parang nagmamadaling kumain.

"Finish your breakfast, Nicholas. Grandma will be here in half an hour. Maliligo ka pa." aniya saka na uminom ng kape. Tumayo na siya at parang nagulat pa na nakatayo na ako sa bukana ng dining area. "Oh. Hi, baby. Good morning." bati niya saka ako mabilis na hinalikan sa labi.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"I have an emergency meeting with our client. Dun sa bagong condo na project namin." sagot niya. "I'd love to stay with you, baby but I'm really running late na kasi. But I'll be home before dinner okay? I love you." paalam niya at muli na kong hinalikan at saka na umalis ng bahay.

Kunot-noo akong umupo sa tabi ni Nicholas at tinignan lang naman niya ako na may halong pagtataka sa mata.

"Are you okay, mommy?" tanong niya sabay inom sa baso ng gatas niya?

"Yeah. I was just wondering, baby. What's with meetings?" di ko mapigilang tanong.

"Why?"

"Well, your Tita Maqui has a meeting and your daddy too." sagot ko. "Wala man lang nakaalala..."

Pretend LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon