19

2.9K 102 1
                                    

Chapter 19

"Bakit?" sabi ko nang sagutin ko ang tawag.

"Where are you?" tanong ni Elmo.

"Uh... Nakikifiesta?" sagot ko.

"Hey bro! What's up!" sigaw ni Jonas saka pa tumawa.

"You left Nicholas at home again?! Julie Anne!"

"Kapal ng mukha mo! Kasama ko anak ko pati magulang mo okay? Wag ka ngang maghysterical agad. Daig mo pa babaeng naglelabor. Tsaka tawag ka nang tawag alam ba ng jowa mo yan ha?!"

"Wha-- Of course she does! Umuwi na kayo!"

"Ayoko! Wag mo kaming igaya sayo na walang childhod at sense of fun sa katawan! Goodbye!" sigaw ko sa phone ko saka na pinutol ang tawag.

"Wow. That was harsh." ani Jonas.

Tumingin naman ako kanila mama at papa na nagpipigil lang naman ng tawa.

"But that was harshly good! Fist bump!!" ani Jonas at nagfist bump nga kami. "Tita, pwede bang maiwan kami ni Julie dito? Sayang yung crowd oh. They're kind of enjoying the festival."

"Sure okay lang. But be home before Elmo calls again. Tutal mukhang antok na si Nicholas, kami na mag-uuwi sa kanya." ani mama.

"But grandma I want to join mommy and ninong pa." sabi naman ni Nicholas. Lumuhod ako para magkatapat ang mukha namin at yumakap naman siya sa akin.

"Baby, mommy will be home before you know it. Okay? I'm just gonna let your ninong experience this kind of stuff. Ha? You looked tired na din eh."

"But mommy..." mangiyak-ngiyak na sambit niya. Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap.

"Sige na. Saglit lang naman si mommy and ninong okay? We'll be home in a couple of hours." sabi ko.

"O-okay." aniya. "Bye mommy. I love you." sambit niya pa saka na yumakap sa akin.

"Oh pano? Maiwan na kayo? How will you get home?" tanong ni papa.

"Magcocommute na lang kami, pa. I'll let Jonas experience everything the province style." kindat ko. Tumawa siya saka na tumango at ginulo ang buhok ko.

"Pasakayin mo sa kalabaw. Hahaha." hagalpak niya. Tumawa naman kaming lahat dahil dun. "Sige na. You kids enjoy okay?"

Pagkaalis nila ay agad akong hinatak ni Jonas papunta sa mga food stalls. Grabe naman to. Akala mo di kami galing sa kainan kanina sa farm. Eh ang dami kayang handa dun!

"Hoy, Jonas. Maghunos-dili ka. Madami pang stalls." sabi ko sa kanya. Paano kasi puno yung bibig niya ng mga kakanin. "Siba ah." asar ko.

"Sorry. Kanina ko pa kasi sila nakikita and I got so tempted. Ang sarap!" aniya.

"Grabe! Di kaya isa sa reasons yan why girls dump you?" pagtataka ko. Sumimangot siya kaya napahagalpak ako sa tawa. "Hahahahaha. Joke lang!" sabi ko.

Kinurot niya ko sa pisngi saka na inakbayan at naglakad-lakad kami habang tumitingin sa ibang pagkain.

"Your cousin..." simula niya.

"Type mo?" nakangising tanong ko. Napakamot siya sa ulo saka napangiti. "Hahaha. Single yun. Pero di yun interesado masyado sa lalaki." sabi ko.

"Bakit?" pagtataka naman niya. "She's a tomboy?"

"Gago! Judgemental mo ha." sabi ko. "Hindi tibo yun. Sanay na kasi si Maq sa lalaki. Kasi sa family namin, dalawa lang kaming magpinsan na babae. Only child pa siya. Tapos lahat ng kapatid ko mga barako diba? Kaya yun. Tas sa banda dalawa lang din kaming babae. Kaya medyo may pagka one of the boys na siya."

Pretend LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon