31

4.5K 163 26
                                    

Chapter 31

Tulala. Tulala naman ako. Palagi na lang akong tulala. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil magdamag akong nakatulala. Iniisip ko pa rin kasi kung totoo ba yung mga nangyari o parte lang ng panaginip ko yun? Pero parang totoo...

"Julie are you okay?" nagulat ako nang magsalita si mama.

"Ah... O-opo, ma. Ayos lang." sabi ko.

"Sure ka ija?" alalang tanong niya. Tumango naman ako saka siya nginitian.

"Asan po pala si papa? Akala ko po kasabay natin siyang magbbreakfast?" tanong ko.

"Ah. Pinuntahan siya ng golf buddies niya sa unit kanina and they're gonna have breakfast sa golf course."

"Ah. Nakidnap po pala siya ng friends niya." pabirong sabi ko. Tumawa si mama saka tumango.

"Well, minsan lang kasi sila magkita ng mga kumpare niya dito. Usually tuwing may competition lang. Very seldom yung ganito na for leisure purposes lang." ngumiti ako saka siya tinanguan. "Oo nga pala, inasthma ka kahapon?"

"Ah. Eh... Opo eh." kamot-ulong sabi ko. "Pagod po siguro kasi kulang din ako sa tulog nung nakaraang gabi."

"Hindi ka dapat nagpapagod lalo na may hika ka pa. You should have plenty of rest. May mga gamot ka ba?"

"Wala po eh. Pero kahapon binigyan kami sa first-aid tent ng Petron. Tsaka matagal na po akong di inaasthma. Kahapon lang uli." sagot ko.

"Hay nako. Hindi porket you seldom have attacks eh hindi ka na magdadala ng gamot. You should always be prepared. Nurse ka pa naman. Dapat inaalagaan mo sarili mo." ngumiti na lang ako sa kanya at hinagod naman niya ang likod ko. "I'm just worried. Ang bata mo pa kaya dapat healthy ka. Basta avoid stressing yourself okay?"

"Opo, ma. Thank you po." sabi ko.

"Anyway. Kamusta na ang family mo?" tanong niya.

"Okay naman po. Ayun. Yung sumunod sa akin nagsummer classes kasi po may hinahabol na subjects niya. Yung bunso naman pasaway pa din. Sila kuya naman po ayun, okay naman po. Tsaka sila mama at papa okay din naman po. Miss na nga po nila si Nicholas."

"Atleast okay sa kanila yung set-up niyo?"

"Napilit ko naman po eh. Tsaka nung nilambing na sila ni Nicholas lumambot na rin puso nila. Hahaha."

"That's nice." ngiti niya.

Nagkwentuhan pa kami ni mama hanggang sa marinig namin ang pagtunog ng doorbell.

"Baka si Ida yan." ani mama.

"Onga po. Ako na po." volunteer ko saka na lumapit sa pinto at binuksan yun.

"Good morning, bestfriend!!" masiglang bati ni Jonas. Nagulat ako sa itsura niya dahil putok ang labi niya at may sugat siya sa ilalim ng mata niya.

"Good morning? Tapos bubungaran mo ko ng basag na mukha? Saan banda ang good dun aber?" tanong ko saka siya piningot papasok ng unit.

"Ouch!" hiyaw niya. Pinaupo ko siya sa may hapag at saka kumuha ng yelo sa ref. "God. Everyone's brutal these days." aniya pa habang hinihimas ang ngayo'y namumulang tenga.

"What happened?!" gulat at alalang tanong ni mama sa kanya.

"Haha. Eh katangahan ko to tita." natatawang sambit ni Jonas. Nilapitan ko siya saka dinampian ng yelo ang namamagang labi niya. "Galit ka bestfriend?"

"Ano sa tingin mo ha?" tanong ko. Ngumiti lang naman siya saka nagtaas-baba ng kilay.

"I was right diba?" aniya. "Told you selos siya."

Pretend LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon