50

4.6K 145 29
                                    

Chapter 50

"Sasabihin mo ba o huhulaan ko na lang?" tanong ni Maqui sa akin kinagabihan.

Kaninang umaga pa ko nandito. Naka-off ang phone ko at sinabi ko kay Jonas na wag sabihin kay Elmo ang totoo na nagpahatid ako sa kanya dito kanila Maqui. Ayoko munang magpakita. Natatakot ako. Nahihiya ako. Nasasaktan ako.

Andito kami sa bubong ng bahay nila ngayon at nagpapahangin. Madalas ay dito talaga kami nakatambay kapag may mga problema kaming gustong sabihin sa isa't isa. Simula pa lang nung bata kami ganito na kami.

"Bakit ganun? Wala naman akong ginawa kundi ang iwasan siya pero ito pa ang mangyayari sa akin." kwento ko. "Hindi ko naman siya nilandi. Hindi ko siya inakit. Iniwasan ko siya."

"Tuts..."

"Ang daya lang. Masaya na ko eh. Sumasaya na uli ako." sabi ko. "Pero kingina naman! Ganun ba talaga, Tuts? Kapag masaya ka bigla kang babawian ng mas masakit na pangyayari? Tuts, ipaliwanag mo nga saken! Kasi naguguluhan ako eh." humagulgol na ko sa iyak at naramdaman ko na lang ang pagyakap ni Maqui sa akin.

"Anong sabi ko sayo? Pain and love always go together. Nagmahal ka eh. Natural masasaktan ka. Diba, Tuts?" aniya. "Tahan na. Tignan mo di ka nanaman nakakahinga. Tsk."

"S-sorry..."

"Wag kang magsorry. Wala kang kasalanan. Hindi kasalanan ang magmahal, Tuts." sabi niya. "Hay. Hindi na nga kita baby. Nahheartbroken ka na eh."

"Tuts..." umiyak lang ako at mahigpit na yumakap sa kanya. Naramdaman ko namang hinigpitan niya rin ang pagyakap sa akin saka pa ko inugoy na parang bata.

"Soft kitty... Warm kitty... Little ball of fur... Happy kitty... Sad kitty... Purr purr purr..." mahinang kanta niya habang inaalo ako. Mga tatlong beses niya pang kinanta yun hanggang sa kumalma na talaga ako at tumahan na. "Minsan na nga lang kita nakikita ganyan ka pa. Iiyakan mo pa ko." aniya pa.

"Sorry..."

"Kulit. Di nga dapat mag-sorry eh." aniya.

"Tuts, mahal ko na ata siya."

"Alam ko... Pero bakit may ata? Hindi ka ba sigurado?" tanong niya.

"Gusto ko pang makapag-isip. Gusto kong makasiguro. Natatakot pa rin ako pero alam ko sa sarili ko na oo, posibleng mahal ko na nga. Mabilis pero sabi niyo nga wala namang timeline sa pag-ibig."

"Wala naman talaga. Basta handa ang puso mo, magagawa mong mahalin agad ang isang tao." aniya.

Tahimik na uli kami ni Maqui habang nakatingin kami sa mga bituin. Kahit paano hindi ko na masyadong ramdam yung mga sugat na natamo ko kanina. Pero yung mga sinabi ni Ida? Ramdam na ramdam ko pa rin. Mas masakit yun kaysa dito sa mga kalmot niya.

"Tuts..." untag ni Maqui.

"Hm?"

"Paano kung may dumaang shooting star? Anong wish mo?" tanong niya.

Umupo ako ng maayos saka muling tumingala. Pinagmasdan ko ng maigi ang mga kumikinang na bituin saka ako lumingon kay Maqui na nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot.

"Sana mawala na lahat ng sakit at mapalitan ng masasayang bagay..." sagot ko at muling naramdaman ang paglandas ng luha sa mga mata ko. Malungkot na napangiti si Maqui saka niya ako muling niyakap.

"Makakasurvive ka diyan. Pag-ibig lang yan. Malayo sa bituka. Diba strong ka? Ang promise natin sa isa't isa dati, hindi tayo iiyak sa lalaki. Sila ang iiyak para sa atin. Diba?"

"Pero dalawang lalaki na ang iniiyakan ko."

"Oo. Alam ko yun. Pero alam kong malalagpasan mo yan. Ikaw pa ba? Si Julie Anne ka eh. Lumaki kang napapalibutan ng mga maskulado mong mga kuya at pasaway na sina Joseph at Jam. Kaya alam na alam kong kaya mo yan." sabi niya.

Pretend LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon