46

4.9K 161 16
                                    

Chapter 46

"Mommy!! Mommy!!" nagulat ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Nicholas sa hallway ng hospital. Sumilip kami ni Maqui at tama nga. Andun nga siya at tumatakbo papunta sa amin. Kasunod niya sina Elmo at Jonas na naglalakad habang nag-uusap.

"What the..."

"Mommy!!!" tili ni Nicholas saka siya yumakap sa akin.

"What are you doing here? Diba sabi ko bawal ang babies dito kasi you might get sick?" tanong ko habang niyayakap siya pabalik.

"Well, it's kind of a funny story, bestfriend." nakangising sabi ni Jonas. Tinignan namin siya ng masama ni Maqui kaya agad na nawala yung ngiti niya. "Dude, sabi sayo ikaw na magkwento eh." sabi niya kay Elmo.

"Well, hindi naman talaga dapat siya kasama." ani Elmo. "Kaya lang pagsakay namin sa kotse ni Jonas, he was hiding under the backseat of his car. Nagpakita lang siya nung nakalayo na kami sa Anvaya."

Tinignan ko si Nicholas na nakangiti lang naman sa akin habang iminumwestra ang kamay niya para kargahin ko. Binuhat ko naman siya saka pinupog ng halik.

"Mana ka talaga kay daddy. Ang kulit-kulit niyong dalawa." sabi ko sa kanya. Humagikgik lang naman siya saka na tinuro ang pintuan ng kwarto ni papa.

"Mommy is lolo there?" tanong niya sabay turo sa nakasarang pinto.

"Wala si lolo, baby. He's in the laboratory for some tests." ani Maqui.

"What tests, tita? Is it like the tests in school?" pagtataka niya. Natawa kaming apat at di pa napigilan ni Maqui na kurutin siya sa pisngi.

"No, baby. It's different from your school exams." aniya.

"Thought it's the same. Baka di nakapagreview si tito." narinig kong bulong ni Jonas. Agad kaming napalingon ni Maqui sa kanya at umarte naman siyang walang alam.

"May sinasabi ka, Singkit?"

"Huh? Nothing, hon. Wala po."

"Hon?" pagtataka ko sabay tingin naman agad kay Maqui.

"Feeler yan. Parang si Elmo." irap niya saka na pumasok sa kwarto ni papa. "Tara na sa loob."

"Wow! Lolo's room is big!" ani Nicholas. Nagkakawag siya para makababa at hinayaan ko naman siya.

"Nicholas, don't touch anything okay?" paalala ni Elmo.

"Okay, daddy." aniya. "Wooooow!" manghang sambit niya habang lumalapit sa hospital bed ni papa.

"Akala ata time machine." bulong ni Jonas nang makaakyat si Nicholas sa kama at sinimulang pindutin ang remote na nag-aayos ng position ng mattress. "Hey, little guy! Can ninong ride with you?"

"Yes ninong!" tango naman ni Nicholas.

"Kingina. Mas malupit pa utak kaysa dun sa bata." reklamo naman ni Maqui saka pa iritang nagkamot ng ulo. "Hoy, Singkit!"

"Yes, hon?"

"Nyets. Umalis ka diyan at samahan mo ko. Bibili ako ng pagkain namin ni Julie." sabi niya. Agad namang bumaba si Jonas mula sa kama at nilapitan agad si Maqui at inakbayan.

"San ba tayo bibili? Ang sungit mo nanaman saken samantalang kakasabi mo lang ng I miss you sa text." napatawa kami ni Elmo dahil dun. Nanlaki rin kasi ang mata ni Maqui pagkasabi ni Jonas nun.

"Wow. May sinabi akong ganun?"

"Gusto mo ipabasa ko pa?" ani Jonas.

"Halika na. Nagugutom na ko." pagtataray ni Maqui saka na siya lumabas ng kwarto.

Pretend LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon