59

4.5K 114 11
                                    

Chapter 59

Me:

Tuts!

Tuts:

Sino to?

Me:

Kingina mo Julie to.

Tuts:

Ay gago ka. Bagong number? Anyare sa dati?

Me:

Eh yung magaling kong jowa eh.

Tuts:

Yayamanin problems. Anong kailangan mo? Wala akong pera!

Me:

Di ako uutang gaga! Namiss ka lang bawal?!

Tuts:

Hindi naman. Onga pala Tuts! Gig bukas sa 12 Monkeys. Pwede ka? O nasa Anvaya pa kayo?

Me:

Tanong ko muna si Elmo kung pwede kaming umuwi bukas. Medyo may tampo pa saken eh.

Tuts:

Tangna mo naman, Tuts. Kakabili lang sayo ng phone inaway mo agad? Iba ka talaga. Bakit ganyan ka ha?!

Me:

Kwento ko na lang bukas. Hahaha. Di ko inaway gago.

Tuts:

Hala sige na. Lambingin mo yan! Gaga ka talaga. Galingan mo lambing ha? Para payagan ka bukas. Send ko sayo setlist mamaya.

Me:

Sige, Tuts. Wish me luck! Hahahaha

Binulsa ko na uli ang phone ko saka na tinapos ang pagluluto. Nasa labas pa rin si Elmo at mahimbing pa rin ang tulog ni Nicholas. Mukhang mahihirapan nanaman akong patulugin tong anak ko pag nagkataon.

Naglakad ako palapit sa sliding door palabas ng balcony at naabutan ko si Elmo na nakasandal at nakapikit.

"Baby..." untag ko pero di siya sumagot. Nilapitan ko siya saka hinaplos ang mukha dahilan para mapadilat siya. "Galit ka pa rin ba?" tanong ko.

"No. Why would you think that?" tanong niya naman pabalik.

"Eh kasi kanina eh..." sabi ko. Napangiti siya saka nilahad sa akin ang kamay niya. Kinuha ko naman yun at hinalikan niya yun saka ako muling pinaupo sa kandungan niya.

"Hindi ako galit. Hindi ko na kayang magalit sayo. I just went out kasi po, baby, iniiwasan ko na lang yung nangyari kanina. I was even thinking na baka ikaw ang magalit because of what I almost did and what I said."

"Hindi naman ako magagalit. Naiintindihan ko naman why you said that. We've been together for how many months already pero di ko pa mabigay yung gusto mo."

"I know. But it's still wrong for me to ask you to do it when I know you're not yet ready. Sorry." sabi niya saka hinalikan ang balikat ko.

"Hayaan na natin yun. Basta bati na tayo ha? I love you, baby." sabi ko. Ngumiti siya saka tumango sa akin.

"I love you more." aniya.

"Halika na. The food's cooked. Kain ka na." tumango siya uli saka na kami pumasok sa condo.

"Wow. Bango naman." sabi niya saka pa lumapit sa mesa at inamoy ang nakahaing spaghetti. "Sarap talaga magluto ng asawa ko."

"Bola." natatawang sabi ko. "Check ko lang kung gising na si Nicholas. He needs to eat."

"Yeah. Ako na mag-aayos ng table." tango niya. Pumasok na ko sa kwarto ni Nicholas at tinignan kung gising na ba siya. Saktong pagsilip ko ay nakangiti na siya sa akin at nagkukuskos na ng mata.

Pretend LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon