10

3.2K 104 4
                                    

Chapter 10

Tuts:

Hoy ano na? Pupunta ka ba?

Tuts! Ano na?

Tangina ang laki ng sweldo mo wala ka pa ring load? Magreply ka gaga!

Ano? Papasahan pa ba kita? Lintek ka.

2916:

You have just received P10 from 09275674321. This load will expire after 3 day/s. Trans ID: 102847109 03/21/2015 9:18PM

Tuts:

Tanggap mo? Langya magreply ka Julie Anne! Susumbong kita kay Mama Anneth!

Sa huling text niyang yun ay nanlaki ang mata ko. Agad ko siyang tinawagan at sinagot naman niya wala pa man ang ikalawang ring.

"Shit ka may pantawag ka pala tapos hinayaan mo kong pasahan ka ng sampu?! Balik mo yun!" aniya.

"Oo ibabalik ko. Teka lang, Tuts. Wag mo naman akong ilaglag kanila mama." pakiusap ko.

"Asan ka na ba kasi? May gig tayo, iha." aniya. "Andito na kami sa Metrowalk. Ano ka na?"

"Eh kasi... Ano eh..." utal na sabi ko.

"Ano? Gising pa ba yang alaga mo at di ka makaalis?"

"Tulog na." sagot ko.

"Eh tulog na pala eh. Tara na dito!" halata sa boses niya ang pagkairita. "Julie Anne bilis na!"

"Eh, Tuts wala pa si Elmo. Hindi pa ko nakakapagpaalam." sabi ko.

"Puta..." rinig kong bulong niya. "Di ka nagsabi kanina?"

"Actually nagpaalam na ko nung isang araw pa. Pero... Di niya naman ako sinasagot kung oo o hindi eh."

"Tumakas ka na! Andyan naman yung yaya nung bata diba? Oh. Sabihin mo may importante kang pupuntahan." aniya. "Tuts, malaki kikitain natin dito dahil may tipping daw dito sa bar na to."

"S-sige. Ano... Magsasabi na lang ako sa yaya ni Nicholas. Magtetext ako kapag papunta na ko." sabi ko.

"Sige na." aniya saka na tinapos ang call.

Tumayo na ko mula sa couch saka na umakyat sa guestroom para magpalit ng damit. Nagsuot ako ng ripped black jeans, black tube at sleeveless shirt na may design na skeleton hand na naka rock sign. Tapos ay sinuot ko ang boots ko saka na naglagay ng eyeliner at lipstick. Pagkatapos ay bumaba na ako at saktong naabutan ko ang yaya ni Nicholas sa sala.

"Aalis po kayo ma'am?" tanong niya sa akin.

"Ah opo ate. Ano, uuwi din ako agad. Yung pinsan ko kasi tinawagan ako. Kailangan daw ako." sabi ko.

"Ganun po ba?" aniya. "Sige po ma'am. Ibigay ko na lang sayo yung susi para po kapag umuwi kayo."

"Salamat po." sabi ko.

Pagkaabot niya sa akin ng susi ay agad na kong umalis ng bahay. Mabuti at may taxi sa labas kaya sumakay na ko agad dun.

"Kuya sa Metrowalk po. Ortigas."

Me:

Tuts, nakataxi na ko. Salubungin mo na lang wala akong pamasahe. PXY 433

Tuts:

Nyeta ka! Kapal ng mukha mo magtaxi tapos ako magbabayad? Wow ka, Tuts ha. I love you!

Me:

I love you too! Wag ka na mag-inarte. Wala pa kong sahod eh. Dukha problems okay?

Pretend LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon