44

5.2K 163 15
                                    

Chapter 44

"So anong sabi niya?" tanong sa akin ni Maqui. Kaming dalawa ang magkasama ngayon sa canteen. Pinaiwan ni papa si Elmo sa kwarto dahil may mga pag-uusapan pa raw sila. Kanina dumating si Maqui. Nalaman niya kasing sumugod uli kami ni Elmo dito kagabi kaya ayan. Nagpunta. Day-off daw kasi niya.

"Liligawan niya daw ako. Yun ang narinig kong sinabi niya kay papa." sagot ko bago kinuha sa tray ang pagkain.

"Eh anong sabi naman ni Papa Joey?"

"Ayun. Ayos naman daw pero sana tapusin muna ni Elmo yung kanila ni Ida."

"May point naman." sang-ayon niya. "Eh ikaw? Anong say mo dun?"

"Di pa ko ready, Tuts." sagot ko.

"Bakit?" pagtataka niya.

"Obviously, Tuts. Kakabreak lang namin ni Adam."

"Gaga! Last month pa yun! May bago na siya. Dapat ikaw maghanap na din!" aniya.

"Hindi ako kagaya niya na may pamalit agad sa akin. Okay fine. I like how Elmo treats me. But I'm not yet ready to be in that kind of relationship again. Gets mo ba? Takot pa ko."

"Takot? Bakit?"

Huminga ako ng malalim saka siya malamang tinitigan.

"Kasi natatakot akong masaktan uli."

"Okay..." mahabang sabi niya saka sumubo ng pagkain. Maya-maya pa ay nag-angat uli siya ng tingin sa akin. "Bakit?"

"Tuts, di mo ba gets? Sinasabi ni Elmo na gusto niya ko, liligawan niya ko, mahal niya ko pero may Ida pa. Ano yun?"

"Ah." aniya at muling tumango. "So nagseselos ka?"

"Gago hindi!" sabi ko naman. "Ang point ko dito, diba dapat kapag sinabi sayo ng isang tao yun, dapat yung alam mong walang ibang involved? Diba? Parang kayo ni Jonas. Tignan mo. Sinabi niyang may gusto siya sayo. Seryoso siya at wala siyang iba. Eh si Elmo? Ang dami niyang sinasabi saken pero alam ng lahat na may current girlfriend siya."

"So ang bagsak natin dito yung iniisip mo na kabit ka nanaman?"

"Parang..."

"Tuts, magiging kabit ka lang kung kasal na sila at may feelings na involved. Eh di pa naman sila kasal diba? At ikaw na rin naman ang nagsabi na hindi na mahal ni Elmo si Ida. So technically, okay naman talaga. Ang problema na lang kung paano siya makakawala sa relasyon nila."

"Kung paano siya makakawala eh wala naman siyang ginagawa." irap ko. Narinig ko ang impit na tawa ni Maqui kaya agad akong napalingon uli sa kanya. "Anong tinatawa-tawa mo diyan? Ha?"

"Wala." aniya pero halata ang pagpigil niya sa tawa niya.

"Hoy!" untag ko. Nagtaas siya ng kilay sa akin at saka ngumisi. "Bakit?"

"Tuts..." utas niya sabay lapit pa.

"Ano?"

"Umamin ka na kasi..." aniya. "Nagseselos ka no?"

"Tangina mo naman!" sabi ko saka pa siya tinulak palayo. Humagalpak lang siya sa pagtawa at nahihiya na ako dahil napapalingon sa amin ang ibang kumakain sa cafeteria. "Hoy! Umayos ka nga!"

"Kingina makamura ka naman saken! Sweet mo ha! Hahahaha."

"Oh edi tangina nila. Kahiya sayo eh." irap ko. Agad niya naman akong sinabunutan saka pa ko hinampas sa braso. "Aray!"

"Yang mata mo umiikot nanaman ha? Upakan kita eh." banta niya saka pa dinuro sa akin ang tinidor niya. "Seryoso kasi ako, Tuts. Mukhang nagseselos ka eh. May demand sa boses mo eh. Alam mo yun? Yung pinipilit mong itago pero lumalabas pa rin? Eh tanga ka saken ka pa talaga gumanyan. Ano namang akala mo saken? Pinanganak kahapon?"

Pretend LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon