37

4.2K 143 11
                                    

Chapter 37

Malakas ang palakpak ng mga taong nasa bar. Yung grupo ng teenagers na nagrequest nung kanta ay sobrang tuwang-tuwa. Yung isang babae pa ngang kasama nila ay naiyak at nang bumaba ako ng stage ay lumapit siya sa akin at nagpasalamat.

"Thanks for singing that song. It was one of my favorite songs." aniya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"You're welcome." sabi ko. Nagulat pa ko nang yakapin niya ako.

Matapos magpasalamat ng grupo nila ay nagbalik na uli ako sa table namin. Malaki ang ngisi ni Jonas at yumakap naman agad sa akin si Nicholas.

"Mommy, you did great nanaman!" bulalas ni Nicholas.

"Wow. Akala ko ba nahihiya ka?" asar naman ni Jonas sa akin. Inirapan ko lang siya at uminom ng tubig.

"Uwi na tayo." anyaya ko.

"Aww. Dude ang KJ!" angal niya. "Magsstart pa lang yung party. Let's stay!"

"Jonas may anak ako oh. Ano? Di ko iuuwi to?"

"We can take him home." suggest ni mama.

"Ah eh... W-wag na ma. Nakakahiya po kapag pinasama ko nanaman si Nicholas. Tsaka ma, baka magalit si Elmo." sabi ko pa sabay tingin sa kay Elmo na nakatayo pa rin at nakatitig sa akin. Nakakatakot naman to. Para naman akong papatayin any moment.

"No it's okay. Kami na mag-uuwi sa kanya. You kids enjoy! Anyway wala naman si Elmo sa unit niyo. Unahan niyo na lang ng uwi." ani papa.

"Pero..."

"Dude, please! Party tayo." pamimilit naman ni Jonas.

"Edi ikaw." irap ko.

"Dude!"

"Come on Julie. Di ka titigilan niyang si Jonas hangga't di ka pumapayag. Trust me." kindat ni papa.

"Uhm... Hatid ko na lang po kayo sa labas." sabi ko. Pumayag naman sila at kinarga ko na si Nicholas saka na kami lumabas. Naglakad na kami hanggang sa makarating sa parking lot at saka na sila hinatid ni Jonas pabalik sa condo. Naiwan naman ako mag-isa sa may lobby dahil nagpapahintay na sa akin si Jonas.

"Why are you still here?" nagulat ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Elmo. Pagtingin ko ay nakatayo siya at nakasandal sa isang poste ng lobby. "Umuwi na sila ah. Bakit naiwan ka?"

"Ah. Ano kasi eh. Si Jonas... Ano... Babalik pa kasi siya tapos babalik kami sa Pawikan." sabi ko.

"What about Nicholas?"

"Sasamahan daw muna siya nila mama sa unit mo habang wala ako. Sabi kasi ni papa pagbigyan ko na si Jonas dahil di naman niya ko titigilan hangga't di ako pumapayag." sagot ko. "Uhm... Ikaw? Asan si Ida?"

"Ts. She's having fun with her friends. I feel out of place when I'm with them."

"Bakit? Di mo ba sila kasundo?"

"No. Kaibigan niya yung mga yun since highschool. And they never really liked me for her." kunot-noong sabi niya. "Pwedeng tumabi?" tanong niya saka tinuro ang space sa tabi ko. Tumango naman ako at umupo na siya.

"Ayaw nila sayo? Bakit naman?"

"Because I'm a single parent." aniya. Tsaka ko naman naalala ang mga sinabi ni Ida kaninang hapon. Sasabihin ko ba kay Elmo? Pero paano kung magalit siya sa akin? Ngayon pa lang kami nagkakasundo tapos gagalitin ko nanaman siya? At ayoko rin namang isipin niya na ginagawan ko ng issue si Ida.

"Ganun? Ang daya naman nila..."

"Yeah." tango niya at naramdaman ko pa ang kamay niya sa balikat ko. "Okay na ba yung pasa mo? Hindi na ba masakit?"

Pretend LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon