22

3.3K 117 11
                                    

Chapter 22

Tantadong Jonas yun. Ilang araw akong di pinatulog dahil dun sa sinabi niya nung nakisabit siya sa amin sa mall ni Nicholas. Kapal ng apog magsabing bestfriends kami!

"So tingin mo meron?" tanong ni Maqui dahilan para mabalik ako sa ulirat.

"Uhm... Ewan ko." kibit-balikat ko.

"Nicholas, you have chocolate all over your face." aniya saka pa pinunasan ang pisngi ni Nicholas.

"Haha. Sorry, Tita Maqui." ani Nicholas at nagpatuloy sa pagkain ng banana split ice cream niya.

"Eh wala ka bang nararamdamang kakaiba sa kanya, Tuts?" tanong nanaman ni Maqui sa akin.

"Ewan... Ang gulo eh. Alam mo yun, Tuts? Gusto kong alamin kung meron pero wala akong lakas ng loob." sabi ko. "Baby, don't stuff your face with ice cream." saway ko kay Nicholas.

"Sorry mommy." ngisi niya.

"Pwede naman na di mo siya tanungin eh. Hulihin mo lang. I mean, alam mo naman na mga karakas sa buhay niyang boyfriend mo. Hindi naman dahil ayoko sa kanya from the start pa lang pero gets? Tuts, kung may kutob ka na, siguro dapat tigilan mo na hangga't maaga pa diba? Hangga't di pa gaanong kasakit?"

"Tuts, masakit to dahil mahal ko siya simula noon. Meron man o wala, masakit para sa akin tong pinagdadaanan ng relasyon namin."

"Kasi alam mo tuts, kung mahal ka talaga niya at tapat siya sayo, gagawa siya ng paraan para makita ka kahit anong mangyari. Pipilitin niyang magkita kayo kahit walang gig, walang okasyon o kahit ano. Dahil mahal ka niya." aniya. "At isa pa, kung mahal ka niya dapat may tiwala siya sayo. So what kung kasama mo yung bestfriend ni Elmo diba? Kilala ka niya, Tuts. Di siya dapat umarte ng ganyan kung wala siyang tinatago."

"Alam mo, para kang si Jonas. Bine-brainwash niyo ko eh! Ang gulo na kaya!" inis na sabi ko.

"I'm just saying, Tuts. Pinsan mo ko. Ayoko lang na magstay ka sa relationship na to kung parehas nating alam na wala naman ng patutunguhan to." aniya. "Tuts, maybe you're just scared to break up with him dahil nasanay kang kasama siya palagi. But you have to let go if it's not working anymore."

"Tuts..." di ko na napigilan ang pag-iyak. Wala na kong paki kung makita ni Nicholas na umiiyak ako. I need to get this out.

"Mommy, are you okay?" tanong niya. "Tita why is mommy crying?"

"She's crying because she's in pain baby." ani Maqui. "Hug mo na si mommy para okay na siya uli sige na."

"I love you, mommy. Please don't cry na po."

"You still have Nicholas, Tuts. Atleast he loves you unconditionally and supports you kahit sa anong bagay. Kahit wala pa siyang muwang sa nangyayari."

Kumalma na ako at saka na nagpunas ng luha at uminom ng tubig. May point si Maq. Siguro nga sanay lang akong palagi kong nakakasama si Adam.

"Uhm... Kamusta pala sa bahay? Nagpadala na ko nung isang araw sa kanila. Nakapunta ka na ba dun?" tanong ko.

"Ayos naman. Nagkasabay kami ni Kuya Jiro sa Bayad Center kahapon. Nagbayad sila ng bills niyo." aniya. Tumango na lang ako. "Kailan ba uuwi si Elmo? Baka pwede naman kayong magbakasyon ni Nicholas sa atin. Miss ka na ni mama at gusto niya daw makilala tong bata."

"Sa susunod na linggo pa uwi nila eh. Tsaka alam mo namang di ako papayagan nun lalo na kung kasama si Nicholas." sabi ko.

"Edi isama mo din siya."

"Asa ka pa dun. Tsaka ayokong kasama yun, Tuts. Gagawin nanaman akong aliping sagigilid nun."

"Baka makapalag sa mga kapatid mo. Hahahahaha." halakhak niya. Natawa na rin ako saka ko pa siya binatukan. "Pero seryoso. Namimiss na kita saten. Wala akong matext kapag madaling-araw na nagugutom ako. Kainis. Tapos wala akong makainuman pag Biyernes. Hupyak ka kasi bakit dito ka sa Maynila eh." reklamo niya.

Pretend LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon