71

4K 129 7
                                    

Chapter 71

Biyernes. Ito ang araw kung kailan pumayag si Selena na makipagkita uli sa amin. Mabuti na lang dahil may number siya sa isang kaibigan ni Elmo kaya madali ko siyang nasabihan.

"Are you sure about this?" tanong ni Elmo. Nakasandal siya nun sa hamba ng pintuan ng kwarto ni Nicholas habang abala naman akong binibihisan siya.

"Mommy, why do I have to look gwapo for dinner?" tanong ni Nicholas sa akin.

"Anak, you're always gwapo naman. But you have to dress up lang kasi we have someone with us."

"Who po?" pagtataka niya. "Is it ninong? But I always wear pambahay when he's here naman."

"No, Nicholas. It's not your ninong. And we won't have dinner here." sagot naman ni Elmo.

"Oh. Daddy, is it the President of the Philippines?" tanong nanaman niya. Natawa kami ni Elmo at hinalikan ko naman siya sa pisngi.

"No, baby. Basta." sabi ko at inayos na ang sleeves ng white polo niya. "Ayan. Get your shoes na. Then we'll go." utas ko. Bumaba naman siya ng kama at tumakbo sa shoe rack niya saka bumalik sa akin nang makuha na niya ang sapatos na susuotin niya.

Sa BGC namin napagkasunduan magkita nina Selena. Sa Larry's sinuggest ni Selena kaya pumayag na rin kami ni Elmo.

Pagdating namin dun ay nadatnan namin siyang nakaupo na sa isang bakanteng table. Nag-angat siya ng tingin at agad niya kaming kinawayan.

"Hi. Sorry medyo late kami." sabi ko nang bumeso ako sa kanya.

"Mommy, she's the lady who helped me!" excited na sambit ni Nicholas. "Hello po! I'm Nicholas and I'm 6 years old!" pakilala niya pa. Napalingon naman ako kay Elmo na halata mong hindi talaga kumportable sa pagkikitang ito.

"Hi, Nicholas. I'm Tita Selena. How's your wound?" tanong naman ni Selena sa kanya.

"It's magaling na po. My mommy is a nurse!" nakangisi pang sagot ni Nicholas.

"Why don't we order first?" sabat ni Elmo saka na tumawag ng waiter.

Naging awkward ang buong oras ng pagkain namin. Wala na ngang nagtangkang magsalita dahil iba na talaga ang aura ni Elmo. Gets ko namang ayaw talaga na niyang ipakilala pa itong si Nicholas sa mommy niya pero ang point ko lang naman talaga eh kawawa naman ang bata kung hindi niya malalaman ang totoo. Kaharap na niya pero di niya pa alam na ito ang mommy niya? Ayoko na magtago ng sikreto sa kanya. Tama na yung dati na sa iba niya nalaman na hindi talaga ako ang mommy niya.

"Mommy, I can't cut my chicken." aniya habang kinakalabit ako.

"Here, Nicholas. I'll help you." ani Selena at siya na mismo ang naghiwa sa pagkain ni Nicholas.

"Thank you, tita!" aniya saka pa ngumisi sa kay Selena. "Tita..." untag niya.

"Hm?"

"Are you mommy's cousin too?"

"Son, she's just someone who helped you when you had an accident at the playground." sagot ni Elmo. "Now finish your food or I won't order the dessert you want."

"Okay daddy." sabi ni Nicholas at nagpatuloy na sa pagkain.

"Uhm... He grew up just like you, Elmo. Mabait at matalino." bungad ni Selena.

"He got it from Julie. My wife has been hands on to him ever since."

"Oh..." marahang tango ni Selena.

"Uhm... Siguro its better if we finish the food first." sabi ko.

"Sorry baby..." ani Elmo at hinalikan pa ang kamay ko. Nakita ko kung paano napangiwi si Selena sa nasaksihan niya at ang pag-iwas niya ng tingin sa amin. "You finish your food na. I don't want my babies getting hungry. Okay?" dagdag pa ni Elmo saka pa hinawakan ang tiyan ko.

Pretend LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon