3

3.2K 106 8
                                    

Chapter 3

Nagising ako sa paulit-ulit na pagrring ng phone ko. Ayoko mang sagutin dahil masakit ang mata at ulo ko kakaiyak kagabi pero wala naman akong magagawa. Mukhang di ako titigilan nitong kung sino man siya.

"Lo?" tamad at antok na sambit ko.

"Tangina pang benteng tawag ko na to ha!" bungad sa akin ng galit na galit na si Maqui. Dumilat ako saka tumingin sa orasan sa may dingding at nakitang 1:30 na pala ng tanghali.

"Bakit ba, Tuts?" hikab ko.

"Magbihis ka."

"Huh? Bakit nga?" tanong ko uli. "Wala naman akong lakad ngayon. Antok pa ko."

"Tuts magbihis ka na dahil may interview ka ngayon!" singhal niya dahilan para mapabalikwas ako ng tayo.

"Ha?! As in now na?!"

"Oo nga. Gago ka ba?! Kaya nga kanina pa ko tawag nang tawag eh. Magmmeet kayo ni Arch. Tan mamayang alas kwatro sa Makati. Bilisan mo!"

"Teka lang. Anong trabaho ba yan? Tsaka teka lang ulit. Architect yan eh. Tuts, alam mong di ako graduate sa ganyang course."

"Gaga. Siya lang naman kakausap sayo dahil pinsan pala siya ni Carmel eh. Tsaka magaling ka namang magsketch. Okay na yan!" aniya.

"Eh! Iba pa din yung field ko. Bursing graduate ako, Tuts. Remember?"

"Wampake. Basta magbihis ka na." utos niya.

"Teka. Ano susuotin ko? Corporate attire ba? Casual?"

"Try mo maggown. Baka sakali." sarkastikong sambit niya.

"Tuts!!!"

"Hahahaha. Casual lang. Sa Starbuck's daw kayo magkikita."

"Tuts madaming Starbuck's sa Makati. Saan banda ko naman siya hahagilapin dun diba?" sabi ko.

"Teka." aniya. "Mela, saang Starbuck's daw?" tanong niya kay Carmela.

"Sa Ayala Tower 1, Julie!" sigaw ni Carmela.

"Ayan. Narinig mo?"

"Oo. Sige sige. Uhm. Anu-anong nga dadalhin ko?" tanong ko.

"Resume mo lang. Wag ka mag-alala. Parang kilala ka naman niya eh. Di kaya schoolmate mo dati to?" pagtataka niya.

"Schoolmate? Eh ang alam ko medical courses lang sa Manila. Diliman ang Arki no."

"Oh eh basta kilala ka niya. Malay ko ba kung pano?! Sige na Tuts! Tapos na lunch break ko. Mag-ingat ka ha? Tsaka goodluck! Balitaan mo ko pag-uwi mo." paalam niya saka na tinapos ang tawag.

"Pakshet..." sabi ko sa sarili ko saka na kinuha ang twalya at nagtungo sa banyo.

Sabi ni Maqui ay casual lang ang isuot ko. Ano kaya sa mga damit ko ang disente tignan? Eh kung hindi statement shirt, crop top, sleeveless shirts at midriff ay wala naman akong makitang disente dito. Nagulat ako nang tumunog ang phone ko. Isang text mula kay Maqui.

Tuts:

May sleeveless top ka diyan na may collar. Pwede na yan. Magpantalon ka ha? Wag kang gaga. Goodluck! 😜

Nagreply ako sa kanya habang hinahanap ang sinasabi niya shirt.

Me:

Gago ka! Sige na. Nakita ko na. Salamat, Tuts! Love you!

Nagmadali na akong nagbihis saka tinignan ang sarili ko sa salamin. Okay naman yung itsura ko. Sakto ang bagsak ng sleeveless collared shirt sa akin at bumagay siya sa black jeggings ko. Suot ko rin ang brogue shoes na binigay saken ni Mama Mel nung birthday ko. Naisipan ko rin na gawing bun na lang ang buhok ko. Naglagay ako ng konting make-up at pagkatapos ay kinuha na ang bag ko at lumabas na ng kwarto.

Pretend LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon