60

4.9K 148 7
                                    

Pretend Love

Chapter 60

"A-Adam?" utas ko.

"Kamusta?" tanong niya saka lumapit sa akin. "Ang tagal kitang hindi nakita ah."

"Okay naman ako. Ikaw? Kayo nung girlfriend mo?" tanong ko. Kumunot naman ang noo niya saka nag-iba ang mood niya. "Adam? Ayos ka lang?"

"Uhm... O-oo okay lang ako. Ano kasi... Wala na kami nun. Niloko ako eh. Sinabi niya na buntis siya at kailangan pakasalan ko siya pero yun pala iba ang nakabuntis sa kanya." aniya. "Julie sorry sa mga nagawa ko. Sana mapatawad mo ko at pabalikin mo ko sa buhay mo. Mahal pa rin kita, Julie. Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo. Niloko kita at pinaasa pero nagsisi na ko dun. Ilang buwan kitang hinanap para makausap kita pero hindi kita nahanap. Hindi ko magawang kausapin ang banda dahil galit na galit sila sa ginawa ko. Takot ako sa pamilya mo dahil sa ginawa kong pananakit sayo. Pero Julie gusto ko lang na malaman mong mahal na mahal pa rin kita. Please, Julie. Hindi na ko uulit sa nagawa ko. Hindi na ko titingin sa iba. Hayaan mong iparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Manliligaw ako uli kung yun ang gusto mo. Basta hayaan mo ko Julie..."

Natawa ako sa mga sinabi niya at napatingin ako sa mga mata niya. Hindi ko na kilala ang lalaking to. Oo minahal ko nga siguro siya pero iba na ang Adam na nasa harapan ko ngayon. Iba na ang nakikita ko sa kanya.

"Karma mo na siguro yan, Adam. Niloko mo ko kaya niloko ka rin ng babae mo. I'm sorry pero di ko na kayang papasukin ka sa buhay ko." nagulat ako nang biglang hawakan niya ang kamay ko saka pa ito hinalikan ng paulit-ulit. Kinabahan ako dahil baka magwala si Elmo kapag nakita niya ang ginagawang ito ni Adam. Ayoko ng gulo.

"Julie maniwala ka naman saken. Patawarin mo na ko." paulit-ulit na sambit niya.

"Bitiwan mo ang kamay ko Adam..." tanging sabi ko na lang.

"Hey. Is this guy bothering you?" nagulat ako nang maramdaman ko ang paghawak ng isang lalaki sa bewang ko. Pag-angat ko ng tingin ay si Elmo pala.

"Uhm hindi naman. He's an old friend." sabi ko.

"An old friend? Then why is he kissing your hand?" pagtataka niya sabay harap kay Adam at naglahad ng kamay. "I'm Elmo. Julie's fiancé and you are?"

"Fiancé?" pagtataka ni Adam.

"Your name is Fiancé?"

"Ha? H-hindi. Ako si Adam y--"

"Ah. You're my girl's ex. I see." tango ni Elmo.

"Elmo don't start..." bulong ko. Hinawakan ko pa siya sa braso pero ngumiti lang siya sa akin.

"I'm not gonna pick a fight, baby. I just wanna tell this guy that the girl he took for granted is now being treated like a queen." aniya. "Dude you just lost every guy's dream. And she now belongs to me."

"J-Julie..." ani Adam.

"Let go of my lady's hand, dude. Before I lose my cool." sabi naman ni Elmo. Agad namang binitawan ni Adam ang kamay ko at agad ko namang naramdaman ang pagpulupot ng kamay ni Elmo sa bewang. Mas humigpit ito at animo'y ayaw akong pakawalan.

"Sorry..." ang tanging nasabi ni Adam.

"If you're saying sorry for what you did to her just now then you're forgiven. But if that sorry is for what you did before, then you're too late Adam. You've hurt her already. You didn't know how much she cried and how much you've caused her pain. But I wanna say thank you though." nakangiting sambit ni Elmo.

"B-bakit nagpapasalamat ka?" pagtataka ni Adam.

"Because if you didn't break her heart, I won't be able to find my wife."

Pretend LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon