≠ 01

77 3 2
                                    

"Nishimura Takeshi,"

"Present."

Agad akong napangiti.

Sa simpleng pagsulyap at pagkakarinig ko sa boses niya ay kumpleto na agad ang araw ko.

Simping for Taki, day 365. Exactly one year mula nang lumipat sila rito sa Rizal mula Manila. Bago pa sila lumipat sa Manila ay sa Japan sila nakatira.

They lived in Japan for almost half of his life. 8 years sila doon, 7 years sa Manila at pa-isang taon ngayon rito sa Rizal. As far as i know. Half filipina and half thai raw ang Mommy niya, japanese naman ang tatay niya.

Kaya lang naman ako napadaan sa room niya ay dahil nautusan akong i-print ang weekly plan ni Sir, ang printer ay katabi lang ng room niya sa dulo.

Magkasing-edad lang naman kami, palagi nga lang akong nasa star section habang siya ay sa pang-apat o pangatlo lagi. Matalino naman raw siya pero hindi pa napadpad sa star section.

Lowkey simping for him. Kung ang ibang nakaka-gusto sa kaniya ay nagkakandarapang umamin para mapansin, ako naman ay pasimple lang nagnanakaw ng tingin.

Hindi niya rin naman ako napapansin.

He has that intimidating aura, nakaka-takot, pero nakaka-dagdag rin sa ka-guwapuhan niya. Hindi siya ngumingiti, hindi ko pa siya nakitang ngumiti ever since.

Tahimik pero mapusok— what I mean is wild, palaban, matapang. Isa o dalawang beses sa isang buwan ay pumapasok siyang may mga pasa sa mukha.

Walang nakakakilala sa kaniya ng lubos. Wala siyang kaibigan na kasama. Napaka-misteryoso ng hapon na 'to. Ang alam lang ng karamihan ay pangalan, edad at tirahan niya.

No one knows why he is always like that, if he still have family, who are his parents, why he leave his former place and many more.

Kapag naalala ko iyon, I'm starting to wonder why I have a crush on him even though I did not know anything or everything about that Nishimura Takeshi.

Weird siya, maraming weird sa kaniya.

"Asthrea,"

"Jeydie, bakit?" Kaibigan also known as kapitbahay ko.

"Kailangan na 'yong weekly plan ni Sir Torres, tapos na? Ikaw na ang magbigay sa ibang section, start na kami, okay lang ba?" Aniya.

Tumango ako. "Hm, ako na. Goodluck sa first day."

Ngumisi agad siya at kumindat pa bago umalis. Isa pang weird.

Nang matapos ako ay pinamigay ko na ang mga weekly plan sa bawat section ng Grade 11, pitong section iyon, buti at magkakatabi lang.

Inuna ko ang pinaka-malapit. Room nila Taki.

"Excuse po," Kumatok ako sa pinto.

Lahat ay lumingon sa akin, maliban sa kaniya na walang pakialam sa mundo. May sariling planeta yata.

I wasn't hoping that he will notice me, by the way. But even just a gaze, it would made my whole month, swear.

"Lesson plan po for week 1, Miss." Sambit ko at iniabot ang hawak ko.

"Salamat, 'neng."

Ngumiti ako at naglakad na paalis.

"Hi, Thea!"

"Crush! Long time no see, glow up, ah!"

Awkward ko na lang na nginitian ang mga dating kaklase kong bumabati sa akin. Hindi ako sanay sa atensyon pero palagi nilang ibinibigay sa akin 'yon.

Nang makabalik ako sa classroom ko, tahimik akong umupo dahil nagsimula na sila. Dahil first day namin ngayon, sakto pang bago ang advicer namin ngayon, puro introduce yourself.

Medyo kilala na rin naman ako rito sa apat na taong posisyon sa Student Council. Sa apat na taong 'yon, posibleng Presidente na naman ako ngayong taon kapag nag-election.

Hindi ko naman gusto pero mga prof na rin ang nagrerekomenda sa akin sa Dean, wala naman akong magawa.

"Good Monday, everyone. I am Asthrea Vinzon, 17 and Student Council's former President." I smiled genuinely.

Bumalik ako sa upuan ko.

Natapos ang buong araw ng puro pagpapakilala lang ang naganap sa klase. Wala namang bago, si Jeydie pa rin ang kasama ko sa school year na 'to.

I've been with him since elementary, noong grade 5 o 4 siguro. Hindi niya naman ako iniiwang mag-isa kahit may iba pa siyang barkada. Kung hindi ko pa pipiliting umalis para magawa niya ang gusto niya ay hindi talaga niya ako iiwanan.

I appreciate that though. Tutal wala na rin naman akong mga magulang— my Mom is still alive but... for me, she's totally gone. For some deep reason, I hate her.

Wala akong kapatid. Lola at Lolo ko ang nag-alaga sa akin nang lumipat ako rito sa Rizal pero pumanaw na rin 3 years ago. Sa akin naiwan ang bahay nila.

Wala naman silang ibang anak maliban kay Papa na wala na rin. Magkakasama na sila sa langit, ang daya, iniwan akong mag-isa.

Huminga ako ng malalim nang makarating sa bahay. Napalingon pa ako sa kapitbahay ko sa kanang bahagi. Doon kasi nakatira si Taki na late na palaging umuuwi.

Imagine, mag-kapitbahay kami, schoolmate, same age and grade rin pero never nagkaroon ng interaction. We really made for others, not for each other.

But nevermind, hindi na rin naman ako nangangarap at umaasa pa. Masaya na akong araw-araw siyang nakikita.

Nang makabihis ako ay ginawa ko na agad ang mga kailangang gawin. Dahil hindi ako nakakapaglinis sa umaga dahil may pasok, sa hapon ko ginagawa.

Hindi ko pwedeng pabayaan ang bahay na kinalakhan ng tatay ko, ang bahay na halos kinalakhan ko na rin. Ang kumupkop sa akin nang maulila ako.

Nagwalis, naglampaso, nagpunas ng mga gamit at bintana saka nagsaing na rin ako. Dahil sa pagod ay lumabas ako para magpahangin, umupo ako sa kahoy na upuan sa harap.

Napabuntong hininga ako.

What if buhay pa si Papa? Nasa Laguna pa rin kaya ako ngayon kasama siya? What if narito pa sila Lola? Makararamdam kaya ako ng ganitong klase ng lungkot ngayon?

Ang hirap ng mag-isa. Darating ang araw na masasanay rin ako, tama? Pero kailan? Nakakapagod.

Wala akong pagpapakilalahan ng magiging boyfriend ko, nang magiging asawa ko sa hinaharap. I feel bad for him, also for myself.

I thought, being alone was fun. No one will object to the things you want, to the things you do. But now that I already know the feeling, nagsisisi ako. Pero sa mahabang panahong pagkawala niya sa tabi ko, nasanay na lang rin ako.

He is my favorite star... Likewise Lola and Lolo.

Muli akong napa-buntong hininga, tumama ang tingin ko sa taong paparating. It was Taki. Napakurap ako ng mapansing nakatingin siya sa akin. What?

Agad rin niyang binawi ang masungit na tingin matapos ang ilang segundong pakikipag-mata sa mata sa akin.

"Sinulyapan niya ako? Wow..."

The Stars Is Alive For All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon