"Taki." Suway ko.
Kanina niya pa ako ginugulo. Sinusubukan kong mag-focus sa binabasa ko kahit ang dami kong ibang iniisip pero ito siya, kanina pa ako dini-distract.
Nakaupo siya sa tabi ko sa study table. Nakaharap ako sa libro habang nakaharap siya sa akin, kung hindi yayakap ay maglilikot naman siya.
"Why?" Patay malisyang sagot niya pa.
Seryosong tiningnan ko lang siya. Makuha ka sa tingin, naiinis na ako.
"Alam mo, napapansin ko, ang cold mo sa 'kin. Bakit?" Tanong niya pa.
Huminga ako ng malalim bago ayusin ang suot na salamin at ibalik ang tingin sa libro.
"Hindi naman. Wala lang ako sa mood."
Tumaas ang dalawa niyang kilay na para bang hindi naniniwala, umayos siya at sumandal sa upuan niya.
"Ano, dalawang araw na wala sa mood, hmm?" Pangungulit niya pa.
Humarap ulit ako sa kaniya at malamlam siyang tiningnan. "Sorry."
Lumambot ang ekspresyon niya at muling lumulan sa akin.
"Kinuwento ko sa 'yo lahat. Still mad? Uncomfy? Confuse?" Pag-uusisa niya.
"No."
"Then why?"
Binasa ko ang labi. I reached for his face and he encircle his arms in my waist.
"Marami lang akong iniisip, Taki." Sagot ko.
Tinitigan niya lang ako. "Malapit na exam, oh, marami akong sinasaulo." Dagdag ko pa.
Mukha kasing hindi siya kuntento sa mga idinadahilan ko.
"You want to... avoid each other again?" He suggested after being silent for a while.
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Binitiwan ko ang pisngi niya pero nanatili ang tingin rito. "Takeshi, listen."
"May mga bagay lang na gumugulo sa akin ngayon, okay? Give me some time to think, hope you will understand me."
Tumango-tango naman agad siya.
"Okay, babi. Understood." Sagot pa niya.
Hindi na niya ako ginulo sa ginagawa ko hanggang sa matapos, sinabayan na lang niya akong mag-aral at magsaulo ng mga bagay na kailangang sauluhin.
Hindi ko alam kung rito siya matutulog ngayon kasi wala pa naman siya ipinapaalam. Nasa cr pa siya at kakatapos ko lang magligpit ng gamit.
Paglabas niya ay lumapit agad ako.
"Saan ka matutulog?" Tanong ko.
He chuckled. "Gusto mo bang dito, hmm?"
I sighed. Lumapit pa ako para mayakap siya. Rinig ko na naman ang mahinang pagtawa niya pero niyakap rin naman ako kaagad.
"Pwede?"
Hinagpos niya ang buhok kong walang pusod at pinatakan ako ng halik sa noo.
"Basta ikaw, Asthrea... basta ikaw."
Sabay kaming humiga sa kama ko.
Matapos ko siyang tabihan noong gabing inaapoy siya ng lagnat. Parang wala na lang sa akin ang mga sumunod na pagtabi sa kaniya sa iisang kama.
I trust him, sa kaniya, ligtas ang pakiramdam ko.
Agad niya akong niyakap at ganoon din ang ginawa ko sa kaniya. Nakaunan ako sa braso niya at nakasiksik pa ang ulo ko sa may bandang leeg niya.
BINABASA MO ANG
The Stars Is Alive For All
CasualeSince the guy who lives in Manila but originally from Japan moved to her place in Rizal, that Japanese caught her attention immediately. He helped the guy to moved on from his past but suddenly, she fell. She fell hard for the person who's still int...