≠ 21

5 1 0
                                    

"Taki, wake up, inom ka muna gamot."

Agad naman siyang nagmulat. Alas-kwatro na ng madaling araw at kailangan na niyang uminom ng gamot. Every 4 hours kasi ang inom ng gamot na ipinainom ko sa kaniya.

"Sana nag-alarm ka na lang at itinabi mo sa akin... para hindi ka na gumising, it's still dawn." He said using his husky voice.

Kumuha ako ng tubig at iyong gamot na iniinom niya.

"Okay lang. Sige na, take this."

Ibinigay ko sa kaniya ang hawak at agad naman niyang ininom. "Salamat..."

I smiled. Marahan kong pinadaanan ng mga daliri ang buhok niya.

"Tulog ka na ulit, i'll stay by your side hanggang sa okay ka na." Sambit ko.

Hindi nawala ang ngiti sa kaniyang labi hanggang sa pumikit.

"Thank you, sobra-sobra..." He mumbled, eyes are close.

Ilang segundo pa bago ako sumagot. "Anything for you, Taki." I whispered while combing his hair.

Magkatabi kaming natulog kagabi. Hindi naging big deal sa akin iyon dahil may sakit siya, kailangan ng mag-aalaga at makakasama kaya tinabihan ko na.

Nagising ako ng alas-siete. Tulog na tulog pa si Taki. Kinuhanan ko siya ng temperature, bumaba na ang lagnat niya kumpara sa temperatura niya kagabi.

Kailangan niyang makainom ng gamot mamayang alas-otso. Pero kailangan niya rin munang makakain. Ngayon na nga pala ang uwi namin pabalik sa Rizal. Mamayang 3:00 pm darating ang sundo.

Inayos ko na ang mga gamit ko pati na rin ang mga gamit ni Taki. Mukhang hindi na rin naman kami makakapaglibot ngayon dahil may sakit pa rin siya.

Bago mag-alas-otso ay lumabas ako para bumili ng pagkain. Buti na lang talaga at nagdala ako ng gamot, may kutob talaga akong kakailanganin namin 'yon.

Hinintay na lang naming mag-alas-tres. Ayos na ang mga gamit namin. Bumaba na rin ng tuluyan ang lagnat niya, sinat na lang ang mayroon. Isang inom pa ng gamot at siguradong okay na ulit siya.

"Sorry..."

"Bakit ka nagso-sorry?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi mo na-enjoy ang bakasyong 'to dahil nagkasakit ako." Sagot niya, medyo natatawa pa.

"Ano ka ba, nag-enjoy ako, promise!"

Nginitian niya lang ako at marahang ginulo ang tuktok ng ulo.

"Thank you sa pagsama sa akin rito, Asthrea." Aniya.

"Wala 'yon." Ikaw pa.

Nang makarating kami sa Rizal, doon muna kami dumiretso sa bahay niya para makapag-pahinga mula sa mahaba-habang byahe.

Chineck ko ulit ang temperature niya, sa wakas, wala ng lagnat. Pero kailangan niya pa ring magpahinga, baka mabinat siya kapag naggagalaw kaagad.

"Asthrea,"

"About sa nangyari last night..." He stopped and bit his lower lip.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya, hindi ko lang na-kontrol ang sarili ko."

Napatango-tango ako at nagpawala ng buntong hininga. "Hayaan mo na 'yon. Nangyari na."

Kalimutan na lang natin kasi nakakahiya ako.

Kinabukasan, chinat ko si Taki kung papasok ba siya pero sinabihan ko na ring huwag na muna dahil baka nga mabinat at magkasakit na naman siya.

Makinig sana ang lalaking 'yon.

Nag-ayos na ako ng sarili dahil may klase na ulit ngayon. Lunes na naman. Hindi ko nakita si Jeyd kahapon, siguradong uusisain na naman ako ng chismosong 'yon.

Inayos ko ang mukha ko sa salamin at kinuha na ang bag para pumasok. Dadaanan ko muna si Taki para i-check kung okay lang at siya at kung papasok ba.

At gaya ng inaasahan, nadatnan kong nagbubutones na ng uniform si Taki, suot na rin ang bag at mukhang nagamamadali pa. Para ba mahabol ako at makasabay sa akin?

"Pasaway ka talaga," Komento ko habang naka-sandal sa hamba ng pintuan.

"Okay na 'ko! Magaling na, promise." Taas-baba pa ang kilay niya.

I shrugged. "Sabi mo, e. Hindi ko kasalanan kapag nilagnat ka ulit. Bahala ka."

Tinalikuran ko na siya at naglakad na.

"Sus, akala mo naman matitiis na hindi ako alagaan."

Napaawang ang labi ko at kumunot ang noo ng marinig ang sinabi niya. "Abusado ka!"

Tinawanan niya lang ako at nagmamadaling tumakbo palapit para dambahan ako ng akbay.

"Tara na nga,"

Mabilis kaming nakarating sa school. Medyo maaga pa ng kaunti kaya tumambay muna kami sa malapit sa classroom.

"Hi, lovers,"

Inirapan ko ang bagong dating na si Jeyd. Umupo siya sa pagitan namin ni Taki.

"Sorry, hindi ko pa pinamimigay ang baby ko. Mine pa this girl." Sambit ni Jeyd at iniangkla pa ang siko sa ulo ko.

Agad akong nagreklamo. "Never naman naging yours." Saad ko.

"Kasi akin na since then." Singit ni Takeshi.

Napalingon ako sa gawi ni Taki ng magsalita siya. Hindi makapaniwalang tiningnan konsiya habang nginingitian at kinikindatan niya lang ako na parang wala lang.

"Pinagtutulungan niyo ako! Grabe kayo," Pagrereact ni Jeydie.

Umalis rin siya agad dahil maaga raw ang klase niya. Naghiwalay na rin kami ng landas ni Taki dahil mag-uumpisa an ang klase matapos ang ilang minuto.

"Huwag magpapagod," Bilin ko na tinanguan niya naman.

Kargo ko na naman siya kapag nilagnat, akala mo naman ay kayang alagaan ang sarili.

Hindi kami nagkita at nagsabay mag-lunch ni Taki, hindi ko alam kung saan siya pumunta. Ang sabi lang ng mga kaklase niya ay nauna ng umalis pagka-bell.

Sigurado naman akong kakain 'yon, hindi ko nga lang alam kung saan. Hindi na ako nag-abalang i-text siya, malaki na naman siya, kaya na noon ang sarili niya.

Pagkatapos ng huling klase ko ay sa room agad ni Taki ako pumunta, maya-maya pa ang labas niya kaya hihintayin ko na. Magtatampo lang 'yon kapag iniwan ko.

Umupo ako sa bench sa malapit sa room niya. Kinuha ko ang phone ko, nag-chat pala siya kanina. Hindi ko nakita dahil hindi naman ako nag-check ng messenger.

Take Shi
Nauna na ako mag-lunch, nagugutom na ako, e hahaha may ginawa lang rin ako saglit, see you mamayang uwian, babi mwaaa

Nakita ko na lang ang sariling ngumingiti habang binabasa ang message niya. Hay, Taki.

"Thea," Someone called me.

"Uy!" It's Taki.

Kumunot ang noo ko ng makita ang itsura niya.

"Ang pungay na naman ng mga mata mo, masama na naman ba pakiramdam mo?" Tanong ko pagkalapit.

"Sorry..." Tipid na gumiti siya.

Idinikit ko ang likod ng palad sa noo at leeg nuya. Confirm, lagnat nga ulit.

"Okay lang. Uwi na tayo para maalagaan na kita." Hinawakan ko ang kamay niya at inalalayan sa paglakad.

The Stars Is Alive For All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon