Naalimpungatan ako nang makaramdam ng ngalay. It's 6:29 am! Baka ma-late ako sa 7:00 am class ko!
Sa taranta ay naligo na agad ako. Iniisip ko pa kung kakain pa ba ako o hindi na. Nagugutom ako pero baka hindi ako umabot, mamaya na lang kapag maaga pa ako nakarating.
Mabilisang ligo lang ang ginawa ko. Buti na lang at plantsado na ang uniform ko. Nagmamadali akong nagbihis at nag-ayos ng sarili.
Napagdesisyunan kong huwag na lang kumain, matitiis ko pa naman. Buti ang medyo malapit ang school, I arrived at 6:53 am. Hindi ako aabot sa first class kapag pumunta pa ako sa cafeteria.
Napahinto ako sa pagpasok sa gate nang may humarang sa akin gamit ang braso niya, may supot pa sa kamay nito na una kong napansin. It's Taki!
Ngayon lang pumasok sa isip ko na magkasama nga pala kami kagabi. We freakin' sleep in one roof! Nag-usap pa kami na parang magakibigang nagdadamayan. Oh my god.
"Ano 'to?"
Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ang iniaabot niyang supot sa akin.
"Are you blind or just stupid?" Supladong tanong niya.
Napairap ako. "What I.mean is bakit mo ako binibigyan n'yan?"
Tinitigan niya pa ako bago nag-iwas ng tingin. Bahagyang umigting ang panga. Bumuntong hininga pa siya bago magsalita ulit.
"Pa-thank you... for taking care of me last night..." Pahina ng pahina ang boses niya.
I bit the insides of my cheeks to stiffle a smile. Namumula ang tainga niya, nahiya yata.
"Thank you is enough—"
"Just accept it." Siya naman ang umirap ngayon.
Wala akong nagawa kundi tanggapin ang ibinibigay niya. "Thank—"
Napangiwi na lang ako ng lampasan na naman niya ako ng walang pasabi. Roon ko lang naalalang may hinahabol nga pala akong klase! Nice, late ka, Thea.
"Sorry po, Sir,"
Pinapasok at pinaupo niya rin naman ako, hindi na pinagpaliwanag. Late ako ng 3 minutes dahil sa pakulo ng lalaking 'yon.
Siya na nga itong hinayaang mag-stay sa bahay ko kagabi, hindi man lang ako ginising, alam naman niyang may pasok kami! Nakakainis siya. Isa pa, ang tino ng itsura niya. Parang walang hang-over, pumasok pa talaga. Ang tibay.
"Goldilocks, huh."
Tinapay ng goldilocks pala ang binili niya para ibigay sa akin. Grabe, na-appreciate ko 'to. Ang layo kaya ng bilihan nito mula sa kinatatayuan ng bahay namin.
Kinain ko ang dalawa noon noong breaktime. Nalipasan na ako ng gutom kaya kailangan kong magpaka-busog para hindi lugi ang umagahan.
"Late ka raw? Ginawa mo?" Usisa ni Jeyd.
Nasa cafeteria kami ngayon, nagla-lunch.
"3 minutes lang naman, issue mo."
Naasar na naman ang loko, tumahimik ulit. Kumunot ang noo ko nang mapansing nakatingin siya sa akin, ilang segundo na. Tiningnan ko rin siya at tinaasan ng kilay.
"May bisita ka ba kagabi? May narinig kasi akong kumakatok, sa inyo ba 'yon o sa kabilang kapitbahay namin?" Tanong niya.
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya, magagalit siya plus baka kung ano pa ang isipin ng mokong na 'to. Hindi, hindi ko sasabihin.
"Wala akong bisita! Baka sa kabila 'yon," Tanggi ko.
Napatango-tango pa siya bago ako lubayan ng tingin. Sana ay naniniwala siya. Hindi ako ready magsabi at mag-kwento sa kaniya.
Natapos ang araw ng maayos. Wala namang ka-stress-stress ngayon, hindi ko rin nakita si Taki na medyo ipinagpapasalamat ko.
Baka tanungin niya ako kung anong nangyari kagabi. Well, nag-kwento siya about sa buhay niya before he came here pero baka magalit.
Baka isipin niya ay pinilit ko siya. Na pinagsamantalahan ko ang kalasingan niya para mausisa ang buhay niya. Paniguradong wala siyang naaalala.
Mula noong Martes ng umaga ay hindi ko na naka-usap ulit si Taki. Nagkikita kami, nakikita niya ako pero hindi naman pinapansin. Back to normal, parang walang nangyari.
Maganda na rin siguro iyon.
Lumabas ako para magpahangin. Mag-aalas-otso na at katatapos ko lang gumawa ng gawaing bahay. Ako lang naman ang tao pero may kalat pa rin sa bahay na kailangang imisin.
Umupo ako at tumingin sa paligid. Oversized jersey at cycling lang ang suot ko, hindi pa ako nakakaligo dahil ang aga pa naman. Malamig ang tubig.
Inayos ko ang buhok kong naka-bun na magulo na, hindi pa nakaka-suklay. Itinali ko na lang ulit 'yon dahil tinatamad akong suklayin ang buhok ko.
"Morning, my pretty neighbor!" Bati ni Jeyd sa akin mula sa bakod nila.
"Good morning, my chickboy neighbor!"
Pumasok rin siya agad sa loob para mag-kape, kagigising lang ng kupal, tanghali na bumangon.
Napalingon ako sa kabilang bahay. Sa bahay ni Taki na ilang hakbang lang ang layo sa akin. Tulog pa rin kaya siya? Hindi naman siya mukhang tulog mantika.
Napatigil ako ng biglang bumukas ang pinto nila at iniluwa noon ang lalaking iniisip ko. Wow, ha.
Sa akin ang tumama ang mga mata niyang singkit. Grabe, sapul. Umagang-umaga, magka-eye to eye kaming dalawa ng lalaking 'to.
"Uhm, morning..." Bati ko.
Tinanguan niya lang ako. Teka— wow, tinanguan niya talaga ako? Hindi dinedma? Hindi niya ako sinungitan? Maganda yata ang gising ng hapon, ah. Mabuti na rin 'yon.
Umupo rin siya sa upuan sa harap ng bahay niya. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon na lang sa langit ang mga mata.
Ang ganda ng sikat ng araw ngayon. Hindi sobrang mainit, hindi masakit sa balat. Namumuti ang balat kong nasisinagan ng araw pero hindi pa rin sapat para maging kasing-kulay niya.
Good morning, Papa. Pinapanood mo na naman ang maganda mong anak mula diyan, ano? Ako lang 'to, Pa.
Natawa ako sa iniisip.
Papa is my everything. Losing him is really hard to accept. But yeah, unti-unti ko nang natatanggap na mag-isa na lang ako sa buhay.
Abala ako sa mga iniisip nang mapansing nakatingin si Taki sa akin.
"Can you change your clothes? Umagang umaga, lantad na lantad 'yang balat mo. Ang daming dumadaan, oh."
BINABASA MO ANG
The Stars Is Alive For All
RandomSince the guy who lives in Manila but originally from Japan moved to her place in Rizal, that Japanese caught her attention immediately. He helped the guy to moved on from his past but suddenly, she fell. She fell hard for the person who's still int...