≠ 17

6 1 0
                                    

"Tapos na!"

Sabay kaming napa-upo sa sofa matapos ilagay ang dalawang natitirang frame sa kahon at sabay itong isinarado.

"Wow... my house looks clean and large." He chuckled.

Inilibot ko ang apningin sa kabuuan ng bahay niya. Oo nga. His house with less picture frames and paintings looks so wide.

"Nagugutom ka? Tara kumain," Aya niya.

Sumunod ako sa kaniya sa kusina. Nagpaalam siyang ii-init niya raw muna iyong adobo, ako naman ay naghain na para pagkatapos niya ay makakain na.

Ang mga gamit niya sa pagkain, hindi gaano marami. Nasa isa o dalawa lang kada bagay. Oo nga naman, wala naman nga kasi siyang kasama rito.

Tatlong plato, dalawang baso, tatlong kutsara, dalawang tinidor, mangkok at platito na tig-isa. Hindi rin kumpleto ang mga kagamitang panluto niya.

Hindi siguro madalas magluto ang isang 'to.

Kumpleto naman siya sa furnitures at mga pagkain. Pero iisa nga lang ang kwarto niya rito. Maganda ang bahay niya kahit hindi gaano malaki.

Bumalik siyang may dalang mangkok na may lamang ulam.

Nagulat ako nang pagsilbihan niya pa ako, inusod niya ang upuan para makaupo ako. He even put foods on my plate and pour water on my glass. Uh, wow.

"Thank you,"

Hindi na lang ako nakatanggi sa gulat.

"Asthrea,"

"Hmm?"

Nasa sala kami ngayon, watching a fantasy movie. Katatapos lang ring kumain.

"I was planning to go on a vacation next weekend, medyo napapagod akong maging student council's President." Sambit niya, natatawa.

I frown. Anong ibig niyang sabihin? "Okay... So, what's your plan?" I asked.

Binasa niya pa ang ibabang parte ng labi bago sumagot.

"I was also planning to go to the beach with you. And yes, I'm asking you if you want to go with me." Dire-diretsong aniya.

Napaawang ang labi ko. He's asking me if i want to go him in a vacation? Oh my god. Wait- still processing.

"Ako? Isasama mo?" Ulit ko pa.

He slowly nodded. "Nako, huwag na. Ikaw na lang, enjoy ka!" I smiled.

Mahina akong napadaing ng ngumuso siya. So he's using his power again? Unfair!

"Magta-tampo ako kapag hindi ka pumayag." Pangungumbinsi pa nito.

"Taki?!" Hindi makapaniwalang hiyaw ko.

Teka lang, teka. Ang daya, e, mali 'yang ginagawa niya. Pinipilit niya ako, ginagamitan pa ng charms niya. Hindi pwede, no.

"Please?"

I sighed as I stared at this 'paawang Taki'. "Ah, sige na. Oo, sasama ako."

I give up. Totoo bang pumayag ako sa alok ng laking 'yon? 2 days with him. Kaya ko ba? Baka lalo lang akong mahulog kapag gano'n. Nakakainis naman.

Pero why not? Nakakaya ko ngang patambayin siya sa bahay ko kasama ko at kaming dalawang lang. Matagal rin siyang tumatambay sa bahay.

Nakasabay ko na rin siyang kumain, palagi naman kaming magkasamang dalawa. Hindi naman siguro magiging awkward ang bakasyong 'yon, 'di ba?

What if... we're in the same room there? Ah, matulog ng kasama siya? Hindi ko yata kaya! Oo, sa iisang bubong kami natulog noong lasing siya.

Pero lasing siya noon, e! Lasing, wala sa wisyo, walang alam sa nangyayari. Iba 'yon, iba 'yong pwedeng mangyari roon. Iba na ang nararamdaman namin ngayon!

Sana hindi kami magkasama sa iisang kwarto, please.

Paano kung... may ibang mangyari doon? What I mean is, ma-develop ng tuluyan? The ambience there is not the usual or normal, what if?

'Yong tipong lugar kung saan pwedeng makapag-usap ng seryoso, ng masinsinan, ng mga bagay-bagay na... hindi naman dapat?

Kinakabahan ako. Paano kung bigla na lang niya akong mapaamin? Hindi ko kakayanin. Hindi ko pa kaya, natatakot pa ako.

"Bakasyon kasama si Pres?" Tumango ako.

"Wow, bestie! Chance mo na 'to!"

Nagulat naman ako sa bigalng pagsigaw niya.

"Chance? Anong chance at saan naman?" Naguguluhang tanong ko.

Para siyang bulateng nagkiki-kisay.

"Chance mo nang magtapat ng feelings mo kay Pres tapos gan'to. Tips, ha, para ano... maayos ang pag-amin mo," Dagdag niya pa.

Sunod naman ang mga mata ko sa kaniya sa likot niya, kunot ang noo at gulong gulo sa pinagsasa-sabi niya.

"Dapat gabi, dinner date, gano'n! Tapos pa-handa ka ng lamesa sa tabing dagat. Syempre mga kandila at pagkain, ano ka ba." Hinampas niya pa ako.

"Practice-in mo na rin speech mo, 'yong ano, mga linya mo 'pag umamin ka para iwas pa-hiya. Sabihan mo ng sweet messages, mga matatamis pang pangako, para pak na pak!"

Napairap na lang ako.Bakit ba ako nakikinig sa sinasabi niyang chance keneme ko na raw 'to? Tumayo na ako at nilayasan siya.

"Hoy, 'teh, 'yong kiss pa, don't forget! Uwu!" Pahabol pa ni Jeydie.

Mabilis na lumipas ang mga araw.

Huwebes na ngayon. Bukas ng hapon raw kami aalis ni Taki kaya nag-ayos na ako ng gamit na dadalhin. 2 days lang naman kaya hindi na masyadong marami ang dadalhin ko.

Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na kasama ako ni Taki sa bakasyon niyang 'to. Hindi ako makapaniwalang napapayag niya ako sa simpleng salita niya lang. Grabe.

Pilit ko na ring iwinawaksi sa isipan ang mga kakila-kilabot na mga bagay na naiisip ko once we get there. Ang wild ng imagination ko, hindi ko kinakaya.

Sabi niya ay sa isang maleta ko na ilagay lahat ng gamit ko para isang bitbitan na lang. Sinunod ko naman kasi mas madali nga kung hihilahin na lang ang gamit.

Inilagay ko sa back pack ko ang mga essentials gaya ng gamot, just in case, extra money, phone at charger at iba pang palagi kong kailangan.

Pagka-uwi galing school, nag-ayos na ako. Sleeveless na croptop at maong short ang suot ko, sinuot ko na rin ang royal blue kong cardigan at puting tsinelas.

Lumabas ako hila-hila ang maleta kong itim at suot ang back pack. Hawak ko pa ang phone ko dahil katatawag lang niya, asking if i'm already done.

Hinintay ko na lang siyang lumabas. Nang bumukas ang pinto ng bahay niya, iniluwa nito ang nag-iisang Nishimura Takeshi ng Pinas. Shades on with his yellow hawaiian polo.

"Let's go?" I smiled. So handsome.

The Stars Is Alive For All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon