≠ 27

7 1 0
                                    

"Hi. Okay na ba ang babi ko?"

Agad na nanikip ang dibdib ko ng marinig ang boses niya.

Bumalik na naman sa akin ang nakita at narinig ko noong gabing iyon. Pati ang mga katanungang gumugulo at nananakit sa akin ay muling umikot sa isip ko.

"Usap tayo, ayusin natin..." Malambing niyang ani.

Tatlong araw na mula nang mangyari 'yon. Ngayon lang ulit kami nagkita, kagagaling ko lang rin.

"Hmm, 'yong... nakita mo 3 days ago,"

Hindi ko alam kung makikinig ba ako o huwag na lang. Baka masaktan lang ako sa mga sasabihin niya. Ayoko na.

"Asthrea, wala 'yon. Wala lang 'yon."

Sarkastiko akong napatawa sa loob-loob ko. Of course, he would say that it is just nothing! Sino ba namang aamin? Wala.

"About sa hindi ko pagsipot sa lakad natin, it's also because of her." Pagdadahilan niya.

So, maghapon silang magkasama.

"Hinarang niya ako, umaga pa lang. Nag-usap kami, I explained everything to her-" I cut him off.

"Na ano? Na mahal mo pa rin siya?" Wala sa sarili kong sabi.

Hindi agad siya nakapagsalita sa gulat sa sinabi ko.

"Asthrea, hindi. Hindi 'yon, hindi ko sasabihin 'yon, kahit kailan."

Kinagat ko ang dila para hindi na makapagsalita pa pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili. Ayoko ng usapang 'to.

"Kaya pala gano'n na lang 'yong way ng paghalik mo sa kaniya before? Humalik ka pa talaga pabalik?"

He chuckled and i frown. "Are you jealous, babi?"

Inis na nilingon ko siya. "Takeshi, I am damn serious here."

Ngumiti pa siya kaya lalo akong nainis.

Am I joke to him? Pinaglalaruan niya lang ba ako? Huh. Baliwala lang sa kaniya ang sakit na naramdaman ko noong mga sandaling 'yon. Nakakatawa.

Gustong-gusto ko siyang saktan pero hindi ko naman magawa.

"I know... That's why I'm explaining to you all, para hindi mo ma-misunderstood ang mga nangyari." Pangangatuwiran niya pa.

I sighed.

"Sinabi ko sa kaniya na hindi na ako babalik sa kaniya. Na tapos na kung anong meron kami. Kahit na nagmamakaawa siya, hindi ako pumayag."

"Kasi meron na akong ikaw..." Dagdag niya pa.

Ayokong magpadala sa mga salita niya lang.

"Hindi niya ako nilubayan maghapon. I badly want to come with you but I can't because of her. She's messing my freakin' mind." He said.

Kumawala na naman ang sarkastikong tawa ko.

"Bakit? Naguguluhan ka na ba ngayon kung sino sa aming dalawa? Well, you can freely choose her." Sambit ko.

Nagulat na naman siya sa sinabi ko. "Asthrea..." Mahinang aniya.

Muli akong nagpakawala ng mabigat na paghinga. Parang maiiyak na ako sa walang kwentang usapang 'to. Nakakainis talaga siya.

"Taki, kung ako ang humahadlang sa inyo, handa akong umiwas at lumayo."

Nanatili ang seryosong tingin niya sa akin. Ilang minutong paglalabanan ng tingin pa bago siya sumagot.

"Para namang hindi mo ako mahal niyan." Nag-iwas siya. Napakagat ako sa labi at napalunok.

"Huh. Ikaw pa ang may ganang magsabi niyan, lakas mo naman."

Iniwan ko na siya sa labas at pumasok sa loob ng bahay ko. Maling desisyon ang lumabas pa para tanawin ang langit. Mabigat ang loob na humiga ako sa kama.

Imbis na magkaayos kami nang nakapag-usap, lalo pang naging malabo. Gusto kong marinig ng maayos ang side niya, hindi ang kung ano-anong kwento.

Taki's calling...

Hindi ko alam kung bakit ko sinagot.

["Babi..."]

I bit my lower lip.

Tumulo na ang luhang kanina pa gustong kumawala. Bakit iniiyakan ko na naman 'to?

["I just want to assure you, ikaw lang, I swear."] He whispered.

Nanatili akong tahimik.

["Hindi na ako babalik sa kaniya. Para saan pa? It would never be the same kung papapasukin ko ulit siya sa buhay ko."] Aniya.

"But you want to?" Wala sa sarili na namang giit ko.

["Asthrea..."]

I chuckled but with pain. "Okay lang... Just go, huwag mo na akong sabihan kasi mas masakit 'yon, hmm?"

I bit my lower lip hard to stifle my sobs. Ayokong marinig niya akong umiiyak.

["No, I would never, babi."] He assured with his mild voice.

"Alam mo, na-realize ko na mukhang ito na 'yong kinakatakutan ko<" Mahinang sabi ko.

["Hmm?"]

"Like what I've said earlier, kung gusto mo pa rin siya, magpapaubaya ako. And remember what I've said before? I'll do anything for the man I love..." I sighed.

Hindi siya sumagot.

"Do you think... Ikaw ang magpaparamdam sa akin ng gano'n?"

["Ako na ang mamahalin mo ng sobra... pero hindi ang mananakit sa 'yo, babi..."] Mabilis niyang sagot.

I closed my eyes. "Pero ginawa mo na."

["Hindi ko na uulitin, hindi ko na hahayaang maulit lalo na't hindi ko naman ginusto."] Sabi pa niya. Bahagya akong napa-tango.

"May tiwala ako sa 'yo... I trust you more that I trust anyone."

["Hindi ko sasayangin."] I knew he's smiling.

Lumipas ang mga araw at naging okay na ulit kami. Hindi pa gaano noong una pero unti-unti rin namang naibalik gaya ng dati. Wala sa amin ang nagbanggit pa noon.

Hindi ko na sinabi sa kaniya ang nangyari sa akin at sa Mama ko noong araw na 'yon. Ayoko nang mag-alala pa siya. Gaya nga ng sabi niya, nakaya ko naman, tapos na 'yon.

Pagkatapos ng sem-break, my exam na naman kami. We let each other to study peacefully, ng magkasama.

Ayaw niya na raw iwasan ako para rito sa exam, nangako naman siyang hindi ako gugukuhin at ganoon rin ako sa kaniya. Mahirap rin na walang hapon sa tabi ko, nakakapanibago.

"Babi,"

Nilingon ko siya na nasa likod ko ngayon. Nakapatong ang kamay sa sandalan ng upuan ko at nakatingin sa akin.

"Hindi ka pa ba tapos, hmm?" Malambing na tanong niya.

"Malapit na, Taki." I smiled.

Napapitlag ako ng ipatong niya ang mukha sa balikat ko. He even give me a peck on my jaw. Parang wala lang sa kaniya ang ginawa niya. Ipinalibot niya pa ang braso sa tiyan ko.

"Can I sleep here? I promise, behave lang ako..."

The Stars Is Alive For All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon