"Aalis ako bukas." Paalam ko sa kaniya.
Narito kami sa paboritong tambahayan, ang upuan sa labas ng bahay ko. Pinagmamasdan ang mgandang kalangitan gaya ng paborito kong gawin tuwing gabi.
"Saan ka pupunta?" Mabilis na pag-responde niya.
"Manila... Death anniversary ni Papa."
Matagal niya akong tinitigan ngunit hindi ko inalis sa langit ang atensiyon ko. Hinayaan ko na lang siya na mukhang may iniisip.
"Can I come with you?" He asked after a while.
Nilingon ko siya at kinunutan ng noo. "Sure ka? Magha-half day ako, payag ka um-absent?"
"Oo naman. As I've said before, basta kasama ka." He smiled.
Sandali ko siyang tinutigan bago awkward na tumawa, nakakailang bigla ang titig na iginaganti niya.
"Sabi mo, e. Pagka-tanghalian, alis na tayo." Sabi ko.
Nagpaalam na rin akong matutulog na. Bukod sa inaantok na ako, paghahandaan ko na rin ang malungkot na ganap kinabukasan. After a year, makikita ko na ulit ang puntod ni Papa.
Mabilis akong nakatulog pero tanghali na nagising. Muntik pa akong ma-late sa unang klase ko. Hindi ko na rin tuloy nakita si Taki ngayong umaga.
Si Jeyd ang kasama ko noong break time. Hinanap niya pa sa akin si Taki pero sinabi ko na lang na hindi ko rin alam at baka may ginagawa kaya hindi sumipot.
Nagpaalam na rin ako sa professors ko bago mag-lunch break na a-absent ako para dalawin si Papa ngayong death anniversarry niya sa sementeryo sa Manila.
Umuwi akong hindi nakita ang anino ni Takeshi. Kumatok ako sa bahay niya pero wala namang sumasagot kaya umuwi na lang ako sa bahay ko.
Hindi pa naman ako nagugutom dahil kanin ang kinain ko noong break time, hindi kasi ako nakapag-almusal sa pagmamadali. Hindi na lang ako kakain ngayon, busog pa naman ako.
Nagbihis at nag-ayos na ako. White pants at simpleng printed t-shirt na lang ang isinuot ko at puting rubber shoes. Nagdala ako ng back pack na may lamang mga mahahalaga lang.
Pinusod ko ang buhok at isinuot ang salamin ko, wala namang grado, bigay kasi 'yon sa akin ni Papa at gusto niyang isinusuot ko. Matutuwa iyon dahil suot ko ito sa pagbisita.
Lumabas na ako ng bahay at agad na tinanaw ang pinto ng bahay ni Taki. Kumunot ang noo ko. Umuwi kaya siya? Naalala niya kaya ang lakad namin ngayon?
Kinuha ko ang phone ko at tinext si Taki.
To: Taki
Where r u? We need to go na, baka umulan pa.
Wala akong natanggap na reply mula sa kaniya. Wala ring Taki na nagpakita matapos kong padalhan ng mensaheng kailangan na naming umalis. Sasama pa kaya siya?
To: Taki
Are u still going wid me?
If nagbago isip mo, reply ka naman o puntahan mo ako sa bahay.
Still no respond. Ilang minuto na akong naghihintay, gagabihin ako ng uwi kung hihintayin ko pa siya, mukhang uulan pa nga, ang malas. I really need to go.
I sighed.
To: Taki
Aalis na ako, can't wait you, next time ka na lang sumama.
Mabilis akong nakarating sa terminal ng bus papuntang Manila. Nakasakay at naka-byahe rin naman ako agad.
Pinasak ko sa tainga ang headset na dala at nakinig na lang ng mga kanta sa spotify habang pinapanood ang daan papunta sa tatay ko.
Wala pa rin akong natatanggap na mensahe mula kay Taki. Busy siguro siya. O baka pumasok sa klase dahil nakalimutan ang lakad naming dalawa? Baka nga.
Isang beses sa isang taon ko lang nabibisita si Papa. Kapag death anniversary niya lang. Halos sabay na ng sa undas dahil hindi naman nagkakalayo ang petsa nito.
Nang makababa sa bus ay agad akong dumiretso sa sakayan ng jeep na dadaan sa sementeryo para makababa na ako doon. Nilakad ko pa dahil medyo malayo rin.
Para kay Papa, handa akong magpakapagod.
Sa wakas, narito na rin ako. Ulit.
Arnold E. Vinzon
Born: January 3, 19**
Died: October 25, 20**"Hi, Pa... Narito na ulit ang maganda mong anak." I chuckled.
Umupo ako at ipinatong ang bulaklak sa gilid ng lapida niya.
Sa pitong taong pagdalaw ko rito. Hindi na ako nagiging emosyonal. Ayaw ni Papa 'yon, isa pa, halos tanggap ko na rin na iniwan na niya talaga ako.
"Na-miss ko po kayo!"
Napatigil ako ng may maalala.
"Pa... may ipapaalam po sana ako sa inyo, tutal narito na rin naman ako at hindi sa langit nakatingin para kausapin ka."
Kahit alam kong walang sasagot.
"Si Taki po, I already introduce him to you..." I bit my lower lip.
"I... I was planning to answered him a yes kapag nagkita kami."
Matagal-tagal ko na ring pinag-iisipan 'yon.
"He really proved himself to me and he's deserving, Pa. Ako pa nga po yata ang hindi siya deserve." Mahina akong natawa.
Tumahimik ako sandali at pinaglaruan ang mga daliri.
"I want to vanished all his bad memories with his past girlfriend po. You think I can do it? Kahit mas matagal ang pinagsamahan nila?" Parang baliw na tanong ko.
I sighed. "Ah, basta. Gusto ko lang po ay mapasaya siya para kahit paano, mapalitan ng magandang alaala ang nakaraan niya."
"I want to stay by his side forever... I want to be his crying shoulder, his buddy... and also his girl." Napangiti ako ng wala sa oras.
Taki, I'll wait for the right time for us.
"Anyways, Papa," Pag-iiba ko sa usapan.
"Si Mama, bumalik na naman." Kwento ko.
"But don't worry, I won't break my promise to you. I wouldn't go and live with her gaya ng napag-usapan bago ka mamatay." I assured.
Ipinangako at ibinilin niya sa akin iyon bago siya malagutan ng hininga.
"Ipagdasal niyo na lang po na sana ay hindi niya ako mahanap. Na hindi niya sana mahanap ang bahay na tinitirhan ko sa Rizal." Sambit ko.
"Rizal? Sa Rizal ka pala tumitigil ngayon?"
Nahigit ko ang hininga bigla sa narinig. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong pamilyar ang boses nito. Kumabog ang dibdib ko at dali-dali itong nilingon.
"M-Mama?"
Her killer and psycho smile flashed. "Anak ko, na-miss mo ba si Mama?"
BINABASA MO ANG
The Stars Is Alive For All
De TodoSince the guy who lives in Manila but originally from Japan moved to her place in Rizal, that Japanese caught her attention immediately. He helped the guy to moved on from his past but suddenly, she fell. She fell hard for the person who's still int...