≠ 12

7 3 0
                                    

"Because you like me."

"Una pa lang, alam ko na. I'm good at looking person's intention... Likewise feelings."

Paulit-ulit tumatakbo sa isipan ko ang mga katagang binitawan niya.

Am I too obvious? Ilang araw na ang nakalipas pero na-stuck ako sa scenario na 'yon. Hindi ako maka-move on samantalang parang wala lang sa kaniya.

I admit it. I like him. Pero wala naman akong balak umamin, wala akong balak ipaalam sa kaniya! Just like what I've said before, okay na akong nakikita at nakakasama siya.

Plus- wala naman akong pag-asa. Si Aryes pa rin ang mahal niya. I wasn't expecting anything at all pero ang hirap lang na ako ang kasama niya pero si Aryes pa rin ang nasa puso't isip nito.

Kahit pa sabihin niyang kinakalimutan na niya ang babae, paano? Paano kung umaga, tanghali, hapon ay mukha nito ang bubungad sa kaniya.

I know he have many memories with Aryes. Memories I can't incommensurate kahit gaano pa katagal ang panahong lilipas na kasama ko siya.

Naiinggit ako, nalulungkot. Pero wala naman akong magagawa. Nasa kaniya pa rin ang desisyon kung kakalimutan niya ang babae o patuloy mamahalin.

Ako? Manantiling kaibigan niya. Mananatili palagi sa tabi ni Nishimura.

Gusto ko nga siya pero sana ay hanggang doon na lang, sana ay hindi na lumalim pa kasi alam ko ang patutunguhan ko kapag nagkataon. Magmumukha akong tangang umaasa.

Pero kasi naman. Should I distance myself to him? Para iwas ka-tangahan in the future kapag nahulog ako ng sobra. Gaya ng sinabi kong dahilan noon kung bakit natatakot ako sa gano'n.

Ang dami nang nawala sa akin na sobrang mahal ko. Siya pa kaya na hindi pa nga sa akin, wala na? Talo na agad ako. May nag-mamay-ari pa sa kaniya kaya ayoko.

"Argh, ang hirap!" Sigaw ko at napasabunot sa sariling buhok, nababaliw na.

"Mahirap mag-review?"

Napahawak ako sa dibdib ng biglang may umupo at magsalita sa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin nang makitang nagpipigil siya ng tawa. Hindi ko man lang siya napansin agad.

"Ah, ano ba, huwag ka ngang mang-gulat ng gano'n." Inis kong sabi.

Itinaas-baba niya lang ang kilay niya sa akin. Ibinalik ko ang atensyon sa binabasa. Naki-usisa naman siya, itinuon niya ang mga braso sa mesa ko at tiningnan ang binabasa ko.

"Ano ba kasing mahirap? Ituturo ko," Alok niya.

Napatigil ako ng ilang segundo. "Turuan mo 'ko kung paano lumayo sa 'yo." Wala sa sariling sambit ko.

Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Kaunti na lang ang agwat ng mukha namin sa isa't isa pero wala roon ang atensyon ko. Sa reaksyon niya ako nakatingin.

Ah, Takeshi, bakit ka ganiyan? Bakit ganiyan ang reaksyon mo? Umaasa ako...

"W-What?" Doon lang ako natauhan. Did I really said that?!

"K-Kailangan kong mag-review, Taki, lalayo muna ako sa 'yo para makapag-focus sa exam." Palusot ko, kinakabahan.

Baka ma-misunderstood niya ang sinabi ko!

He frowned. "Distraction ba ako sa 'yo?" Seryosong tanong niya.

Napalunok ako. Nakakainis. Ano ba kasing naisip ko kanina at sinabi ko 'yon? Ang hirap tuloy umisip ng pakusot!

Agad akong umiling. "Hindi, hindi naman sa gano'n pero-"

"Okay. Bye." Aniya sabay tayo at lakad paalis.

Napanganga na lang ako sa inasta niya. Ano 'yon? "Hoy, teka!" Sigaw ko pero hindi na siya lumingon, binilisan pa ang lakad.

Ayan na naman siya sa kakaibang mga kilos niya. Lalo mo lang akong nililito, Nishimura.

Natapos ang mga klase ko na puro review ang ginawa. Next week na ang first quarter exam, kailangan ko na talagang mag-review ng malala sa mga susunod pang araw.

Hindi ko na naman nakita si Taki maghapon. Nagtampo ba talaga siya? Kailangan ko ba siyang amuhin gaya ng ginawa niya noong sumama ang loob ko?

Nakakainis. Bakit ko kailangang gawin 'yon?

Nagkataon namang nakita ko ang lalaking hapon na nakaupo sa bench 'di kalayuan sa pwesto ko. Nagmamadali akong lumapit sa kaniya para maka-usap.

"Hi,"

Sinulyapan niya lang ako ng ilang segundo. Wow, ha? Nag-effort akong ngumiti at batiin siya tapos susulyapan niya lang ako ng gano'n na parang galit pa siya?

"Anong ginagawa mo?"

Kinausap ko pa rin siya kahit mukhang hindi niya naman ako gustong kausapin.

"Nagre-review ka na ba?" Pagpapatuloy ko.

Hindi niya ako sinasagot. Patuloy lang siya sa pag-buklat ng libro niya. Hindi naman niya binabasa dahil tuloy-tuloy lang ang paglipat nito sa pahina.

Umusod ako sa tabi niya pero lumayo rin siya agad.

"Akala ko ba ay lalayo ka sa akin? Bakit mo 'ko kinakausap ngayon, hmm?" Mahinahong aniya, pero mukhang naiinis na.

Awkward akong tumawa matapos ang ilang segundo pakikipag-eye to eye sa kaniya.

"Ito naman, hindi mabiro! Gusto ko nga lang nakapag-focus sa binabasa ko kanina, hindi naman sa ayaw ko na sa 'yo."

Sinamahan ko pa ng pabirong hampas sa braso niya pero seryoso pa rin ang ekspresyon nito. Please, huwag ka na magalit, huwag kang ganiyan.

"Kahit na. Hangga't hindi tapos ang exam, hindi na muna ako sasama sa 'yo. Oo, ako na ang lalayo para hindi ka ma-distract."

Nilayasan niya na naman akong tulala sa sinabi niya roon.

"Wow... Ang lalaking 'yon... Ah, bwisit siya!"

Inis kong hinampas ang sementong mesa na ininda ko rin pagkatapos kasi masakit, ang tigas ng mesa. Napa-buntong hininga na lang ako.

Nag-ayos na rin ako para umuwi, wala naman akong makakasabay. Si Jeyd kaya? Medyo hindi na kami nagkakasama ngayon, busy rin siya sa kung ano.

"Asthrea," sakto, si Jeyd.

Sabay kaming umuwi. Nag-kwentuhan pa kami habang naglalakad gaya ng nakasanayan. Nagbi-binata na ang kaibigan ko, nag-iiba na ang hilig.

"Si Pres, bakit hindi mo kasabay?" Biglang tanong niya.

Pinaka-common na palusot, Thea. "Ah, si Pres... Busy, e." Sagot ko.

Binigyan niya lang ako ng hindi naniniwalang tingin. Inirapan ko naman siya.

"Weh ba? Baka naman nag-iiwasan kayo kasi nagka-aminan na?"

Nagulat ako pero umakto pa ring normal. "Sira, walang gano'n,"

Wala namang aminan na nangyari, ah? Tampuhan, mayroon.

"Aminin mo na, gusto mo, ano?" Sabi na naman niya. "Huh? Na ano?" Nagtatakang tanong ko.

"Si Nishimura mismo."

The Stars Is Alive For All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon