"Good morning, Pres,"
"Good morning, VP."
Mula nang sumama siya sa akin sa bahay, masasabing kong medyo nagkalapit na rin kaming dalawa. Minsan ay magkasama kaming gumagawa ng report na ipapasa sa office.
Buddy kami sa student council. Tuwing may meeting o project ang mga officers ay kami ang magka-tandem. Tinutulungan ko rin siyang mag-lead, bago lang raw 'to sa kaniya.
Halos dalawang buwan na rin ang nakalipas ng mag-umpisa ang mga klase. Wala naman masyadong requirements, medyo chill pa habang palapit ang exam.
2 weeks pa bago ang exam. Grabe, ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, pasulyap-sulyap lang ako sa kaniya. Tapos ngayon, nakaka-usap ko na, nakakasama ko pa.
Si Jeyd ay medyo busy these days, may nililigawang junior ang loko. Grade 10 at kaunti lang naman raw ang agwat ng edad nila ang katuwiran niya.
"Hay, grabe! We're back," Hiyaw ko ng makapasok sa office.
Ilang araw na kami rito, nag-aayos ng mga papel rito na kailangan pa at hindi na. Rito na rin kami tumatambay kapag walang klase, iyon ang sabi ng Dean sa amin.
"Nag-lunch ka na?" Tanong ni Taki.
"Hindi pa."
"Here," Aniya sabay baba ng supot sa mesa ko. "Eat first." Dagdag pa nito.
Tinitigan ko lang siya. Nilabanan niya naman pero nauna siyang umiwas kaya palihim akong natawa. Habang kumakain ng bigay niya, pinagmamasdan ko lang siyang i-sort ang mga papel na naiwan ko kanina.
I never thought that I and Taki will be this close to each other. Akala ko, forever ko nang tatanawin siya mula sa malayo.
Sa totoo lang, hindi ko makilala ang sarili ko kapag kasama ko siya. I mean, tahimik ako noon. Pero kapag kasama ko siya, ang daming kumakawala sa bibig ko.
Para akong sobrang interesado sa kaniya. Ang dami kong tanong na hindi naman niya lahat sinagot lalo na kung tungkol sa past niya. Hindi naman weird, buhay niya 'yon, he have the rights na sarilihin na lang.
Parang ako lang rin, hindi ko kinu-kwento sa ibang tao ang nakaraang buhay ko na hindi gaanong normal kumpara sa buhay ng nakararami.
"Stop staring, Asthrea. You're distracting me." Iritang sabi niya, kunot na ang noo.
Napatawa na lang ako at binilisan ang pagkain para matulungan siya roon. Patapos na rin ang lunch time at baka hindi na naman kami matapos rito.
Sabay kaming umuwi. Noong mga unang araw, kasama pa namin si Jeyd pero dahil busy nga sa nililigawan niya, hindi na siya nakakasabay sa amin.
Napapadalas rin ang pagtambay ni Taki sa bahay ko tuwing wala siyang ginagawa. Samantalang ako, hindi man lang makasilip sa bahay niya. Ayaw niya, ayaw niya ring sabihin ang rason kung bakit.
"Pasilip sa bahay mo," Bulong ko.
Tiningnan niya ako. "Hindi pwede."
"Sige na, kahit sa sala lang?" Pamimilit ko.
Umiba na naman ang itsura ng mukha niya. I wonder why he don't want me to be in his house.
"Ayoko."
"Please, Taki, please?" Huling pagkakataon.
"Asthrea." Napalunok ako sa biglaang pagseryoso ng boses niya. Nakakatakot.
"O-Okay, salamat sa pagsabay." Mahinang sambit ko.
"Wai—"
Parang may kung anong bumikil sa lalamunan ko kaya nagmadali akong pumasok sa bahay at ini-lock ito. Ang hirap biglang magsalita.
Sumandal ako sa pinto at humawak sa dibdib.
I respect his privacy, specially him. Pero sa simpleng bagay na 'yon ay hindi niya ako mapagbigyan. Akala ko, magkaibigan na kami, close na. Pero mukhang hindi naman.
Ako namang napaka-sensitibo, nasasaktan sa simpleng pagtaas ng boses niya sa akin. Same as the way he stopped me to go with him inside his house.
"Asthrea..."
Kumabog ang dibdib ko nang marinig ang mahinahong boses niya. Hindi pa pala siya umaalis sa harap ng bahay, gano'n rin ako, ewan ko kung bakit.
Kinabukasan, nagising ako ng maaga. Naalala ko na naman si Taki. Ang hapon na 'yon, nakakainis siya!
Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung anong ganap roon. Nagulat ako nang makita ang 16 missed calls ni Taki sa akin. He didn't leave a message pero ang daming missed call.
Ano namang nakain niya? Ngayon lang siya tunawag sa akin, wala nga kaming conversation sa messages ko. Basta naka-save ang number niya sa akin.
Inignora kona lamang iyon at bumangon na. Dumiretso ako sa CR para mag-ayos ng sarili. Tapos sa kusina para magsaing at magluto ng umagahan ko.
Pinatungan ko ng oversized white shirt ang sleeveless na suot ko bago lumabas. Mukha akong walang short pero hayaan mo na, hindi naman nila ako kailangang pakialaman.
Napaatras ako ng mukha ni Taki ang sumalubong sa akin pagbukas ko ng pinto. He's wearing a white hoodie and red joggers, naka-tsinelas lang siya at may suot pang beenie.
"Ginagawa mo rito? Ang aga-aga,"
Lalampasan ko na sana siya nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko at tiningnan ako sa mga mata.
He looks... Worried.
"Are you mad at me, hmm?" He asked.
I sighed, sabi na. "Hindi!"
Natigilan ako nang sa isang iglap ay nakakulong na ako sa mga bisig niya. What the freak just happened?
"I'm sorry..." He whispered.
Napapikit ako sa kiliting dulot nito sa aa batok ko tumama ang hininga niya.
"I just... Can't let you in right now... But I promised I will when I'm finally ready." Mahinahong sambit niya.
Napabuntong hininga na lang ako at tumango-tango.
"I can't understand but okay, I respect you. Sorry for acting like that yesterday." Ani ko.
Hindi pa rin siya bumibitaw sa yakap. Habang tumatagal ay mas umiinit ang yakap niya. Pabilis rin ng pabilis ang tibok ng puso ko kada segundo.
"Are you hurt?" He gently asked.
I bit my lower lip. "A bit..." Mahinang sagot ko.
Agad na lumapat ang kamay niya sa buhok ko para hagpusin iyon, nabigla pa ako kaya napalayo ako sa kaniya agad. He's acting freakin' strange!
"But it's okay! I'm okay."
Gaya ng ginawa niya kanina ay hinawakan ko rin ang magkabilang balikat niya at ngumiti.
"Kung ano man ang rason mo, iintindihin ko. Wala naman ako sa posisyon para magalit. Don't worry."
He just stared at me for a while.
"Ah, Asthrea... Please... Stop being like that..." He dramatically said while hitting his chest.
BINABASA MO ANG
The Stars Is Alive For All
RandomSince the guy who lives in Manila but originally from Japan moved to her place in Rizal, that Japanese caught her attention immediately. He helped the guy to moved on from his past but suddenly, she fell. She fell hard for the person who's still int...