"Again, Happy Teacher's Day!" Sigaw ng emcee kasabay ng mga estudyante.
Katatapos lang ng program at pa-games ng mga officers sa mga teacher. Nakakapagid pero worth it makitang nakangiti ang mga professors namin ngayon.
"Tired?" I nodded but still smiled.
Dahil in-announce na na walang klase ngayon, malaya kaming mag-ikot o umuwi na lang. May lunch date ang mga prof mamaya at mukhang nagba-bonding sila ngayon.
Pasimple niyang pinunasan ang pawis sa noo ko. Nag-thank you na lang rin ako kahit natatawa sa hindi maintindihang ngiti niya ng tingnan ko ito.
"Lunch date rin tayo later."
Muntik na akong mapa-ubo sa biglaang pag-aalok niya ng date. He never ask this before! Nabigla lang ako.
"Hm?"
"Lunch date rin tayo later?" Ulit niya pa.
Binasa ko ang labi bago nag-iwas ng tingin.
"Pwede namang lunch na lang, bakit may date pa?" Tanong ko.
Ngumuso na naman siya. Palagi na lang niyang ginagawa 'yan kaoag alam niyang kokontra ako sa inaalok niya. Nakakainis talaga ang hapon na 'to.
"Ayaw mo?"
I sighed. "Hindi naman. Pero anong gagawin natin?"
Should i accept his offer? Well, manliligaw ko siya. Normal lang naman sigurong lumabas for a date with your suitor, right? Para mas magkakilala pa kami?
"Pasyal tayo after. Sa plaza o kahit saan mo gusto?" Suhestiyon niya pa.
I bit my lower lip.
Pursigido talaga siya sa date na sinasabi. Pumayag na lang kaya ako? Wala naman sigurong masama kung kakain at mamasyal kami sa labas, 'di ba?
"Sure ka? Kahit mainit?"
"Oo, basta kasama ka."
I said 'yes' to his offer. Sa simpleng pagpayag ko ay nagliwanag ang mukha niya, mukhang excited pa.
Inintay lang naming mag-bell para makalabas na. Tumambay lang naman kami kasama si Jeyd sa cafeteria, nagbabardagulan habang nag-iintay ng labasan.
"Hay, sa wakas," Hiyaw ni Jeyd na kasabay naming lumabas.
"Inip ka, 'no?" Natatawang sabi ko.
"Oo, 'teh. Feel ko hindi na ako magla-lunch, na-pakyaw ko na pagkain sa cafeteria, e."
Tinawanan na lang namin siya. Humiwalay rin siya ng daan pagkalabas namin ng gate.
"Ingat kayo, lovers, bye!"
Dumiretso kami sa restaurant na ni-recommend ni Jeyd na maganda raw ang ambience at masarap ang mga pagkain. Hindi rin raw kamahalan.
Buti na lang at naka-ordinary kami ngayon. Naka faded blue pants at royal blue short sleeve tee ako, naka-rubber shoes nga lang pero ano naman kung hindi pang-formal?
Nilakad na lang namin ni Taki 'yon dahil hindi naman masyadong malayo, dalawang kanto lang at naroon na agad kami. Labas pa lang, maganda na.
Sabay kaming pumasok at namangha sa ganda ng loob nito. Nilapitan kami ng waiter at iginaya sa table na bakante sa medyo dulo ng restaurant.
"Menu, ma'am, sir."
Hindi ako pamilyar sa mga pagkain, naalala kong Thai restaurant nga pala ito kaya naman pinaubaya ko na sa may lahing Thai ang pag-order. I know he knows.
"Thank you."
"Ang dami mo yata in-order? Dalawa lang naman tayo."
Tumawa lang siya at kumindat pa.
BINABASA MO ANG
The Stars Is Alive For All
RandomSince the guy who lives in Manila but originally from Japan moved to her place in Rizal, that Japanese caught her attention immediately. He helped the guy to moved on from his past but suddenly, she fell. She fell hard for the person who's still int...