"Kain tayo?"
He raised the plastic he's holding, may lamang tupperwares ng mga pagkain. I open the door widely and welcomed him.
"Pasok ka,"
"Ano naman 'yang dala mo?" Natatawang tanong ko.
Inilapag niya ang dala sa mesa at isa-isang inilabas ang lamang mga tupper ware. Tatlo iyon ay punong-puno ng mga pagkain.
Isa-isa niya ring binuksan. Una ay caldereta, sunod ay shanghai, may dessert pang cake. Galing ba siya sa birthday-han at parang pang-handa ang mga dala niya?
"Kumpleto 'yan, wala nga lang kanin pero may sinaing ka naman, 'di ba?"
Napailing na lang ako at mahinang tumawa. "Hindi kumpleto kapag walang kanin!"
Quarter to seven na. Hindi pa rin naman ako nagha-hapunan kaya sumabay na ako sa kaniya, tutal may dala rin namang siyang makakain.
Isang linggo na mula nang maganap ang 'pag-amin' niya sa akin na gusto niya raw ako. I gave him chance because why not? Think he deserves it.
Sino ba naman ako para tanggihan ang isang Nishimura Takeshi na made from Japan?
"Ikaw nagluto?"
He nodded. "Does it taste good or bad?"
Natawa ako nang mapansing iniintay niya talaga ang sagot ko, mukhang kinakabahan pa. Nakangiting tinanguan ko siya bilang sagot sa tanong kanina.
Nag-kwentuhan kami habang kumakain. Sinabi niya kung gaano siya na-stress sa result ng exam namin last week. Kalalabas lang kasi nito kahapon.
Well, pasado naman ako sa lahat ng subject. Same as Taki's grades pero may isa lang na hindi naka-abot sa line of 9. He is still struggling in our Filipino subject.
"You really love to watch the sky and smile at the stars, aren't you?" He suddenly asked.
Nakangiti akong tumango. Gaya ng naka-sanayan, narito ulit ako sa upuan sa harap ng bahay. Kasama si Taki. Masayang pinagma-masdan ang kalangitang puno ng bituin.
"The one who shines bright is my father... I believe that he's watching me..." I said.
Napapitlag ako ng bahagya nang bigla siyang umakbay sa akin.
"There are 2 stars that shining bright tonight, huy... is one of those is my Dad?"
I slowly nodded. "Maybe. He's watching his good son."
After a minute, nakapag-adjust rin ako sa posisyon naming dalawa. Tahimik lang naman siyang nakamasid sa langit, mukhang may iniisip.
Malaya kong napagmasdan ang kalahati ng kaniyang perpektong mukha. This man is really admirable, i hope he find someone who really deserve him.
I hope that someone can be me.
"Dad... uh, why did you do this to me?"
Napatitig ako sa kaniya nang marinig ang sinabi niya. My Taki is in pain again.
"We don't have memories together, like the normal father and son used to do. I only had the bad ones," He chuckled but full of pain.
"But I should keep it, too, right? It's still memories with you although that memories is not that happy to remember." His tear fell from his beautiful eye.
I gently patted his hand on my shoulder. Kusang sumandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Ah, I miss you..." He whispered.
Kasabay noon ang pagpahid sa tumulong luha at pag-iwas ng tingin.
"I'm sure your Dad miss you, too."
He looked at me at stared for a while. He bit his lower lip and slowly nodded before looking at the dark sky again.
"Wait for me... I'll visit you when I already have a chance..."
Mariin kong nakagat ang labi nang isang unknown number na naman ang tumatawag sa akin. I know, its her.
"Anong kailangan mo?"
I didn't know too why i answered this call.
["Anak ko, Astra..."]
Why does she keep on calling me like that?!
Napapikit na lang ako. "Please. Stop this shit, Ma." Pakiusap ko.
["Gusto lang naman kitang makita, a-anak."]
Alam kong hindi lang 'yon ang gusto niya. She want to take me and I don't want to be with her. "Ako, ayoko."
I knew she's crying but it doesn't mean I will give up and will surrender to her. Hindi ako magpapadala sa pag-arte niya.
["Sumama ka na kay Mama, sige na, Astra."] Pamimilit pa nito.
"Ma naman! Hindi ako siya! Saka ilang beses ko na bang sinabi na ayoko? Ayokong sumama. Ayoko sa 'yo."
Napaupo ako sa kama ng sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Napatakip ako sa bibig para iwasang gumawa ng ingay, nasa sala lang si Taki.
Ito na naman. Ito na naman siya, nagbabalik para kulitin at pilitin ako sa bagay na ayoko.
Bumabalik lang sa akin ang lahat tuwing naaalala at naririnig ko ang boses niya. Mauuwi sa matinding pag-iyak hanggang sa makatulugan ko na.
Ang nakaraang gusto ko nang kalimutan pero hindi mawala sa isip ko. Nakaukit na, may marka nang hindi mabubura ang ginawa niya sa amin noon.
"Asthrea?"
Mabilis kong inayos ang sarili ko. Pinahid ko ang nagkalat na luha sa mukha ko. Gayon rin ang buhok kong nagulo na. Pero hindi ko maloloko si Taki.
"Hey, what happened?"
Nagmamadali siyang lumapit sa akin. Nakasunod lang ang mga mata ko sa kaniya. Agad niya akong sinalubong ng yakap nang makalapit siya.
"Why are you crying, hmm? Hush..." He gently caressed my hair.
I pressed my lips together to stifle my sobs. I didn't bother to answer him. Na-blangko ang utak ko.
"Is everything okay, babe?" Maingat na tanong niya.
I gulped. "Si Mama..." Pabulong na sagot ko.
"Gusto na naman niya akong kunin..."
Hindi ko na napigilan ang sarili. Kumawala na naman ang mga luha ko. Hindi mawala-wala sa dibdib ko ang sakit na ginawa ng sarili kong ina. I want to punished her so bad but how? I can't!
"No, babe. If you don't want to come with her, I am here to protect you, 'kay? Hindi kita pababayaan. Hindi ako papayag na makuha ka niya." Pagpapa-kalma niya sa akin.
Sa simpleng litanya niya, masasabi kong kumakalma ang buo kong sistema. He is really something I couldn't define.
Napakagat ako sa ibabang labi, sa pagod na nadarama, kusang bumagsak ang katawan at talukap ng aking mga mata. Ngunit bago 'yon, pinakinggan ko muna ang kaniyang kataga.
"No one will take you... Away from me. I'll stay by your side whenever you need me or not... You have Taki, Asthrea..."
BINABASA MO ANG
The Stars Is Alive For All
De TodoSince the guy who lives in Manila but originally from Japan moved to her place in Rizal, that Japanese caught her attention immediately. He helped the guy to moved on from his past but suddenly, she fell. She fell hard for the person who's still int...